So many girls fall in love with the wrong guy, simply because the wrong guy always says the right things...
•••
Chapter Five
[Fia's POV]
I USED to be a spoiled baby girl of my father. Noon yun, nung sila pa ni mommy. But when my father left us for another woman ay natutunan ko rin ang magpahalaga sa mga bagay-bagay. I've witnessed kung paano naging napakahirap ng sitwasyon namin nun. My mom never accepted anything from my father matapos nilang maghiwalay. Even my trust fund, which my father intentionally secured for my future ay hindi ginalaw ni mommy. Ganun siya ka ma-pride.
And looking back of what we've become, masasabi kong ang nanay ko talaga ang pinakaulirang ina sa lahat ng mga nanay. I'm so proud of my mom dahil nakuha niyang itaguyod ang pamumuhay namin sa sariling lang niyang pagsisikap.
Siguro, ang drawback lang ng nanay ko ay nung tuluyan narin niyang pinaputol ang komunikasyon namin ni daddy. Galit na galit si daddy nun dahil hindi hinahayaan ni mommy na makausap niya ako ni personal o sa phone. Galit na galit din ako sa daddy ko nun. Pero gusto ko siyang maka-usap at tanungin kung bakit niya iyon nagawa sa amin. Kung bakit niya ipinagpalit ang mommy ko. I felt so betrayed. Akala ko masaya kaming pamilya. Pero akala ko lang pala yun.
My mom would never let me talk to my dad dahil sabi niya, mas lalo lang daw akong masasaktan. Hindi ko pa iyon matanggap noon pero kalaunan ay nakuha ko naring maintindihan ang lahat. Noong lubos na akong nagka-isip. Naitanong ko sa sarili ko. Sino nga ba namang matinong lalaki ang mambabae?
We've both moved-on, pero minsan, ang dami ko paring mga tanong na hindi ko pa nahahanapan ng sagot. And up until now, I couldn't ask my father, kasi, ayaw kong saktan ang nanay ko.
Napahinga ako ng malalim. May kirot parin habang tinititigan ko ang masaya naming litrato. Nakaupong magkatabi si mommy at daddy habang kandung-kandong naman ako ni daddy. Ang lawak ng ngiti nila pareho. Makikita mong pareho silang masaya. Na mahal na mahal nila ang isat-isa.
Mapait akong napangiti. Six years old ako dito. Kuha sa patio ng dati naming bahay itong litrato. Bahay na katabi ng mga Montero. Kung saan ko naman nakilala si Elijah nun.
I flipped the next page of the album.
Hi Maria Ferrofia Carmina,
I know how you liked that pink dino. I saw you staring at it when we went to the mall last Sunday after church. I bought it last Saturday but Mikho took it before I could give it to you. I'm sorry. Hope you like this cute little pink pony though.
Elijah :)
I felt my eyes moist habang bahagya kong pinadaan ang mga daliri ko sa cute na cute niyang hand writing. I smiled bittersweetly. Pangit pa ang sulat kamay niya dito because he was like seven years old ng sinulat niya 'tong letter. This was the very first letter that I got from him. Elj was so thoughtful back then that I got to receive numbers of letters and gifts from him kahit wala namang okasyon.
I couldn't read more of his letters kaya tiniklop ko na ang album. Ang sikip sikip na naman sa dibdib. Ang saklap saklap ng sitwasyon ko ngayon. I have no choice but to work under Elijah's jerk of a brother. I wanted to see Elj so badly pero pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa nangyari sa amin ni Kayden.
Tumayo na ako at niligpit ang lumang photo album. Pinatapon na ito ni mommy bago kami lumipad ng States pero hindi ko ginawa. Sadya ko 'tong tinago dito sa kwarto ko.
Itong bahay na tinitirhan ko ngayon. Dito kami lumipat ni mommy nung naghahanda siya para sa mga papers namin papunta ng New Jersey. Halos isang taon rin kaming tumira dito. Bungalow type lang 'to. May dalawang kwarto at isang banyo. Binili ito ni mommy noon mula sa mag-asawang sa US narin naninirahan ngayon.
BINABASA MO ANG
Mistaken Scandal (Montero Series # 1 ) English Version Available on Hinovel
RomanceWarning: FOR MATURE READERS ONLY (Kayden Andrei Montero's Story) "Love me or hate me, both are in my favor. If you love me, I'll always be in your heart. If you hate me, I'll always be in your mind." ...