Chapter Twenty Nine

26.2K 692 96
                                    

Chapter Twenty Nine

You hit me like a hurricane...
•••

[Fia's POV]

"MAG ta-taxi nalang kasi ako," giit ko at hinila ang kamay ko mula sa kamay ni Kayden. My shift in his steak house has ended and I'm heading to Violet's birthday. He just came in about thirty minutes ago at pumunta lang dito para ako sunduin. I insisted that there was no need for him to fetch me pero nagpumilit parin siya. 

It has been a routine. Hinahatid sundo niya ako. He even informs me of his whereabouts kahit hindi ko naman tinatanong. Thankfully, he was careful. He agreed on us not being public. He only holds my hand and...kisses me kapag kami nalang dalawa. Well, except now. He won't let go of my hand.

Alam kong hindi tama 'tong ginagawa ko but I don't want to deprive myself of him. I need him. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. At kahit kasali siya doon, ironically, his presence gives me comfort. I don't want to mope over Veronica and her soon to be life with Elj... that could have been mine.

Hinila ko muli ang kamay ko. "Kayden naman..."

"Ihahatid kita," he insisted while we sauntered to where he parked his truck.

"Pero..." 

"Ihahatid lang kita. Hindi ako magpapakita," he exclaimed with a gasp.

Wala na akong nagawa nang pinagbuksan na niya ako ng pinto. He waited for me to climbed in bago siya pumasok sa driver's seat. Napabuntong hininga ako. Ayokong makita kami ng mga kaibigan ko. Ayaw kong batuhin nila ako ng tanong. It's enough that only Louise knows. Hindi ko alam kung pa'no ipapaliwanag sa kanila ang set-up namin pagnagkataon.

Kayden buckled my seatbelt nang hindi ako gumalaw. He turned on the engine and asked me Alices' address tapos hindi na siya nagsalita the entire drive. Hindi ko rin siya kina-usap.

The drive took us almost thirty minutes. Pinatigil ko ang sasakyan malayo-layo sa tapat ng bahay ni Alice pero ang loko, itinapat talaga sa gilid ng gate.

Hindi nalang ako nakipagtalo. Buti heavily tinted 'tong pick-up niya.

"Kayden alis na ako. Thanks for driving," I said at napatingin sa kanya.

Hindi niya ako sinagot. His eyes were still on the road.

I sighed and slanted my body saka ako dumukwang para halikan siya sa pisngi. "Alis na ako," I said again. Hinintay kong may sabihin siya.

"Kinakahiya mo ba ako?" Nakita kong umalon ang adam's apple niya. Hindi parin niya ako tinitingnan.

I bit my bottom lip."Ayoko lang na tanungin nila ako ng tanong na hindi ko naman kayang sagutin."

Umalon muli ang lalamunan niya, then he nodded his head pero hindi parin ako tinitingnan. "Sige na bumaba kana. I'll wait until you're inside the gate."

"Galit ka ba?Bakit ayaw mo akong tingnan?"

He breathed out and then he tilted his head towards me. Inabot niya yung isa kong kamay at dinala sa bibig niya saka niya ako binigyan ng tipid na ngiti. "I'm okay. Sige na.Tumawag ka nalang kung uuwi kana. I'll pick you up."

"Magpapahatid--"

"I'll pick you up, Fia. Don't argue with me. I just want to make sure that you're safe."

Kahit ayaw ko ay napatango nalang ako. You know him. He'll really insist kung anong gusto niya.

"Fine," sabi ko at hinila na ang kamay ko sa kamay niya but he held it still.

Mistaken Scandal (Montero Series # 1 ) English Version Available on HinovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon