Chapter Two

44.5K 1K 47
                                    

When you run out of way to her, pissing is the easiest way...

Chapter Two

[Fia's POV]

EVERSINCE mga bata pa kami madalas na talaga niya akong iniinis. Cassy, her sister, used to be my closest girl friend way back in grade school. Kapag naabutan ko si Kayden sa bahay nila lalo na at wala si Elijah ay expected ko nang may gagawin siyang kalokohan.

Kahit ngayon, tandang-tanda ko parin ang isa sa mga kahayupang ginawa niya sakin nun. I started to hate him because of that. Halos mamatay ako sa takot nun ng sinabuyan niya ako ng live na cockroach which I later found out na laruan lang pala. Takot-takot ako sa cockroach kaya halos nagka nervous breakdown ako. Balde-balde pang luha ang iniyak ko nun na kahit mommy ko ay nahirapan akong patahanin.

Hindi ko nga alam kung saan siya nagmana. Sobrang ibang iba ang ugali nila ni Elijah. As in complete opposite. Both their father, Tito Gab, is one of the nicest person that I've ever met. Sobrang cool at mabait kahit na medyo pormal. Mukha lang yata ni Tito Gab ang minana ni Kayden. Kahit na ang mommy nila, si Tita Sofia, ay mabait rin kahit na may pagka-temperamental. Ang bukod tangi niyang babaeng kapatid na si Cassy ay kasundong-kasundo ko. Same goes on with Mikho and Rafael na parehong maganda naman ang pakikitungo sa'kin noon. Siya lang ang bukod tanging naiiba. Masama ang ugali. Asal hayup. Antipako. Arrogante. At higit sa lahat, bastos!

Bastos na lalaking yun. Ang sarap sakalin hanggang sa mawalan ng hininga, o kaya ibitin ng patiwarik tapos paikot-ikutin sa ere at gawing target, or better yet ilublob sa kumukulong sabaw tapos budboran ng maraming asin, sili, paminta, bawang, sibuyas, suka, tuyo, patis, gawing ulam at ipakain sa aso...or more like baboy, nagngingitngit kong naisaisip habang naghahalungkat ng desenteng damit na maipangpapalit.

Wala akong robe so I settled for an oversized shirt and a loose pajama bottom. Nagsuot narin ako ng bra. I did not bring a bunch of clothes kasi plano ko na dito nalang sa Pinas bumili. Siguro naman ay wala nang masisilip ang gonggong nayun.

Humugot muna ako ng sangkaterbang hangin bago lumabas. Naningkit agad ang mga mata ko sa naabutang tagpo. The jerk was sitting comfortably on my sofa, one arm resting on the backrest, one hand eating my favorite black chocolate and feet resting on top of the center table!

Pigil na pigil ko ang sariling abutin ang isang ahas na figurine sa tabi ko at ibato sa ulo niya. Ugh! This guy's impossible!

"Bakit ka nandito?" pumamewang ako at tinaasan siya ng kilay.

Kayden took his last bite of the chocolote at bumaling sakin, saka dinilaan isa -isa ang mga daliri niya na para bang sarap na sarap sa kinain. The sight made my throat dry, bringing dirty thoughts inside my head.

Bwisit natu nang-aakit pa! Akala niya naman madadaan niya ako sa mga ganyan?!, said my conscience.

"Easy Fia, BABE," sagot niyang binigyang diin ang salitang 'Babe' habang pinasadahan na naman ako ng tingin. "I brought you a present. Bakit hindi ka maupo dito sa tabi ko?" he tapped the space beside him.

Kaunti nalang talaga. Lord, pigilan niyo ako. Please lang mapapatay ko na ang hinayupak natu.

"Pwede ba, Kayden? Kung pumunta ka dito para bwisitin ako ay mabuti pang umalis kana!" asar kong sabi sabay ismid.

"Is that how you welcome your guest? Hindi mo lang ba ako na miss after all these years? Come on Fia, why won't you give this guy a hug. For old times sake," he teased na mukhang pigil pa ang nakakalokong tawa.

Hug mong mukha mo! Sobra pa nga diyan naibigay ko sa'yo!

Lalong tumaas ang kilay ko sa inis. "Excuse me, as far as I can remember Mister AAA as in Annoying Arrogant Asshole, hindi tayo close. Kaya please lang, spare me this nonsense now. Ano ba talaga ang kailangan mo?"

Mistaken Scandal (Montero Series # 1 ) English Version Available on HinovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon