Chapter Nine

28.5K 744 43
                                    

I get jealous. I get mad.I get worried. I get curious. That's only because I care.

•••

Chapter Nine


[Fia's POV]

"MANANG, may pupuntahan po kaming isla ni Eric ngayon," sabi ko habang nagbibihis.

I wore the only two piece that I have. A leopard printed bikini and top it with a floral printed see-through beach dress. Good thing naisama ko ito sa mga na empake ko. I have nothing else to do in this cottage and I was sure that Kayden will be home after midnight. It was always the routine. Pagkatapos niya akong ihatid sa hapon para samahan si Manang Marla na maghanda ng hapunan ay babalik muli siya sa set. Hanggang magdamag na siya roon.

Since nakapaglaba naman na ako nung isang araw, bukas ko nalang ulit lalabhan iyong natira niyang nahubad na damit. Nakakaimbyerna pa dahil lahat halos ng t-shirts at boxers niya puro puti. Ang gastos gastos pa niya sa damit. Nakaka limang bihis yata siya sa isang araw.

"Nagpaalam ka ba kay Kayden?" tanong ni Manang habang may kung anong nililigpit na gamit.

"O...opo..." I lied. Alam ko naman kasing hindi iyon papayag. He would not even let me swim on the beach when I asked him the other day. Nagkataon lang talaga ngayong hindi niya ako pinasama sa set kaya hindi na ako humindi ng yayain ako ni Eric kanina. Kayden even told me blatantly yesterday na wala daw akong silbi kaya pumirmi naraw ako dito sa cottage.

Ano namang inaasahan niyang gagawin ko dito? Magbibilang ng ipis?

"O siya sige, nak, at uuwi rin kasi ako sa bayan ngayon. Babalik nalang ako sa makalawa. Wala kasing magbabantay sa dalawa kong apo."

"Sino po ang maghahatid sa inyo?" napabaling kay manang ang tingin ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Iyong bunso kong anak. Susunduin ako nun kaya huwag kang mag-alala. Malapit lang naman dito ang sa'min."

Tumango ako. "Mag-iingat po kayo, Manang."

"Mag-iingat din kayo dito. Ikaw na ang bahala kay Kayden. Inilista ko na iyong mga paborito niyang ulam. May nagluluto naman sa isa sa mga crew niya kaya huwag kang mag-alala sa team. Siya nalang ang intindihin mo. Lutuin mo nalang kung anong gusto niyang kainin sa umaga."

Napalabi ako. "Matanda na po 'yon pero feeling aalagain parin."

Tumawa si Manang. " Hayaan mo na, nak. Kapag may tiyaga may nilaga."

I was almost tempted to tell Manang na hindi naman totoo iyong sinabi ni Kayden sa kanya. Liking that jerk would be a curse for me. But I've also thought that it was good to keep it that way--make her believe na 'patay na patay' ako kay Kayden. Masmabuti na iyon kesa tanungin niya ako ng mga tanong na hindi ko naman kayang sagutin. I couldn't tell her of the stupid reason kung bakit talaga kasa-kasama ko si Kayden. That would be too gross for the old woman to know.

Halos magkasabay kaming natapos na maghanda ni Manang. She was ready to leave when I was done but she said that her son was still on the way. Nauna na akong nagpaalam sa kanya kasi nag hihintay na si Eric sa labas. Iniwan nalang niya iyong listahan ng ulam at naghabilin pa ng kung ano-ano para sa alaga niya.

Eric was ready when I came out. He wore a dark aviator shade, a white beach shirt, and board shorts, with a huge smile plastered on his face.

"Ready?" he asked.

"Yap!" I answered and wore my dark horn-rimmed sunglasses.

We headed to his SUV right away. To be able to get to the island, kailangan umano naming puntahan ang isang karatig na beach resort mula dito kasi nandoon ang bangkang sasakyan namin.

Mistaken Scandal (Montero Series # 1 ) English Version Available on HinovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon