Chapter Four

37.7K 879 54
                                        

Sometimes it's too difficult to ignore an asshole...Did you ever wonder why?
•••

Chapter Four


[Fia's POV]

HINDI ko naiwasang e-stalk ang mga social account, at e-google ang tungkol kay Kayden ng nagdaang gabi. Sinagad sagad ko na.

Model. Entrepreneur. Singer. Artist. Filmmaker. Ang ilan sa mga nakasulat sa bio niya. Ni hindi ko na matandaan ang iba sa dami.

Seriously?Hindi kapani-paniwala. Natatandaan ko noong highschool e-may banda siya. Pero hindi ko inaasahang aside sa boses niya, na hindi ko naman ipagkakailang maganda ay may iba pa pala siyang talent.

Lalo tuloy akong nanlumo. If ever the video will leak, na sana naman ay hindi, ay siguradong mas pabor iyon kay Kayden. He's quite famous, and publicity, either good or bad could shoot up his popularity rate. Kaya naman pala walang-wala lang sa kanya. Ako talaga ang magiging sobrang kawawa 'pag nagkataon.

Hindi ko narin maibabalik iyong nangyari kahit na ipasalvage ko pa iyong tangang pokpok na dumukot sa kanya. Ang tanging concern ko lang ngayon ay makuha ang camera at hindi mai-leak ang video. Mamatay ako sa kahihiyan kapag nalaman ito ng mga kaibigan at ng mommy ko, lalong lalo na si Elj.

"Wait lang po talaga Ma'am, ha? Tinawagan ko na po si Sir Kayden. Pe-ro may bwisita..este.. bisita pa po kasi siya," said Kayden's manager na pinagtanungan ko kanina.

"Okay lang," tipid ko siyang nginitian at bumalik naman agad siya sa counter.

I glanced at my watch. Fifteen minutes nalang at mag-iisang oras na akong nakaupo dito. Hindi pa kasali ang isang oras na traffic at paghahanap ko dito sa restuarant niya.

Talagang nambwibwisit na agad ang isang iyon.I thought to myself.

Napatuwid ako sa pagkakaupo at napainom ng tubig. Inilibot ko ang paningin sa loob ng restaurant. Medyo marami-rami ring taong kumakain since it was nearly lunch time.

Totoo ngang may restaurant si Kayden. He owns a steak house at the ground kung saan ako nakaupo ngayon. And he had a bar situated at the upper deck. All in all two-story siya.

In fairness to him, may taste siya sa style. The resto's ambiance was very welcoming and it's in fact very pleasing in the eyes. Neutral lang ang color ng mga upuan at mga tables na hatalang genuine hardwood. I gazed at the upper deck. The floor-to-ceiling wall from my viewpoint is made of glass. Mukhang pang bar talaga ang style ng ambiance sa loob.

Sabi ng manager niya kanina, itong sa baba lang daw ang nakabukas sa umaga because the upper deck is entended only for night jams. Which according to her, opens at around seven in the evening. Madalang lang rin daw bumibisita si Kayden dito dahil palagi raw itong busy. Kapag may mga okasyon or event na idinadaos sa upper deck lang daw ito naglalagi o kaya ay kapag nagpapatawag ito ng importanteng meeting.

Akalain mo, aside sa pang-aasar sa akin, ay may plano rin pala sa buhay ang isang yun?

Well, hindi naman na nakapagtataka. Kayden came from a well-off family. Mula sa mayamang angkan ang daddy at mommy niya. And besides, their family's into construction business. Malamang, pera ng pamilya niya ang ipinuhunan niya rito.

Nagsalin muli ako ng panibagong baso mula sa pitcher saka uminom. Ano bang plano ng lalaking iyon? Paghintayin ako rito buong araw?

"Ma'am pasok na daw po kayo," sa wakas ay anunsiyo ng manager niya. Isang oras nga akong pinaghintay ng loko.

"Salamat, Aya," sabi kong nakatitig sa nameplate niya.

She smiled and led me to Kayden's office. Nasa likod iyon ng counter. I thanked her again bago siya bumalik sa ginagawa.

Mistaken Scandal (Montero Series # 1 ) English Version Available on HinovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon