Kathryn's POVKakagising ko lang at eto ako ngayon, nagliligpit ng mga gamit ko. Yup! I'm going to live my life alone. Hindi naman lahat ng gamit ko dadalhin ko, yung mga importante lang. After that, naligo ako at nagtoothbrush.
Wala ng makakapigil pa sa'kin. Gusto ko munang lumayo sa kanilang lahat.
Naglilinis ako ng kwarto ko nang may biglang kumatok.
Pagtingin ko sa may pintuan si Troi."San punta mo Ate?" Tanong niya habang nakatayo pa rin sa may pintuan.
"Anywhere." Sagot ko.
"Did you asked mom's permission?"
"Y..yeah? Basta. Maya-maya aalis na'ko"
"Okay. If that's what you want Ate. Hindi kita pipigilan. Pero sana pagbalik mo, tanggap mo na kami ni Papa." Sabi niya at ngumiti ng malungkot.
Kung alam mo lang, Troi. Hope you'd understand.
"I don't know. Sige na. Aalis na'ko!" Sabi ko at kinuha ang backpack ko at isang malletta.
Hinatid ako ni Troi hanggang sa labas ng Gate. Wala kase si Mommy, you know Business thing.
"Bye Ate! Mag-iingat ka." Sabi niya. At tumango lang ako.
Sumakay na ako ng Taxi at nung nag wave siya nag smile lang ako.Hindi kase ako sanay kahit na lage siyang ganun sa'kin. Dati pa nga, nagselos ako sa kanya kase mas close sila ni mommy. Inisip ko dati, ayaw ko ng kapatid kase baka makalimutan na ako nila. I envy him. May daddy at may mommy. Tuwing birthday niya, nag o'out of country sila. Pero hindi ako kasama, kase ayoko. Baka masira ko pa ang moment nila. Kami ni Troi, hindi gaanong close pero lage niya akong ina'approach kahit di ko siya pinapansin lalo na pag nandyan si Mommy at Edward.
"Nandito na tayo, mam." Sabi ni Manong driver. Sa lalim ng iniisip ko, di ko namalayan nakarating na pala kami. Wow! Ang bilis.
"Thanks manong!" I said at ini'abot ang bayad.
Ang anak ng isa sa pinakamalaking Clothing line ay titira sa isang Apartment.
Keri ko' to!
"Kathreeeennnggg!" Sigaw ni Pauline habang papalapit sa akin.
"Hey." Bati ko.
"Tara! Ipapakilala kita sa kaibigan ko." She said at naglakad papasok sa Apartment.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionWhen Kathryn agreed to her mother's deal, she thought of it as a living hell. As much as she could, she would always try to ignore Daniel's presence and stay a meter away or else she'd fall into cupid's crazy little trap and forget about the grudges...