"So anong plano niyo this summer?" tanong ni Pau.
Nandito kaming apat sa cafeteria at nagpapalipas lang ng oras.
"Hindi ko pa alam, ikaw bal?" Tumingin ako kay Daniel at napaisip siya.
"Sa US ata si Papa this summer bal and expected na isasama niya ako."
Nalungkot ako. Ibig sabihin iiwan niya ako dito mag-isa?
"Aww. Iiwan mo ko bes?" Pau pouted. Inakbayan naman siya ni Rico na nasa tabi niya.
"I'm here love," malambing na saad nito.
"Nope. I'm staying," ngumiti ako ng mapait.
Hinawakan bigla ni Daniel ang kamay ko.
"Don't worry bal, pwede namang hindi ako sasama. Or pwede ka ring sumama.. mabilis lang naman kami dun."Napangiti ako saka tumango. It's almost March, ibig sabihin ay malapit na ang bakasyon at malapit na rin ang finals.
Kaya kelangan naming mag-aral at mag-advance reading. Sinabi ni Daniel na sa bahay siya mag-aaral mamaya."Para may inspirasyon diba bal?" nakangiting sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Baka ay madidistract lamang ako kapag kasama ko siyang mag-aral.
"Hindi tayo makakapag-concentrate."
Inakbayan niya ako habang naglalakad papuntang parking lot. Dahil hindi ako sanay ay tinanggal ko ito ng mahina.
"Pati bawal kang magstay ng matagal sa bahay diba?" dagdag ko pa.
"Eh hindi naman nila malalaman," confident na sambit ni Daniel.
"How about Troi?"
Napasinghap siya. Nakalimutan niya ata na si Troi ang bantay namin ngayon. Natawa ako.
"Daniel!" Napatigil kami nang may isang lalake na nakasalubong namin. May pagka-bad boy ang dating niya.
Nilagay ni Daniel ang kanyang kamay sa baywang ko at kinausap ang lalake.
"Uy brad!"
"Ang ganda talaga ng girlfriend mo, Hi Kath!" Taas-baba ang tingin niya sakin.
Ngumiti ako ng alanganin at humigpit ang hawak ni Daniel sa baywang ko.
"So ano ulit yung kelangan mo brad?" nagpipigil na tanong ni Daniel.
"Oo nga pala, tuloy tayo bukas ah!"
Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na barkada pala siya ni Rico at parang kaibigan na rin nila si Daniel dahil madalas silang magkasama.
"Oo naman."
Mabilis na nagpaalam ang lalake nang makuha niya ang sagot ni Daniel. Ayokong makialam kaya hindi ko siya tinanong kung ano ang tinutukoy nila at naghintay lang na banggitin niya ito. Pero nang dumating na kami sa bahay ay wala pa rin siyang sinasabi kaya nanahimik na lang ako.
"Brother-in-law?" nagtatakang sambit ni Troi. Nakaupo siya sa sala at naglalaro ng cellphone habang naka-on yung tv.
Nilapag ni Daniel ang bag niya saka umupo sa tabi ni Troi at dumungaw sa cellphone nito. Iniwan ko sila at pumasok sa kwarto.
Paglabas ko galing banyo ay nadatnan ko si Daniel na nakahiga sa kama at walang pang-itaas, nakatalikod ito sa gawi ko. Hinayaan ko lang siya at dumiretso sa closet para kumuha ng pambahay na damit."Bal?" tawag ko para siguraduhin kung natutulog ba siya bago ako magpalit ng damit.
"I won't look."
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
JugendliteraturWhen Kathryn agreed to her mother's deal, she thought of it as a living hell. As much as she could, she would always try to ignore Daniel's presence and stay a meter away or else she'd fall into cupid's crazy little trap and forget about the grudges...