(Bessss! Sana talaga makalabas kana para may kadamay na ako dito. Huhu!)
"Suuss, baka nga hindi mo ko namimiss eh. Nandyan naman yung boyfriend mo."
(Eeehhh iba pa din pag ikaw. Nakakainis nga dito e. Hmp)
Natawa ako. Kinuwento na sakin ni Pau kagabi yung nangyari last week. Dumating pala sina Rico at Daniel nun kaya napatigil sila sa pag-aaway. Nung nahimatay ako ay dinala nila ako sa clinic pero nung hindi pa din ako nagigising after ng ilang oras ay dinala na nila ako sa Ospital.
"Bakit naman?"
(Sa tuwing nadaan ako at may nakasalubong tititigan nila ako na para bang ang sama ko. Grabe!)
"Nag-eskandalo ka pa kase. God knows! Bakit mo ginawa yun."
Tumawa lang siya.
Pagkatapos kase ng nangyari sinugod pa ni Pau si Venus. Grabe talaga itong babae na to. Kaya mas lalong nabigyan siya ng suspension.
(Okey lang, basta nasabi ko na kay Venus lahat. Langya siya, tayo pa kinalaban niya.)
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok saka ito bumukas.
Tumango lang ako bago tuluyang pumasok si Daniel at pumunta sa gilid ko para ilapag yung mga prutas at pagkain na dala niya.
(Ohh, sino yan?)
"Hmm mamaya nalang ulit bes, I'll call you later."
(Wait~ loudspeak mo muna.)
"Ha? Bakit?"
(Wala basta. Sige na!)
Aba. Pero ginawa ko pa din ang sinabi niya kahit labag sa kalooban ko.
Nang ma-iloudspeaker ko na ay nagsalita si Pau.
(Hoy Daniel, alam kong ikaw yan. Alagaan mo ng mabuti yang kaibigan ko ha! Miss na miss ka pa naman yan. Lagi kang hinahanap at---)
Hindi ko na pinatapos si Pau.
"Babye na!" sabi ko saka inend yung call.
Yumuko ako at pasimpleng hinawakan yung dibdib ko. Geez! Anlakas ng tibok.. at--- argh! kinabahan ako dun ah. Akala ko talaga---
"Nandito pa ako."
Napaayos ako ng upo. "Alam ko."
Tumikhim siya bago nagsalita, "Kumain ka na ba? May pinadalang sopas si Mama for you."
Umiling ako at sinabing 'Okay' habang hinahanda niya yung pagkain.
Tch. Bakit ganito? Ang awkward ng atmosphere! Parang gusto ko matulog nalang ulit.
Pero sinubukan kong mag-open ng conversation para mabawasan yung kaba ko.
"Uhm, bakit ka pala nandito?"
Ayy, tanga! Obviously, binibisita niya ako. Damn, anong nangyayari sakin?!
Napapikit ako habang sinasabihan ang sarili na nakakahiya ako.
"Ako kaya lagi nagbabantay sayo," mahinang sabi niya pero narinig ko.
WAIT~ WHAT? SA 2 DAYS NA TULOG AKO AT WALANG MALAY SIYA NAGBABANTAY SAKINNN? SERIOUSLY?!!!
OMG OMG Parang kinakapos ako ng hininga dahil sa narinig ko pero hindi ko pinakita. Ganito pala feeling pag kinikilig?!
"H-ha?" Nagkunwari akong hindi ko narinig.
Oo, 2 days ako nawalan ng malay dahil na weakened yung immune system ko dahil sa stress. Bakit naman ako na i'stress? Geez.
"Wala, kumain ka nalang." Kinuha niya yung plastic na upuan at tinabi sa hospital bed ko habang hawak niya yung sopas saka siya umupo.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Fiksi RemajaWhen Kathryn agreed to her mother's deal, she thought of it as a living hell. As much as she could, she would always try to ignore Daniel's presence and stay a meter away or else she'd fall into cupid's crazy little trap and forget about the grudges...