Chapter 40

1.4K 28 0
                                    

"Bal.. una sa lahat, gusto kong magpasalamat sayo dahil ikaw ang unang taong nagparamdam sakin na special ako..na mahalaga ako. Sorry Mom, but I'm being very honest here!" Tumingin ako kay mommy at natawa siya pati na rin ang mga bisita.

"Maybe I've been wanting an attention, and you gave it to me. I always get annoyed by your sweet actions and gentleness. You always makes me mad but at the same time nervous. Sometimes you scold me like a mom, and acts like a dad. On the other hand, I was so cruel to you and say bad words just to show that I hated you that much."

Ngumiwi si Daniel nang sabihin ko iyon.

"But without realizing it, gusto na pala kita," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Napangiti si Daniel at mas lumapit sakin. Hinawakan ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay.

"I love you bal, did you hear that?" naluluhang tanong ko.

Nakangiti habang tumango-tango si Daniel at halatang nagulat siya sa sinabi ko. I knew he had been wanting and waiting for me me to say it. But I didn't said it because he wants it, I said it because it is how I truly feel.

"I'm sorry if natagalan ako sa pagsagot, ngayon lang din kase ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo. And I'm telling you bal, I want to be your official girlfriend."

Napangiti si Daniel at mabilis na niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko siya pabalik. Narinig ko ang konting hiyawan ng mga kaklase ko pati na sina Pau at Rico.

"Thank you bal, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon," saad ni Daniel habang nakayakap sakin.

"Hello guys! We're still here!" narinig kong biro ni Pau.

Natawa kami at bumitaw sa isa't-isa. Tumingin sakin si Daniel na nanliliit ang mga mata. "Ito ba yung sinasabi mong secret bal?"

"Yup. Did you like it?" nakangising tanong ko.

"No, I love it." Lumawak ang ngiti ni Daniel. Ginaya niya ang sagot ko noon.

-

Hawak ko ang cellphone ni Daniel dahil busy siya sa pakikipag-usap sa ibang bisita na kakilala rin niya. Hindi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila kaya nanatili lang ako sa aking upuan.

Nagscroll ako sa Messages at nakita ko na ako ang nasa latest convo nito. Nakalagay na pangalan ay 'mahal ko'.  Napangiti ako at napailing. Pangalawa ay ang mommy niya. Binuksan ko ito nang may mabasa ako kahit alam kong masyadong personal ang ginagawa ko.

'Mom, can I sleep at Kath's?  I'm drunk. Coudn't drive anymore. I won't do anything I promise.'

Napatingin ako sa petsa. Yun yung nalasing siya at pumunta sa bahay ng hating-gabi tapos doon din natulog. Kaya pala sinabi ni tita na alam nila dahil nagtext si Daniel. Binalik ko ito at nabasa na naman ang salitang mahal ko. Mabilis na kinuha ko ang sariling cellphone at pinalitan ang pangalan ni Daniel sa aking contacts.

"Hi Kath."

Napalingon ako sa taong umupo sa tabi ko. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay anak siya ng isa sa mga partners ni mommy sa business.

"Uhm.. hello," sagot ko at ibinalik ang atensyon sa cellphone saka inilapag ang mga ito sa mesa.

"Kamusta?"

"I'm fine." Nanatili lang ako kahit hindi ako komportable sa pakikipag-usap ng lalake sakin. I think he was flirting at me. Oh God.

"Of course, I know." Tumawa siya. "By the way, I'm Jake."

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon