Chapter 19

2K 47 5
                                    

Isang oras pa bago kami aalis para sa small celebration na gaganapin sa bahay nila Venus mamayang 7:00 pm, at eto ako ngayon naghahanap ng damit for swimming dahil pool party daw ang magaganap.

I couldn't find anything that would be less revealing, but my crop top and short shorts.

Lumabas ako at pumasok ng kwarto ni Daniel para sabihing hindi nalang ako pupunta. Busy siya sa ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin or maybe he did but didn't reacted.

Don't worry, alam 'to ng mom mo. In fact ako nagsabing isasama kita.” Daniel said habang inaayos yung buhok niya sa harap ng salamin.

I wonder kung nasaang bansa si mommy ngayon. I never hesitated to ask her or chat her pati yung kapatid ko na si Troy, hindi ko na rin nakikita. Haays! Nakaka'miss din palang ma'bwisit dun.

Nakatayo ako sa may gilid malapit sa pintuan nang hindi namamalayang nakatitig pala ako sakanya habang malalim ang iniisip.

If you want to stare me all day long, let's make time for that,” sabi niya sabay kuha ng coat na nakasabit sa upuan ng study table niya, “next time.”

I rolled my eyes. It wasn't like that! Geez.

Bago kami lumabas ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. I heard him sighed.

Pagdating namin sa address na binigay ni Venus ay bumaba na kami at lumapit naman ang guard na nakabantay sa labas ng gate saka sinabihan kaming tumuloy. May tatlo pang sasakyan na naka'park sa labas at sa palagay namin ay dumating na yung iba.

Iginaya kami ng guard patungo sa likod ng bahay. Hindi pa man nakakalapit ay sinalubong agad kami ni Venus saka nakipagbeso-beso kay Daniel. Lalapit sana eto sa akin pero naglakad ako patungo kay Pau kasama ang iba naming kaklase.

Umupo kami sa gilid ng pool habang nasa tubig ang dalawang paa namin. Nag-uusap sila ng mga k-dramas at hindi ako makarelate kaya tahimik lang akong nakikinig sakanila. I was definitely out of place.
Napalingon ako sa paligid, may tent na pabilog sa kabilang side ng pool at dalawang shower room sa pinakagilid nito. Busy naman yung ibang sa pakikipagselfie at yung iba ay kumakain. Nasa mga twenty lamang kami dahil hindi daw makakadating yung iba.

Minutes had passed, bigla akong nakaramdam ng gutom kaya tumayo ako at tahimik na pumunta sa table na nasa gitna para kumuha ng pagkain.

“Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?” tanong ni Daniel na lumapit pala sa'kin, “You can wear my jacket.”

I shook my head.

Napalingon agad kami kay Venus nang bigla siyang sumigaw. Nasa pool na ito habang tumatawa yung mga kaibigan niya at kaklase na tinulak pala siya.

Congratulations! Hahaha.” Bulalas nilang lahat.

“Bakit ako lang?” natatawang tanong ni Venus saka lumingon sila sa may gawi namin.

Napataas ang kilay ni Daniel. “Oy, busy ako!” sigaw niya habang may dalang plato para lagyan ng pagkain.

Napatingin kaming lahat kay Venus. She undressed her long sleeves, leaving with her blue colored brassiere. Everyone yelled and some guys looked away, one of them was Daniel.

The Day We Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon