Malapit ng magtapos ang January pero hindi pa rin nagpapakita si Daniel. Ang hilig niya talagang umalis bigla tapos bigla ding dadating. Hindi siya pumapasok sa school. Wala din binabanggit si Mommy tungkol sa kanya. Nahihiya din naman akong magtanong.
Mom and I were okay. But there are things I couldn't open to her, at least for now. Minsan gusto kong i'text o tawagan si Daniel to ask him if we're okay pero pinangungunahan ako ng kaba at hiya.
Biglang pumasok sa isip ko si Venus. Tama! Si Venus. Kakapalan ko na ang mukha ko. Baka alam niya kung nasaan si Daniel.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng room. Kung sana kasama ko si Pau para mas magkaroon ako ng lakas ng loob, kaso nandun muna sa boyfriend niya.
Pagdating ko sa room nila ay nilapitan ko ang babaeng nasa labas na nakatayo habang nagtetext.
"Excuse me," sabi ko sa babae at tumingin siya sakin na nagtataka. "Magkaklase kayo ni Venus right? Pwede mo ba siyang tawagin? May sasabihin lang akong importante."
Tumango yung babae saka ako nagpasalamat. Saglit lang nang dumating si Pauline at biglang hinawakan niya ang kamay ko para hilain.
"Whyyyy? I need to talk to---" I complained. Hinihila niya ako palabas ng building. Baka lumabas na si Venus tapos wala ako dun.
"Are you gorgeously crazy?"
"What?"
She rolled her eyes. Well, ako dapat yun.
"Are you thinking right now? Kase kung oo, hindi ako naniniwala," Pau said nang huminto kami sa isang bench. "This isn't you."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag kinausap mo si Venus, magmumukha kang desperada. Tapos iisipin niya na hinahabol mo si Daniel, na you guys are not in good terms."
"Okay, I'm desperate. Isipin niya gusto niyang isipin. The hell I care!"
"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig," umiiling na sabi ni Pau. "See, kaya mo ng makipag-usap ng seryosohan kay Venus just to ask about Daniel, wew." She winked.
"Oh God, I just want to talk to Venus para malaman ko kung ano na ang nangyayari kay Daniel. What if may masamang nangyari sakanya tapos hindi nila sinasabi sakin? I want to know here he is so I can thank him for everything he did for me," I said earnestly. Napakamot ako sa batok ko. "He made me realized so many things."
"Okay, okay! Pero kung may mangyari man sakanya, sasabihin nila yun noh."
"Anyways, don't worry bes. Tutulungan kita okay? Let's think of a plan. Huwag tayong padalos-dalos, baka pagsisihan mo. Wala kang mapapala dun sa Venus na yun noh," Pau added.
Bumalik na lang ulit kami sa classroom para mag-isip ng paraan. Nasa hallway pa lang kami nang salubongin ako ni Jane,isa sa mga kaklase namin.
"Nasa room si Miss Pres, hinahanap ka."
Tumango lang ako at sabay na kaming tatlo naglakad.
"Omg. Bakit kaya?" naeexcite na sabi ni Pau.
-
"Kelangan nating magpractice for the upcoming coronation on the night of Valentine's Day, so prepare your self okay? I'll text you nalang if when," sabi ni Abby, ang SSG President.
February na pala next week. Ako kase yung nakoronahan last year nung Valentine's day as a Queen. Kaya this year naman, kelangan ng ipasa ang korona. Haayyss, haharap na naman ako sa crowd. Ang pinaka ayaw ko sa lahat. Hindi dahil may stage fright ako or may problem about public speaking. It's just that, ayoko lang ng madaming tao. It really annoys my whole well-being.
BINABASA MO ANG
The Day We Fall In Love
Teen FictionWhen Kathryn agreed to her mother's deal, she thought of it as a living hell. As much as she could, she would always try to ignore Daniel's presence and stay a meter away or else she'd fall into cupid's crazy little trap and forget about the grudges...