Pangalawa

6K 113 4
                                        

Drake's POV

Si Kaelie..... Ang babaeng pinakamamahal ko hanggang ngayon. Amg babaeng sinaktan ko dahil naduwag ako. Oo, naduwag ako. Naduwag ako na hindi ko sya kayang buhayin. Naduwag ako na ipaglaban sya. Naduwag ako dahil mas nagusto kong umunlad sya.

Ngayon ang araw kung saan ipapakilala na 'ko ni Kaelie sa kanyang mga magulang. Kinakabahan ako sobra.

"Wag ka magalala. Magugustuhan ka nila."

Hindi na ako sumagot doon at nginitian na lamang sya. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Pa, Ma. Si Drake nga po pala. Boyfriend ko."

Nakita ko na pasimpleng kumunot ang noo ng Daddy nya. Pero napawi naman ito agad kaya nawala ang kaba ko.

Habang kumakain, aaminin ko. Sobrang awkward. As in, SOBRA!

Kaya naisipan kong...

"May tatlong joke po ako. Hehe."

"Ano naman yun?" Tanong ng mommy ni Kaelie.

"Joke. Joke. Joke! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH" ako lang pala ang tumawa magisa.

"Corny mo mahal. Hahaha"

"Di bale nang corny basta napapasaya kita." Banat ko kay Kaelie.

"Sus."

"Oh tama na 'yang lambingan na'yan! Anak, Min, excuse us."

Inaya ako ni Tito sa terrace ng kanilang bahay. Seryoso ito kaya naman kinakabahan ako.

"I just want you to know that i don't want you for my daughter."

"A-ah. B-bakit naman po?"

"Dahil hindi ka makakabuti sakanya. Pinaimbestigahan ko ang pamily nyo. You came from a poor family. Mananahi ang nanay mo at matagal ng wala ang tatay nyo sainyo bata ka palang. Hindi ba?"

"O-opo."

"See? Paano mo nalang bubuhayin ang anak ko? Gusto ko na makipagbreak ka sakanya sa mismong araw ng graduation nyo. Mayroon ka pang 3 buwan kaya sulitin mo'nang makasama sya. Kapag nakipagbreak ka sa kaniya, panigurado ay sasama na sya saamin sa ibang bansa para magaral. Mas gaganda ang buhay nya doon at mas uunlad sya doon."

"P-pero."

"Wala ng pero pero, Drake. Kung mahal mo talaga ang anak ko. Handa mo sya pakawalan para maging maganda ang kinabukasan nya. Huwag na huwag mo 'tong sasabihin sakanya. Hindi nya pwede malaman ito dahil alam 'kong hindi sya papayag at magmamatigas lang. Kaya magisip ka. Para rin ito sa kinabukasan nya."

Nang maisip ko 'to. Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang luha ko. Nakatulala parin ako dito sa tapat ng elevator. Hindi kaya namamalik-mata lang ako? Pero hindi eh. Bumilis tibok ng puso ko. Alam ko sya 'yun.

Agad kong tinignan kung saang flor tumigil ang elevator...

8th....

Magkasing floor kami?

Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 8th floor.

Pumasok na ako sa unit ko. Nga pala, unit 803 ako.

Hindi ako mapakali. Kanina, gusto ko na matulog dahil pagod na pagod na ako. Pero ngayon? Kahit anong pilit 'kong matulog hindi ko magawa. Pilit kong naiisip si Kaelie. Anong kayang ginagawa nya ngayon? Ano kayang naiisip nya? May bago na kaya syang mahal? Kelan pa kaya sya bumalik dito sa Pinas? Oo, noong nakagraduate ako, hinanap ko sya. Pero pinutol ng Daddy nya lahat ng komunikasyon namin. Pati mga kaibigan nya, hindi alam. Sobra ang pagsisisi ko noon. Pero gagawin ko ang lahat, maibalik ko lang sya saa'kin.

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon