Drake's POV
Nagbago na sya... Nagbago na yung Kaelie na kilala ko. Nagbago sya dahil sinaktan ko sya. Ako ang nagsimula ng lahat. Yung dating sweet... Wala na. Dahil sa panggagago ko sakanya.
Nandito ako ngayon sa isang bar sa Makati, nagpapakalasing. Madalas ako dito lalo na dati noong sinaktan ko si Kaelie. Nakakatawa diba? Sinaktan ko sya noon pero ngayon ako ang sunod sunuran sakanya. Sana hindi nalang ako naniwala sa Daddy nya. Kasi napatunayan ko na kaya ko rin nan bigyan ng magandang buhay si Kaelie.
Kaelie's POV
Umuwi nako lulan ng bago kong kotse. Lamborghini Aventador ito at color red.
'Nang makarating sa condo unit ko. Nahiga ako sa kama.
Nandito pa rin. Nandito pa rin yung sakit. Sakit ng nakaraan. Iyak lang ako ng iyak dito. Nakabaon parin sa puso ko ang pananalita nya. Nagulat ako ng may pumasok sa condo ko. Dahil narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Agad kong pinunasan ang luha ko at tinignan kung sino i'yon.
"Ah. Ma'am. Naiwa---. Kaelie anong nangyari sayo? Bat namamaga ang mata mo? Okay ka lang ba?" Bakas sa mukha ni Julie ang pagaalala.
"Hindi ako umiyak. Bat ka andito?"
"Dala ko itong importanteng files. Teka, wag mo ibahin ang usapan, Kaelie. Bestfriend mo ko at alam kong may problema ka."
"Di mo na kailang---"
"Kailangan, Kaelie. Kailangan. Dahil noong panahong durog ka wala ako. Samanatalang, noong ako ang durog palagi kang nandyan para saa'kin. Sorry, Kaelie. Sorry. Wala lang naman ako noon dahil naospital si Mama at nag 50/50 ang buhay nya. Pasensya na, Kaelie. Sorry. Sana maibalik ko yung samahan naten dati. Miss na miss na kita, Kaelie." Umiiyak na sabi nya ag ganoon rin ako. Galit ako sa sarili ko dahil nagalit ako sakanya samantalang 50/50 ang buhay ng nanay nya. Ang tanga kong naniwala na may boyfriend na sya kaya iniwan nya ako nung kailangan ko sya.
"Sorry, Julie. Sorry for everything. Sorry kung hindi kita hinayaang mag explain. Sorry kung akala ko iniwan mo ko dahil may boyfriend kana. Sorry kung nagalit ako sa'yo. I'm so sorry, Julie. Sorry for being rude at you. I miss you, bes."
"I miss you too, Kaelie. Ayoko si Chandria. Masungit yun eh. Hehe." Natawa naman ako sakanya.
"I need to be Chandria para makaganti sa mga taong durog saa'kin, Julie. Kailangan ko i'yon."
"Ano bang nangyari?"
"Nagkita na uli kami ni Drake."
"What?"
"Yes. Nagkita na uli kami and alam mo ba na sya ang architect na gagawa ng branch naten sa Makati?"
"Sorry bes. Hindi ko naman alam na kay Drake pala yung FGC na'yun. Sabi kasi ng Dad mo mas magnda kung doon manggagaling ang design sa bagong branch dahil ito ang pinakasikat na firm sa buong mundo."
"Okay lang. Eto na ang simula."
"Simula ng ano?" Tanong nya.
"Paghihiganti."
Nakatulala syang naiwan sa sala.
Kumuha ako ng 1.5 na liter ng ice cream sa ref at dalawang kutsara.
"Bes. Dito kana matulog. Namiss kita sobra! Nood tayo movie!" Sabay abot sakanya ng ice cream. Share kami dito. Hehe.
"Bes. Ikaw lang ang nakakaalam na ganto ako ah. Yung sweet at mabait parin. Gusto ko ng ibang image sakanila."
"Wag kana maghigante, bes. Malay mo mayroon namang reason si Drake kaya nya ginawa yun."
"Kahit ano pang reason yan. Wala na akong pake sakanya."

BINABASA MO ANG
Kaelie's Revenge
Fiksi RemajaSabi nila, ang taong dahilan ng iyong sakit ay ang s'yang makakagamot rin ne'to. Ngunit paano? Paano kung napuno ng galit at poot ang sarili mo? Paano mo gagamutin ang sugat na iyon? Kung ang gamot ay ang mismong taong kinamumuhian mo? A story of h...