10

2.9K 51 0
                                    

Evan's POV

Nandito ako sa condo unit ko. Naisipan kong tawagan si Kaelie dahil gusto ko pumasyal kasama sya. Namiss ko 'yun ng sobra.

*ringing*

"Hello, Evan?" Napangiti ako. Ang angelic ng voice nya. "Bat ka napatawag?" I cleared my throat. "Uhm. Gusto lang sana kita ayain magmall. Tsaka, alam mo yun? Bonding tayo. Tagal na nateng di nagagawa yun." Napatagal sya bago sumagot pero sumagot rin. "Okay. Sige. Text mo nalang saa'kin yung details."

"Okay. Bye, Kaelie! I'm excited to see you!"

"Me too! Bye!" Then, she hang up.

I texted her the details including the type of clothes she should wear. Damn, i missed her so much.

Kaelie's POV

I texted Drake for him to know na aalis kami ni Evan today cause he invited me. He keeps on insisting na hahatid at susunduin nya ko. But, sabi ko kaya ko na.

Sabi nya rin na hanggang 9pm lang daw ako. Pero hindi ko na sya nireplyan. Minsan lang naman kami lumabas ng bestfriend ko.

Nagsuot na ako ng isang semi-formal na attire. Pumayag na rin ako since namiss ko talaga ang bonding namin ng bestfriend ko.

Bandang mga 5pm tinext nya ako na bumaba na ako sa lobby dahil nandoon na sya.

Evan's POV

Noong nakita kong lumabas ng elevator si Kaelie, parang may isang anghel na naglalakad patungo saa'kin. She's so charming.

"Makatitig ah!" Pinalo ako ng mahina sa braso. "Ganda mo kase."

"Sus! Nambola kapa!" Totoo yun, Kaelie. "So ano? Tara na?"

Pumunta na kami sa kotse ko at pinagbuksan ko sya ng pinto. Habang nasa byahe, dinadaldal nya ko. Eto yung namiss ko sakanya eh.

"Tapos alam mo ba, malapit na matapos yung pinakamalaking branch namin dito sa Pilipinas. Tapos nun, pwede na akong bumalik sa----." Napatigil yung sinabi nya kaya napatingin ako sakanya. "Ano?"

"Wala. Hehe." Kumunot ang noo ko. "Dahil ba kay Drake? Kaya hindi mo nanaman kayang umalis dito sa Pilipinas?"

"H-Ha? Anong pinagsasabi mo? Balew." Mahina ang pagkakasabi nya ne'to kaya alam kong ayaw n'yang pagusapan. Kahit masakit, kailangan kong suportahan kaibigan ko. Kasi kaibigan ko sya eh, kaibigan nya ko. Kaibigan lang ako.

Nang makarating kami sa mall, kumain kami ni Kaelie sa isang Italian resto. Marami kaming napagkwentuhan. Lalo na yang si Drake. Ganun ganun nalang naagaw nya saa'kin ang bestfriend ko at ang mahal ko. I was about to confess my feelings for Kaelie. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ako pumuntang Pilipinas. Pero pagbalik ko? Ano? Nakuha na.

"Huy! Ano iniisip mo dyan!? Haha!" Sabay pinitik nya ang noo ko. "Aray ah! Wala naman. Pero alam na ba ni tito ang tungkol sainyo ni Drake?" Parang nalukot ang mukha nya sa sinabi ko. "Hindi pa. Tuma-timing pa ko kay Daddy." Napakunot ang noo ko. "Kaelie. Alam mo hindi magiging maganda ang reaksyon ng Daddy mo."

"Alam ko."

"Sige. Wag kana malungkot! Arcade nalang tayo or sine?" Tanong ko sakanya. Ngumiti sya at sumagot. "Sine nalang." Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya. "Your wish is my command!"

Kaelie's POV

Kasama ko ngayon ang bestfriend ko. Ang saya nya kasama kase sya yung tipong kaya magenlight ng mood mo. Pano kase, laging hyper. Haha. Namiss ko tong mga bonding namin na ganto. Kahit pag magkalaban kami sa negosyo nagkakasundo talaga kami. Sobrang swerte ko na naging bestfriend ko sya.

"Ano gusto mong panuorin?" Tanong nya. "Kahit ano! Ay Moana nalang!" Natawa sya.

"Di ka parin nagbabago. Cartoons talaga ah." Bumili na kami ng popcorn at soda. Maraming tao sa sinehan ng pumasok kami. Karamihan, bata.

Evan's POV

Napangiti ako habang pinapanuod si Kaelie na nagniningning ang mga mata habang nanunuod ng Moana. Para s'yang bata na binigyan ng candy. Ang ganda nya. Kinalabit nya ko kaya napabalik ako sa realidad. "Huy! Manuod ka! Ayan na oh!" Lumingon na ako sa screen. Nakakaantok naman.

Kaelie's POV

Nilingon ko si Evan na natutulog sa tabi ko. Ganyan talaga yan. Kahit dati, sinasamahan nya ako sa sinehan para manuod ng disney films tapos matutulog. Haha. Nang matapos na ang movie. Ginising ko sya. "Huy. Gising na. Tapos na oh. Tinulugan mo. Hmp." Naghikab sya at nagunat. "Ay sorry. Haha. Ano tara na? 11 na oh." Para kong nabuhusan ng malamig na tubig. "11 na?!" Tinignan ko ang cellphone ko at nagulat ako.

*31 missed calls from Mahal.*

Nako... Lagot! "Tara na, Evan. Uwi na tayo." Minamadali ko sya. "Bakit?" Nagtatakang tanong nya.

"Basta tara na." Hinila ko na sya. Nandito na kami ngayon sa parking lot. Hinatid na nya ko pauwi.

"Salamat, Evan. Nagenjoy ako!" Sabi ko sakanya bago pumasok ng lobby at parang sumaludo lang sya.

Dali dali na akong pumasok sa elevator. Nang makarating sa 8th floor, dumeretso na ako sa unit ko. Pero may isang lalake akong nakita na nakaupo na natutulog sa harap ng pinto ng unit ko. Nang makita ko kung sino ito, nagulat ako.

"D-drake?" Mainit ito at halatang may sakit. "Bat ka andito? May sakit ka pa oh!" Inakay ko sya papasok ng unit ko. Hiniga ko sya sa kama ko at naghanda ako ng sponge bath. Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Wag mo ko iwan." I brushed my hand through his hair. "Pangako."

Pinagpatuloy ko na ang pagpunas sakanya. "Bakit ka kasi nandoon. Dapat nagpahinga ka nalang sa unit mo." Sabi ko habang kinakausap sya kahit alam kong hindi nya naririninig. Nagulat ako nang magsalita sya.

"Kasi di ako mapakali. Yung prinsesa ko baka maagaw ng iba. Sabi ko kasi alas nwebe." Sabi nya. Naguilty tuloy ako. "Hindi naman maagaw prinsesa mo. Kasi sa'yo lang sya. Sorry na daw. Hindi nya lang namalayan yung oras."

"Kasi masaya sya." Sabi nya. At nakita kong may tumulong luha sa kanyang mga mata. "Mahal na mahal ka nya at ayaw nya ng iniisip mo yan. Magpahinga kana."

Nagpalit na ako ng pantulog at tumabi kay Drake. Naramdaman ko ang pagyakap nya kaya niyakap ko din sya.

Papikit na ang aking mga mata ng biglang tumawag ang taong di ko inaasahang tatawag.

*Daddy Calling...*

Nanginginig ang kamay ko bago ko sagutin ang tawag.

"H-hello, D-dad?"

"Kaelie. We need to talk." I cleared my throat. "T-tungkol saan po?" Nauutal padin ako.

"Well. Alam kong alam mo kung anong dapat nating pagusapan."

__________________________________________ :)))

-fordever

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon