30

2.3K 60 4
                                    

Hinatid na ni Drake si Kaelie sa tinirhan nito. Umuwi na sya at planong ipagpabukas na ang pagtingin sa resulta. He wishes for the best.

"Goodmorning, Mr. Ford, Ms. Ramirez." Tumango lang si Drake pero binati ito pabalik ni Stacy.

"Here's the result of the paternity/DNA test." Binigay ng doctor ang envelope kay Drake.

Binuksan ni Drake ang envelope. Kasabay nito ang pagsasalita ng doctor. "Congratulations, Mr.Ford."

Tumango si Drake at lumabas sa lab. Sinundan siya ni Stacy.

"Ano? Ayaw mo parin maniwala?" Tanong ni Stacy.

"Bibigay ko lahat ng kailangan nya. Pagkain, tirahan, checkups, gamot kahit ano."

"Pano ang pangangailangan nya sa ama, Drake? Anong sasabihin ko sakanya Kapag hinahanap nya ang papa nya? Anong sasabihin ko kapag kinakailangan ka nya? Di lang basta yon ang kailangan nya, Drake. Ikaw. Ikaw ang kailangan nya."

Di nakasagot si Drake at pumasok sa kotse nya at pinaharurot ito.

NAKAHALUMBABA si Evan habang nakangisi. Napagalaman nya na nagkaanak si Drake kay Stacy. Good boy. Bulong nya sa kaniyang isip.

"It all goes to the plan." Sambit nya sa hinire nya na private investyigator para manmanan sila Kaelie.

"Hayaan mo lang sila maging masaya. Kapag nalaman ni Kaelie na nabuntis ni Drake si Stacy, maghihiwalay sila at mapupunta saa'kin si Kaelie. I don't even have to lift a finger para bumalik siya saa'kin." Humalakhak ito.

"Sundan mo lang sila. Siguraduhin mong mamanmanan mo lahat ng kilos nila."

PINUNTAHAN ni Drake si Kaelie sa bahay ni Dana. Sinalubong sya ni Kaelie ng yakap. Hindi parin sya mapakali sa nalaman nya pero hindi nya pa alam ang susunod na gagawin. Naguguluhan na siya.

"Parang problemado ka? Anong nangyari? Sa company ba? Baka makakatulong ako." Umiling lang si Drake at niyakap ng mahigpit si Kaelie.

"Mahal na mahal kita tandaan mo yan." Sambit nya habang yakap si Kaelie.

Hinalikan nya ang noo ni Kaelie. "Tara." Inaya ni Drake si Kaelie pero may tumawag sakanya.

"What the hell do you want?" Matapang na tanong nya dahil si Stacy ang tumawag.

"Hello? Is this Mr. Ford?"

"Yeah. Why?" Gulat na sagot nya.

"Ms.Ramirez, breaked down a few minutes ago sa labas ng lab. You're his recent contact kaya ikaw ang tinawagan namin."

Agad napatakbo si Drake at nagpaalam kay Kaelie. Nagtanong ng bakit si Kaelie pero hindi na ito napansin ni Drake. Ang Anak Nya. Yan nalang ang nasaisip nya.

Dumiretso sya sa ospital at doon nya nakita si Stacy. "Okay lang po ang ang bata?" Tanong nya sa doctor. "Okay lang sya. Pero kailangan nyong ibed rest si misis. Mahina ang kapit ng bata. Kapag masyadong na stress o gumalaw si Misis ay baka malaglag ang baby."

"Pwede na po ba namin sya iuwi?" Tumango ang doctor.

Tumungo na sa kotse si Drake at inaalalayan nya si Stacy.

Kahit papaano, ayaw nyang lumaki ang anak nya ng walang ama. Kasalanan nya ito. Kailangan nyang harapin. Ayaw nya na kamuhian sya ng anak nya tulad ng ginawa nya sa kaniyang ama.

"Saan ka nakatira?" Tanong ni Drake.

Tinuro ni Stacy ang daan hanggang makarating sila sa squatters area. "Dito nalang." Sambit nya kaya pinatay na ni Drake ang makina.

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon