Kaelie's POV
Nagising ako ng may malawak na ngiti. Nagalarm ako ng 6 am dahil aalis ako ng 7:30. Pupunta na sana ako ng kitchen para magtimpla ng kape, pero may nakita akong Starbucks brewed coffee sa bed side table ko. At take note! May kasama pang note ito.
'Goodmorning! Hope you like it! From your soon to be boyfriend!'
Napangiti ako. Kala ko hindi nya seseryosohin. Manliligaw pala talaga sya.
Naligo na'ko at nagbihis. Dahil pupunta kami sa site ngayon at buong araw ako magsestay doon, naisip 'kong magsuot ng white off shoulder at denim shorts. Naglight make up lang ako. First time 'to.
Saktong 7:30 ay nasa lobby na'ko. Sabi nila Julie papunta na daw sila ni Mang Carding. Ngayon lang sila nalate ah?
Naramdama ko na may tumabi saa'kin pero hindi ko 'to pinansin dahil sa kakatext kela Julie. Nako, nagdate nanaman sila ni Mang Carding. PUAHAHAHA. Joke.
"Goodmorning." What? Si Drake pala ang tumabi saa'kin.
"Morni---- WOOOOOW!" Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang bouquet of tulips na nasa harap ko.
Hawak nya 'to pero hindi binibigay saa'kin. Nakangiti lang 'to na parang nagaasar.
"Akin na!"
"Hug ko muna?" Sabi nya sabay puppy eyes. Damn. Pogi.
"Eh Pano kung ayoko?!?! Ano? Ibibigay mo na 'yan kay harina? Oh sige! Dun mo na yan ibigay! Bahala ka dy---- ANO BAAA?!!"
Pano ba naman binuhat nya ko nang parang bagong kasal. Tapos sinakay nya ko sa kotse nya na nagaabang sa labas. Hawak nya pa'rin ang bouquet ng tulips.
"BAT MO BA 'KO DINALA DITO? TSAKA SILA JULIE MAGHAHATID SAA'KIN! BABABA AKO!"
Natatawa sya. Aba! nangaasar pa talaga sya ah! Pinipilit 'kong busan ang pinto. Pero naka child lock naman 'to.
"Easy ka lang. Hug mo na kasi ako. Bahala ka kay Stacy ko 'to ibibigay. Tsaka nakausap ko na sila Julie kagabi pa. Alam nila na ako na maghahatid sa'yo."
"EDI KAY HARINA MO YAN IBIGAY! WALA NAMAN AKONG PAKE EH! TSAKA ALAM KO NAMAN NA MAS MAHALAGA---------"
Napatigil ako ng halikan nya ko. He kissed me passionately. Sa hindi malamang dahilan, gumanti rin ako. Damn. He's such a good kisser.
"You're the only one that is important to me. Ikaw lang wala ng iba. Ikaw lang. I love you." He said between our kisses.
"I lo---- OH ASAN NA YUNG TULIPS KO?" I can feel myself blushing. Oh lord.
"Oh ayan na. Hahaha! Iiyak kana eh." He said.
"Thank you." I gave him a warm smile.
Sabi nya saa'kin, sa site rin daw siya pupunta so sabay na kami.
BINABASA MO ANG
Kaelie's Revenge
JugendliteraturSabi nila, ang taong dahilan ng iyong sakit ay ang s'yang makakagamot rin ne'to. Ngunit paano? Paano kung napuno ng galit at poot ang sarili mo? Paano mo gagamutin ang sugat na iyon? Kung ang gamot ay ang mismong taong kinamumuhian mo? A story of h...