29

2.1K 48 6
                                    

NAPABUNTONG HININGA si Drake nang lumapag ang eroplano na sinasakyan nya patungo sa Pilipinas. Nandito nanaman sya. Nandito nanaman sila.

Sumakay siya ng taxi patungo sakanyang condo. Papasok na sana sya sa kaniyang condo nang madaanan nya ang condo ni Kaelie. Matagal nang walang nakatira dito pero ang alam nya'y pinagbenta na ito simula noong hindi nya makita si Kaelie.

Sumalampak si Drake sa kama at in-on ang tv. Nasaktong balita ang palabas.

Manuel-Gil Nuptial is off.

Napaupo sya sa kama sa gulat.

Pagkababa ng eroplano ni Ms. Manuel, kasama niya si Mr. Gil. Sinaad ni Ms. Manuel na di na tuloy ang kasal nila sa susunod na buwan. Wala pang sinasabing dahilan ang dalawang kampo ukol sa sinasabing hiwalayan.

Parang nabuhayan ng dugo si Drake sa balita. Ngunit naisip nya nasaan kaya ngayon si Kaelie? Imposibleng na kay Evan dahil magkaaway nga sila.

Nabulabog ang kaniyang isip nang may kumatok sa pinto ng condo niya.

Binuksan nya ang pinto at nagulat sa nakita niya. "Stacy."

Nakaluhod si Stacy at yakap ang tuhod ni Drake. "Tumayo ka dyan." Walang emosyong sambit ni Drake.

Tumayo si Stacy habang umiiyak. "Sorry, Drake."

Nakatitig lang sakanya si Drake ngunit hindi nagsasalita. "Sorry for what?"

"Sorry dahil naging makasarili ako. Sorry dahil hindi ko sinabi sa'yo. Sorry dahil napakawalang kwenta ko. Sorry dahil tinago ko. Sorry dahil nabulag ako sa pagmamahal."

Humahagulgol si Stacy. "Drake please. Wag mo kaming iwan ng anak mo."

Napakunot ang noo ni Drake. "Sigurado ka bang anak ko 'yan? Alam kong walang nangyari saatin Stacy."

"O-oo. Nung 7th monthsarry naten." Nauutal nitong sagot. "We'll undergo some test."

Tinawagan ni Drake si Kurdth. "Bro. Favor."

"Ano nanaman yan, Ford?" Sagot nito sa kabilang linya. Maasahan talaga ito.

"Di'ba may alam kang lab? Pa DNA naman ako. I just need to clarify things."

"Putangina ka! Nakabuntis ka no?!" Sigaw nito. "Shut the fuck up, Kurdth."

"Okay sige. Bukas kukunin ko yung sample mo tsaka yung papaDNA mo."

"Thankyou, brad." Binaba ko ang tawag at tumingin ulet kay Stacy.

"Bukas kukunan ng sample yung baby. Tandaan mo kapag hindi saa'kin yan, hinding hindi mo na ako kukulitin. At wala na tayong koneksyon."

Tumango ito at saka umalis.

-

Kinabukasan, pumunta sila ni Stacy sa lab kung saan sila magpapaDNA test.  Kinuhanan sya ng sample at ganoon din ang baby.

Aayusin nya muna ito para kapag humarap siya kay Kaelie ay wala na siyang poproblemahin.

Nauna na syang umalis at iniwan si Stacy doon. Sa susunod na linggo pa lalabas ang resulta ng mga test na ginawa.

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon