11

2.8K 59 0
                                    

Kaelie's POV

"Ano po yun, Dad?" Kinakabahan kong tanong sakanya. Pero kug tungkol man kay Drake 'to, sino namang magsasabi sakanya?

"Gusto ko lang kamustahin ang branch na pinapatayo naten dyan. May progress na ba?" Parang natanggalan ng tinik ang puso ko. "Yes, Dad. May progress ito at halos 70% na ang nagagawa."

"Okay. Good job. Pupunta ako sa Philippines para i-check ang branch naten dyan. Makakarating ako dyan tomorrow. After lunch. So, we'd have our dinner tomorrow. Wear something formal."

"Okay, Dad." Binaba ko na ang telepono. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa dinner bukas.

-

Inayos ko muna ang mga papeles na ipapakita ko kay Dad para sa dinner namin mamaya. Papakita ko rin sakanya ang documents na dapat n'yang pirmahan kaya inaayos ko na ito ngayon. Bumisita rin ako sa site para malaman kung ano ang dapat ireport kay Dad. I hope he'll be proud of me. I hope.

Someone entered my office, kaya napaangat ang ulo ko. "Ikaw, ang tigas talaga ng ulo mo!" Sabi ko habang papalapit sakanya at piningot ko ang tenga nya. "Aray! Aray!"

Nang binitawan ko na ito, umupo lang sya sa couch sa corner ng office ko at yumuko. "Nagenjoy kaba kasama si Evan?" He said in a low tone. Nakayuko pa rin sya. Napakunot ako ng noo at lumapit sakanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Sorry na. Di na mauulit. Please."

He cupped my face. Nakaharap na sya saa'kin ngayon. "Ayoko lang na nakikita kang masaya. Sa iba. Ayoko lang na maagaw ka nila saa'kin. Dahil ako? Handa akong maging sa'yo."

I smiled. "Sa'yo lang ako, Mahal. Sa'yo lang. Kahit sino pang lalaki dyan. Tsaka bestfriend ko lang si Evan. Don't worry." Niyakap nya ako at ganun din ang ginawa ko. "Kahit na. Akin kalang."

"May kasalanan kapa!" Palo ko sa balikat nya. "A-ano?" Sabi nya habang umiiwas sa unli-palo ko. Hahaha.

"Bakit ka nagintay sa labas ng unit ko? Nilagnat ka tuloy!" He smiled. "Gusto ko lang malaman kung safe ka nakauwi. Eh di mo naman sinasagot tawag ko. Tsaka okay na rin yun. Tabi naman tayo natulog eh." He said while smiling. Yung manyak na smile. Hahaha.

"Heh! Ewan ko sa'yo."

"Mahal." Tawag nya saa'kin kaya napalingon ako. "Bakit?"

"Ano ang baboy na laging late?"

"Ano?"

"Edi PIG-LATE. HAHAHAHAHAH!" Sabay halagapak nya ng tawa. Nag poker face lang ako. "Hoy Mahal! Tumawa ka! HAHAHA." Di pa rin sya makamove-on sa sarili n'yang joke.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Okay na'ba mahal? 10 tawa na 'yan."

"Mahal naman eh! Hahaha!" Sabay niyakap nya ko. Balew talaga 'tong boyfriend ko.

"Mahal, mamaya nga pala may dinner kami nila Dad." Napatingin sya saa'kin at tumigil sa pagtawa. "Tungkol saan?" Bakas sa mukha nya ang pagtataka. "Magrereport daw ng progress ng branch tsaka mga financial reports na rin ng Ethernice."

"Kelan natin ipapaalam sa Dad mo tungkol saa'tin?" Tanong nya na ikinagulat ko. "Hahanap pa ko ng timing." Ngumiti sya. "Basta, Mahal. Sabay naten silang haharapin. Lalaban tayo." I smiled then hugged him.

"Mahal!" Tumingin ako sakanya habang inaayos ko 'tong mga papeles. "Oh?"

"Anong sasakyan ang malakas ang fighting spirit?" Napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Edi LaVAN! HAHAHAHAHHAHAHA." Tawa sya ng tawa namumula na nga sya eh. "Corniest. HAHAHAHA. Kanina ka pa ah!" Kinindatan nya ko.

"Corniest daw pero tumawa. Weh? HAHAHA."

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon