12

2.4K 59 0
                                    

Kaelie's POV

I didn't stutter any word. Sa bilis ng pangyayari, nakita ko ang sarili ko na nagdadrive sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ako patungo, pero ang alam ko, kailangan ko muna lumayo.

Habang nagdadrive, tumunog ang cellphone ko. It was drake calling, then seconds later, dad. In-on ko ang silent mode. Ilaw pa rin ito ng ilaw.

*Mahal: 33 missed calls*

*Dad: 25 missed calls*

Pinower off ko na ang cellphone ko at tumigil sa isang mataas na lugar. Nasa gilid ito ng highway, at kita ang buong view ng city.

Umupo ako dito, my eyes started to blur, dahil na siguro sa sunod sunod na luha na lumabas dito.

"Tangina nyong lahat!" Sigaw ko sabay ng pagbabato ko ng mga maliliit na bato.

Iyak lang ako ng iyak. Hanggang sa maalala ko na may beer pala ako sa car. Binili ko ito dati pa.

Uminom ako ng uminom, bahala na kung malasing ako. Wala naman silang pakialam di'ba? Kasi ako yung tipo na ginagamit nila para makuha ang gusto nila.

"Wala bang tiwala saa'kin si Dad? Hindi ba sya naniniwala na kaya ko ayusin ang kumpanya without that bullshit marriage?!" i sniffed, realizing that i was talking to myself.

"Buong buhay ko, tinry ko na i-impress ka. Pero aabot pa ba sa punto na, pati ang lalaking mahal ko, at ang mga pangarap ko, isususko ko para sainyo?!" Sinipa ko ang mga bato na nasa harap ko. "Bullshit naman."

Di ko namalayan na nakarami na ako ng beer. Nararamdaman ko na ang epekto nito. Nararamdaman kong gusto pa ng katawan ko ang alak na hawak ko ngayon, pero san naman ako kuluha nun?

Third Person's POV

Sinusubukang tumayo ni Kaelie, ngunit di nya magawa dahil sa bigat ng katawan at hilo. Bibihira lang ang dumadaang mga sasakyan dito dahil gabi na at marahil nasa itaas sya ng bundok.

Nang makatayo sya, agad syang pumasok sa driver's seat ng kotse nya.

"Wala naman may pake kung ano man ang mangyari saa'kin." Aniya.

Kahit na hilo ang pagdadrive, sinubukan nya parin ito. Nakarating sya sa isang bar malapit sa pinagstayan nya kanina. Punong puno ng ingay ng mga taong nagsasayawan at lasing.

Umupo sya sa counter at umorder ng alak. Inom lang sya ng inom. Isa ito sa paraan nya para kalimutan ang nangyayari sakanya. She danced through the spotlight like there's no tomorrow. Malalim na rin ang gabi at ang lahat ay lasing na.

Stacy's POV

Nandito ako ngayon sa bar sa Antipolo. Palagi naman ako nandito, since natanggal ako sa buhay ni Drake. Nagulat ako ng makabangga ko ang babaeng sumira saa'kin. Si Kaelie. Lasing na lasing, sayaw ng sayaw. Mukhang ito na ang tamang panahon. Humanda ka saa'kin.

Pumunta ako sa parking lot, hinanap ang kotse nya. Tinanggal ko ang break pad nito. I smirked. Bye, Dear.

Drake's POV

Di ko alam kung saan, paano at kung ano. Nawawala si Kaelie. Alas tres na ng madaling araw. Kanina pa ako tawag ng tawag sakanya. Kanina pa ako nagdadrive, ni hindi ko alam kung nasaan sya. Puta, mababaliw na'ko.

Kaelie's POV

Tinignan ko ang orasan. Alas tres na pala. Patuloy pa ring nagsasayawan ang mga tao dito. Sa pagod at hilo, pumunta na ako sa parking lot at hinanap ang kotse ko.

Third Person's POV

Pagewang-gewang na naglalakad si Kaelie sa parking lot para hanapin ang kotse nya. Malabo na ang paningin nya dahil sa alak. Nang makita nya ang kotse nya, may isang babaeng pamilyar sakanya ang nakatayo sa gilid nito. Hindi na lamang nya ito pinansin.

Sumakay na si Kaelie sa kaniyang kotse at pinilit magdrive. Hindi nya alam kung saan sya pupunta, nararamdaman nya na konti na lamang, babagsak na ang katawan nya.

Pagewang gewang ang sasakyan nya. Dahil narin sa labo ng paningin at hilo na nararamdaman nya. Dire-diretso lang sya sa daan. Ngunit may biglang humarang na sasakyan sa harap ng kanyang kotse. Pinipilit n'yang itigil ang sasakyan. Ngunit, ayaw tumigil nito. Dahil sa ayaw nya na makadisgrasya, kinambyo nya ito hanggang sa padalos-dalos na nahulog ang kotse nya sa bangin. She lost her conciousness and her vision went black.

Drake's POV

Habang nagdadrive ako, tumawag si Kaelie. Agad ko itong sinagot sa sobrang pagaalala. "Mahal!! Where have you been! Kanin-----" Nagulat ako dahil ibang boses ang sumagot sa kabilang linya. Boses lalaki. Nagpanic kaagad ako. "Nandito kami sa Antipolo Provincial Hospital, naaksidente ang may-ari ng cellphone na'to. Pumunta kana dito." Parang nanlamig ang buong katawan ko. Binaba ko na ang telepono at pumunta sa sinabing ospital ng lalaking tumawag. Desperado na'ko. Kailangan ko mahanap ang nagiisang babaeng mahal ko.

Nang makarating na ako sa ospital, nagtungo ako sa emergency room. Lumapit kaagad saa'kin ang lalaking nagdala dito kay Kaelie. "Brad." Tinapik nya ang balikat ko. "Ako yung nagdal sakanya dito." Humarap ako sakanya. "Maraming salamat! Hindi ko alam kung paano kita mababayaran sa ginawa mong kabutihan." He smiled. "Wala yun. Abangan mo nalang kung anong sasabihin ng pari sa lagay nya. Mauna na ko, pare."
Ngumiti ako. "Sige. Maraming salamat, pare." Tinapik ko ang balikat nya at nakipagman-hug.

Pumunta ako sa counter at sinabi sa mga nurse na naron ang pangalan ni Kaelie. Tinungo nya ako sa isang hallway katabi ng isang kwarto at pinaupo sa upuan dito. Ang sabi nya saa'kin ay abangan ko na lamang ang doktor na lumabas.

Makalipas ang limang minuto, lumabas narin ang doktor at tinawag ako. "She's currently suffering a serious head injury. We still don't know until she gained her conciousness. Nasa ICU sya ngayon kasi minomonitor namin angang condion nya. But still, makakaasa kayo na gagawin namin ang aming makakaya para mailigtas sya." Napahilamos ako ng mukha. "Please, doc. Please."

-
Ilang oras ang lumipas, hindi pa rin nailalabas si Kaelie sa ICU. Tinatanong ko sa mga lumalabas na doctor kung anong lagay nya pero ang paulit ulit nilang sinasabi ay 'under observation'. Tinawagan ko na sila Mr. and Mrs. Manuel para sabihin sakila ang nangyari. Si Mrs. Manuel hindi makakauwi dahil may inaasikaso sya sa France. Pero si Mr.Manuel, nandito naman sa Pilipinas, pero ang sinabi lang nya, magpapadala nalang sya ng pera. Pambayad sa ospital.

Nabuhayan ako ng loob noong lumabas ang doctor na kanina pa nasa loob. Tinanggal nya ang mask nya at nagsalita.

"She's in coma."

________________________________________________________________________________________________

Merry Christmas! Happy new year!

Kaelie's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon