Nakatulala si Drake na pumasok sa unit nya at sumunod naman si Stacy. Hawak ni Drake ang menudo na niluto ng reyna nya para sakanya. May nakasulat sa ibabaw nito.
I trust you
Malungkot na ngumiti si Drake.
Sinisisi nya ang sarili nya. Kung hindi sya gumamit ng iba. Kung hindi sya uminom. Kung inayos nya ang sarili nya. Alam n'yang blessing ito. Magiging ama na sya. Pero kapalit ba nun ang babaeng mahal na mahal niya?
"Saan ako matutulog?" Stacy said that bugged his thoughts. "Dyan sa couch. Papalinis ko pa ang guestroom."
Lumabas sya ang bumili ng beer sa 7-eleven. He needs it right now. Tinanong sya ni Stacy kung saan sya pupunta pero hindi nya ito pinansin.
Pagbalik nya sa kaniyang unit naabutan nya sa labas si Kurdth. "Bro." Nagman-hug sila. Batid nya na alam na ni Kurdth ang nangyari sakanya. Malamang nalaman nya ito sa girlfriend nya, Si Dana.
Pumasok na sila sa unit. Nang malamn ni Kurdth ang nangyari dumiretso agad sya rito. Alam ni Kurdth kung gaano kasakit ang nararamdaman ng kaibigan kaya hinayaan nalang nya ito maglabas ng sama ng loob.
"Ang tanga tanga ko, bro 'no?" Pagkukwento ng kaibigan. "Ang tanga ko." Sabay inom ng beer na binili.
"Bumalik na bro 'e. Bumalik na. Ayos na 'e." Tumulo ang luha ni Drake sa kaniyang mga mata. "Di ba talaga kami para sa isa't isa?"
"Bro. Gasgas man to pero totoo. If its meant to be, it will be."
"Sa lahat ng nangyare, hindi pala kami." Binuksan nya ang pangatlong can ng beer. "Ang sakit sakit." Tuto sa kaniyang dibdib.
"Just be a good father, brad. Yon ang gusto ni Kaelie."
"I'll try my best, brad. I'll try." Naguguluhang sambit nito.
-
NAPANGISI si Evan habang pinapanuod na maghiwalay ang dalawa. Ang sarap ne'to panuorin para sakanya. Nagbunga ang plano nila ni Stacy.
Di nya akalain na pwede n'yang gamitin ang anak nya para mapaghiwalay ang dalawa. Ngayon, mas makukuha na nya si Kaelie.
He doesn't give a fuck kung nagkaanak sila ni Stacy. Ginusto rin naman ito ni Stacy at nagpabayad pa.
Ginagamit nya si Stacy dahil ayaw pumayag ni Kaelie sa 'ganon' at ayaw nya ito pilitin dahil baka ikansel nito ang wedding.
Nagkikita sila ni Stacy maraming beses sa isang buwan para gawin iyon at binabayaran nya si Stacy.
Kaya hindi nya kasalanan at hindi nya susustentuhan ang bata.
At ngayon, nakatulong pa ito para malayo si Kaelie at Drake sa isa't isa. May plano na sya kung paano babalik sakanya ito.
-
2 weeks later.....
NASA opisina ngayon si Kaelie. Ilalabas na kasi nila ang spring collection nila. Malaki ang naging epekto ng pagkaaksidente nya sa kumpanya. Halos kalahati ang nagpull-out ng mga shares dito kaya kailangan nya itong ayusin ng hindi nakikipag merge sa kahit kaninong kumpanya.
Napagisipan nya na itugon muna sa trabaho ang atensyon. Wala na rin naman. Wala na.
Patungho sya ngayon sa meeting kung saan paguusapan nila kung paano papatok ang spring collection nila.
"What if kumuha tayo ng celebrity model? Yung sikat na sikat."
"Mauubusan tayo ng financial stock kapag kumuha tayo non. We need to get this in ng hindi masyado gumagastyos to conserve our resources." I said.
BINABASA MO ANG
Kaelie's Revenge
Novela JuvenilSabi nila, ang taong dahilan ng iyong sakit ay ang s'yang makakagamot rin ne'to. Ngunit paano? Paano kung napuno ng galit at poot ang sarili mo? Paano mo gagamutin ang sugat na iyon? Kung ang gamot ay ang mismong taong kinamumuhian mo? A story of h...