Airro's POV
"Nahanap nyo naba si Yel?" Tanong ko sa mga kawal namin
"Pasensya Ginoo ngunit hindi namin sya mahanap"
Aishh! Saan ba sya nagsuot?! >_<
Sana pala hindi ko na sya pinatakas.... Sana prinotektahan ko nalang ang kapatid ko .
Natakot kasi ako para sakanya.
Sya talaga ang pakay ng mga kalaban at mukang galit na galit sila.
Maraming kalaban ang gustong pumatay sa kanya. Ewan ko kung bakit nalang ganun ang galit sa kanya ng iba.
Psh! Masyado kasing pabida walang inuurungan >_<
At si Dremon ang pinaka-galit sa kanya. Isang beses ko lang sya nakita.
Masasabi kong nakakatakot at kakaiba sya... At higit sa lahat napakalakas nya na halos kapantay na nya ang lakas ni Ama.
*sigh*
Asan ka na ba Meryelle??
Sana ligtas ka.
"Kamusta na ang lagay ni Flash at Kilik?" Tanong ko sa katulong ng aming manggagamot.
"Si Kilik po ay walang ganun kalalang galos...pero si Flash po ang malalim ang sugat pero wag po kayong mag-alala kasi ginagawa namin ang lahat mapagaling lang sya" paliwanag nya
" Sige, salamat sa inyo"
"Ginoo hinahanap po pala ni Flash si Binibining Yel at kinakamusta, ano po ang aking sasabihin?" Tanong nya
"Sabihin mo okay lang sya baka makasama sa kanya pag nag-alala sya ng husto" sabi ko at umalis na sya
Isa talaga si Flash sa mag-aalala kay Yel at hinahangaan ko si Flash kahit ganun yun tsk! Alam kong importante sila sa isa't isa.
"Airro!" sigaw na kakadating lang na si Kilik.
"Oh?"
"Bakit wala pa si Yel?! Anong nangyari sa kanya!" Nag-aalalang sambit ni Kilik
"Bakit ako ang tatanungin mo? Kita mong pinapahanap ko sya. Malamang di ko rin alam" inis kong sambit
"Ha! Di kaba nag-aalala sa kanya. Ikaw tong kuya pero bakit parang wala kang pakialam?!"
Natigilan ako at tiningnan sya ng masama.
"Sino ka para sabihing hindi ako nag-aalala?! Ha?! Hindi Ikaw ako! Hindi porket niligtas mo sya nung nakaraan, magiging okay na tayo! Tandaan mo hindi ko pa nalilimutan ang pananakit na ginawa mo sa kanya gago!" Galit kong sabi at nilayasan sya.
Masyadong mayabang nakakaimbyerna. Pasalamat talaga sya at hindi ko nalilimutan na naging kaibigan ko sya tsk!
Naiinis talaga ako sa kanya! At masyadong mabait si Yel para sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nagkagusto sa kanya yung kapatid ko.
Meryelle's POV
Darn! Gutom na ako at feeling ko ang baho baho ko bwiset.
Ewan ko kung nasaan na ako.
Ano ba taong lugar na tinungo ko. At bakit ngayon lang ako nakapunta dito
T_T
Nakakapanghina na.
Lumiko ako at napadpad ako sa medyo tagong eskinita. Walang ganong tao dito.... Kaso may nakita ako.
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...