Game 32

31 15 1
                                    

Hakku's POV

Kanina pa ako nag-hihintay dito sa labas ng gate ng Ai Palace dahil wala pa si Yel. Nag-aalala na ako kasi hindi ko alam kung saan sya pumunta.

Habang nakaupo ako at naghihintay nakita ko syang naglalakad papunta dito at parang wala sa sarili.

Yung ganyang expression na lagi kong nakikita kay Miro——

*dug*dug*dug*dug*dug*dug *dug*dug*dug*dug*dug*

Si Miro na lagi kong inaalala kahit alam kong game character lang sya.

Si Miro na matagal ko ng nakakasama dahil sa larong ginawa ng kuya ko.

Si Miro na ayaw na ayaw kong masaktan sa labanan.

Si Miro na halos parte na ng buhay ko.

At si Miro na kaharap ko ngayon at nakakasama kona....

Bakit ngayon ko lang narealize ang lahat? Bakit ngayon ko lang narealize na una palang nahuhulog na ako sa kanya bilang Miro, na kahit alam kong game character sya nun inaalala ko parin sya na parang tunay na tao. At mas lalo pa akong nahulog sa kanya ng makasama ko na sya bilang Yel....

Akala ko ang bilis ng lahat, mabilis na nakalimutan ko si Kaye at mabilis na nagkagusto sa kanya. Akala lang pala yun, dahil minahal ko na sya noon palang bilang isang game character.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya. Agad ko syang niyakap.

"Bakit ngayon ko lang narealize?"

"H-Huy ano bang sinasabi mo?" Tanong nya na parang naiilang.

Lumayo ako ng konti sa kanya at tiningnan sya.

"Mahal kita" sabi ko

Pero nanlaki lang ang mata nya at umiwas ng tingin.

Kinurot ko pisngi nya.

"Hindi mo naman kailangan sabihin yun sa ngayon. Handa akong maghintay na masabi mo ang mga salitang iyon sakin" sabi ko

"Ay teka. Wag kang gagalaw" sabi ko

Pumunta ako sa likod nya at inilabas ko yung kwintas na binili ko para sa kanya.

"Lagi ko itong dala, pero ngayon ko lang maiibigay" sabi ko

Isinuot ko sa kanya yung flash drive necklace at pumunta ulit sa harapan at nakita kong nakangiti na sya.

"Sana mapanuod mo yan pagkatapos ng lahat ng ito" sabi ko

"Sana nga..." sabi nya at nagulat ako ng sya naman ang yumakap sa akin.

"Salamat......baby boy" sabi nya at napangiti naman ako.

Niyakap ko din sya.

"You're welcome baby boss" sambit ko.

*****

"Kung hindi mo agad sasabihin sa kanya ang lahat mas lalo lang kayo masasaktan parehas"

"Pero—-?!"

"Hakkuuuu!!" Bigla kong narinig na sigaw ni Yel. Napatingin ako sa paligid at tanging nakikita ko lang ay isang pink rose?? Teka——

Sh*t!

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon