Game 28

29 14 3
                                    

Hakku's POV

Napamulat ako.

Aigoo! Ang sakit ng ulo----

O_O

Napatingin ako sa paligid ko at puro computer ang naandito at tumingin din ako sa may bintana...gabi parin.

Napansin kong nakatali pala ako.

"Yaaa! Pakawalan nyo ako!" sigaw ko

"Tsk! Tsk! Kahit kailan napakaingay mo parin " sabi nya at biglang nagpakita si Kael

"Pakawalan mo ako dito! Nasaan si Kaye?!"

"Dont worry. Okay lang ang kapatid ko at ang bestfriend mo"

"A-Ano? Si L-Logan?! Bakit sya andito? Anong ginawa mo sa kanya?!" sigaw ko kay Kael

"Wala pa naman akong ginagawa sa bestfriend mo. Naisip ko lang na maganda rin syang idamay sa larong ito" sabi ni Kael

"Hayop ka Kael! Asan sila?!"

"Shh! Baka magising sila tsk tsk pag hindi kapa tumahimik mapipilitan akong gawan sila ng masama" inis nyang sambit

"Bakit hyung? Tinuring kitang kapatid. Bakit mo nagagawa ito sa amin?" tanong ko

"Simple lang dahil kung hindi ko nalaman na nakakapunta ka sa Ai No Senshi hindi naman magkakaganito ang mundo nyo kaya sabihin mo paano ka nakakapunta sa mundong iyon?"

"H-Hindi ko alam"

"Argh! Hindi ko alam?! Wala kayong pinagkatulad ng Kuya mo! Madadamot! Kaya nararapat lang sa kanya ang nangyari sa kanya"

Naiyukom ko ang kamao ko

"Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng kuya ko?!"

"Wanna know a secret?" ngumiti sya ng malademonyo at lumapit sa may tenga ko

"I killed your brother 5 years ako. At pinalabas ko lang na sumabog ang sinasakyan nya at nasunog ang katawan nya" sabi nya at lumayo sa akin

"A-Ano? Pinatay mo ang kuya ko?! Hayop ka!"

Dahil sa galit ko sinubukan kong kumawala sa lubid na nakatali sa akin at sa sobrang galit ko napapaluha ako.

"Kahit anong gawin mo Hakku hindi ka makakawala dyan. Sinasaktan mo lang sarili mo. Ang tanga tanga mo talaga manang mana sa kuya. Kung hindi dahil sa katangahan ng Kuya mo hindi sya mamamatay!"

"Ano bang ginawa sayo ni Kuya para ganituhin mo sya ha?! Ang sama mo!"

"Mas masama ang kuya mo dahil sya ang nag-umpisa ng lahat ng ito! Alam mo bang kung hindi nya ako trinaydor edi sana tinatangkilik na kami ng mundo! Sa kuya mo nag-umpisa ang lahat ng kasamaan ko" sabi nya

"Hindi nya kasalanan kung sya lang ang nakakapasok sa mundong iyon!"

"Sabagay tama ka. Dahil hindi nya kasalanan kung bakit nya naisipang gamitin ang Ai No Senshi bilang laro dahil IKAW ang may kasalanan kung bakit nya ito ginawa!"

Napatigil ako sa sinabi ni Kael.

"A-Ano kamo?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit nya gustong makilala ng lahat! Hindi mo matandaan? Ipapaalala ko sayo. " tumingin sya sa akin ng malalim at lumapit

"Hiniling or should I say IPINILIT mo sa kanya na maging sikat at makilala sya sa industriya ng teknolohiya at siyensya. At nung makilala nya ang matandang yun he grabbed his chances"

Biglang nag flashback sakin nung sampung taong gulang palanv ako at kabonding ko sya....

"Hyung!"

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon