Epilogue: Game Over

50 17 0
                                    

Hakku's POV

Andito kami ngayon ni Kaye sa sementeryo at kakadischarged ko lang sa Hospital. Nagsorry rin ako kay Mom at Logan sa nangyari sakin at inintindi naman nila ako.

Tumingin ako sa lapida.

"Miss na miss na kita....







Kuya" sabi ko

"Thank you sa lahat at sorry rin. Balak ko na pala Kuya na alisin ang ANS sa laro. Para malimutan na natin ang masakit na karanasan dun sa larong iyon. At alam ko namang gusto mo yun diba? Alam ko rin na masaya kana dyan Kuya. Paalam Hyung..." dugtong ko at iniwan ko ang isang pink rose.

Humarap ako kay Kaye na nasa gilid ko.

"Kaye thank you sa lahat ng tulong mo"

"No worries. Oo nga pala mamaya na ang flight ko papuntang ibang bansa." Sabi nya na ikinagulat ko.

"Mwo?! Bakit biglaan?"

"Ahm siguro kailangan ko rin ng peace of mind. Ang rami rin kasing nangyari eh" sabi nya

"Nag-usap naba kayo ni Logan?"

"Oo. Pinag-usapan na namin yung tungkol sa amin at nagkaliwanagan na hahaha. Nakakatawa lang na parang naulit lang yung mga pinagsasabi namin" sabi nya

"Ingat ka ha?" Sabi ko at niyakap sya.

"Oo naman. Thank you sa lahat Hakku and I'm really sorry" sabi nya at bumitiw sa yakap.

"Tapos na yun Kaye. Magkapatawaran nalang tayo at ipagpatuloy ang buhay" sabi ko and gave her a smile

"Alam kong nasasaktan ka parin kahit nakangiti ka. Sa ating dalawa mas masakit ang nararamdaman mo ngayon." She patted my shoulders

"At kung kayo talaga, magkikita at magkikita parin kayo" dugtong nya at nagpaalam na si Kaye sakin.

....

Pag-uwi ko sa condo ko. Nagulat ako na naandun si Dad, Mom, at Logan.

"D-Dad---"

"Ano bang pag-iisip meron ka?!"sigaw sa akin ni Dad

"Bakit mo buburahin ang ANS? Na pinaghirapan ng kapatid mo?!" Galit nyang tanong

"Sorry Dad pero desidido na po ako." Sabi ko

"Gabbin Hakku! Alam mo bang dudungisan mo lang ang pangalan ng Ichiro?! Marami ang sponsors nag-aalok sayo pero tinanggihan mo at balak mo pang ipull out ang laro?!" Sigaw nito sa akin

"Hon. Tama na please. Kakagaling lang ni Hakku sa ospital. Give him a break..." Mom said.

"Hindi Helen. Nagrerebelde itong anak mo!"

I bitterly smiled at him.
"Nagrerebelde? Bawal bang gusto ko lang itigil ang pagiging sunod-sunuran sayo ha? Ayaw kong matulad kay Kuya Dad. Ayaw kong may pagsisihan dahil hindi ko natupad ang pangarap na gusto ko! Kaya lang naman ako naging ganito dahil napilitan akong sumunod sa yapak ng Kuya ko e at napilitan sa kagustuhan nyo!! Tama na Dad...Hayaan nyo na akong sundin ang gusto ko. Hayaan mo na akong piliin ang mga gusto ko. Wag nyo na kaming diktahan dahil pagod na ako! Pagod na akong gawin ang bagay na ayaw kong gawin." Sabi ko at tumigil saglit.

"Kung sakaling hindi ka naging mahigpit kay Kuya baka buhay pa sya hanggang ngayon. At kung ipagpipilitan nyo yang gusto nyo hindi malabong mawalan pa kayo ng isang anak" sabi ko

Hindi kona hinintay ang pagsagot nila dahil tunalikod na ako at naglakad papunta sa may pinto.

Narinig kong tinawag ako ni Logan pero hindi ko na iyon pinansin.

After 1 week...

Andito kami ngayon sa presscon.

"Kahit anong maging desisyon mo bro support lang kita" sabi ni Logan.

"Salamat" sabi ko

"Mr. Hakku bakit kailangan nyo pong alisin ang ANS eh patok na patok ito halos sa buong mundo?" Tanong ng isang reporter.

I smiled. " Ahm sabihin na nating walang permanente sa mundo pati guys tama na ang paglalaro ng video games. Bakit di natin itry na makipaglaro sa ating family? Para atlis nagkakabonding kayo diba? Yung oras na itinututok nyo sa video games ay dapat binibigay nyo sa family nyo. Enjoy every seconds with your family. At tsaka marami ng nanay ang nagagalit sakin hahaha." Sabi ko at maraming sumang-ayon sakin at yung iba natawa sa huli kong sinabi.

"Hindi kaba magsisisi sa desisyong gagawin mo?" Tanong nung isang reporter

"Ahm sa palagay ko hindi ko ito pagsisisihan. Dahil alam kong tama itong gagawin ko." Sabi ko

"Pero gawa ito ng iyong namayapang Kuya? Ayos lang na itapon ang kanyang pinaghirapan?"

"Kung andito siguro sya ganun din ang gagawin nya. Pinaghirapan nya ito ng sobra pero di naman nasayang ang pinaghirapan nya kasi tingnan mo ang raming tumatangkilik kaya kung ano mang maging desisyon ko alam kong sinusuportahan nya ako"

"Last na question Mr. Ichiro. Anong meaning ng Ai No Senshi?"

Napaisip ako.

Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Matagal ko na itong gustong masagot at ngayon mukhang alam ko na.


Ai No Senshi means Soldier of Love

Pero ang totoong ibig sabihin ng Ai No Senshi ay si Meryelle or Miro. Sya ang totoong alagad ng pag-ibig na handa nyang isakripisyo lahat para sa mga minamahal nya.

At ganun din si kuya at ako.

Ngayon alam kona ang dahilan kung bakit si Yel ang napili ni Kuya dahil alam nyang puno ng pagmamahal si Yel kahit may masamang nangyari sakanya. Patuloy parin syang nagmamahal kahit gaano kahirap.

Meryelle is the soldier of love.

We are the Ai No Senshi.

"All of us are Ai No Senshi. Lahat tayo ay alagad o warrior ng pag-ibig." Sabi ko at ngumiti.

Ang larong ito ang hindi ko malilimutan sa lahat.

Dahil marami itong naituro sakin, masama man o mabuting karanasan itatatak ko parin sa puso at isip ko.

Sa Ai No Senshi kung saan kami nagkakilala at nagmahalan pero kailangan ko ng magpaalam sa larong ito.....

Dahil GAME OVER na. Tapos na ang larong ito. Tapos na ang laban namin sa larong ito. Marami na kaming natake na risk para lumaban at panahon na para tumigil sa paglalaro sa ibang mundo.












At eto na ang panahon na kailangan na naming simulan ang laban sa REALIDAD.

—————————————————

Please vote and comment

Thank you



/ April 30, 2018 /

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon