Game 35

27 13 0
                                    

Kael's POV

Ahh shit! Ang sakit ng ulo ko!
Pagmulat ko——NASAAN AKO?!

Tiningnan ko ang paligid
teka—! Eto ang battle field!

Ibig sabihin nasa AI NO SENSHI NA AKO?!

"SA WAKAS! Mag-hahari na ako dito! Matatalo na kita Kiro" sigaw ko at pumunta agad ako sa kaharian ni Dremon...

Kinapa ko ang bulsa ko at buti naman dala ko ang controller ni Dremon. Mananalo ako sa laban na ito kaya humanda kayo!

Hakku's POV

Aishh! Di ko alam kung nadala ko ba si Kael dito o hindi....pati kailangan ko ng malaman kung saan namatay si Kuya para masagot ko na lahat ng katanungan ko at kung paano matatapos ang lahat ng ito.

Si Yel lang ang maaaring makaalam kung saan namatay si Kuya, kaso alam kong galit sya sakin.

"Hakku pwede bang maupo ka? Juskoo nahihilo ako sayo eh" sabi ni Flash

Umupo na ako.

"Flash sa tingin mo galit parin sakin si Yel?" Tanong ko

"Kahit sino naman magagalit sa ginawa nyo na kahit hindi ikaw ang may kasalanan tinago mo parin ang katotohanan" sabi nya

Sana sinunod ko nalang yung panaginip ko, sana sinabi ko nalang agad sa kanya.

"Pero alam mo Hakku kahit galit sya sayo dapat hindi ka sumusuko. Dahil alam kong may tiwala parin sya sayo. Kaya sana wag mo syang iwan sa laban na ito" sabi nya at ngumiti ako.

"Tama ka Flash. Kahit anong mangyari sasamahan ko sya sa lahat ng laban na ito." Sabi ko

Lumabas muna ako ng palasyo at tumingin tingin sa paligid.

Ano kayang itsura nito nung hindi pa ginagawa ni Kuya na laro ito?

Siguro masaya at mapayapa ito. Alam kong mali ang ginawa ni Kuya pero ginawa nya lang iyon para sa amin, para sa akin. Sinakripisyo nya lahat para sa pamilya nya kaya ako ang tatapos ng lahat ng ito. Para hindi masayang ang sakripisyo nya.

Kaye's POV

Thank God! Nakabalik si Hakku.
Kung alam ko lang na hahantong sa ganito sana una palang naging matapang na ako para labanan ang ang Kuya ko...

Kailangan ko yung controller ni Dremon gusto ko ng matapos lahat.

Hinanap ko dito sa lab ni Kuya yung controller ni Dremon pero kahit anong hanap ko hindi ko ito mahanap kaya nag-punta ako sa kwarto ni Kuya pero wala parin!

"What the hell?! Nasaan ba yun?" Naiinis kong banggit.

Saan ba pwedeng itago ni Kuya——hindi kaya—! SHIT!

Hindi kaya nadala ni Kuya ang controller ni Dremon?! NO!!

Hindi pwede! Dahil ang tanging sinusunod lang ni Dremon ay ang taong may hawak ng controller. No!!! Baka magsanib pwersa sila!

Lumabas ako ng bahay at sumakay ng taxi para makapunta agad sa condo nina Logan.

....

"Logan!!!"

Bumukas ang pinto at tumambad sakin ang busangot na mukha ni Logan.

"Ano ba at nagsisigaw ka dyan? Natutulog ako e!"

"Malay ko bang natutulog ka" sabi ko sabay irap.

"At oo nga pala, alam mo ba kung nasaan si Hakku? Kahapon pa sya di nauwi e" tanong nya

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon