Yel's POV
0_0
Nagulat ako sa ginawa nya kaya tinulak ko sya.
"Gusto kita Meryelle" hinawakan nya ako sa dalawang balikat
Nyemas! Ang lakas ng tibok ng puso ko at may kung ano akong nararamdaman sa aking tyan.
"A-Ano?"
"Sabi ko Gusto kita-----hindi p-pala dahil m-mahal na ata kita " sabi nya na nauutal dahil siguro sa kaba
Lalong lumakas at bumilis ang pagtibok ng puso ko na anytime pede ng sumabog
"Malinaw sa akin ang nararamdaman ko na ikaw na ang gusto ko at nalimutan ko na si Kaye. Yung kanina it's just a friendly hug. I like you Yel. Sa tuwing nawawala ka sa paningin ko nag-aalala ako at gusto ko na ikaw lagi ang makikita at makakasama ko. Yung mga ngiti mo na bihira ko lang makita nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko." tumigil sya saglit at tiningnan nya ako sa mata kaya napalunok ako
"Dati ko na siguro itong nararamdaman pero pinipilit ko lang ang sarili kong itanggi etong feelings ko kasi alam kong mali..." dugtong nya
Tama sya mali itong nararamdaman namin. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya dahil hindi ko kayang magsalita at buti nalang na nakahawak sya sa balikat ko kasi baka tuluyan na akong matumba sa panlalambot ng tuhod ko.
"Pero dahil sa sinabi mo kanina naglakas loob akong umamin sayo and I'm ready to take the risk. Kahit anong mangyari Yel tandaan mong.....hinding hindi na kita papakawalan. Sabihan mo na akong corny pero yun ang nararamdaman ko. I already kissed you at sa gusto at gusto mo your officially my Baby Boss." sabi nya
O//////////O
Shett! I hate you Gabbin Hakku bakit mo ito ginagawa sakin?
"P-Paano kung ayaw ko?" sa wakas nakapagsalita na rin ako
"Umamin ka na rin at hindi ako papayag na ayawan mo ako noh. At bawal tumanggi sa pinag-uutos ng master mo. Tandaan mo ang araw na ito August 28, 2017 ang aking puso ay sa iyo ng buong buo baby boss" sabi nya na nakangiti ng malapad
Darn! Sino bang hindi mahuhulog sa mokong na ito?!
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ewan ko pero nanghihina na ako. Ganito ba ang feeling ng nagkaaminan?
"Wag mo akong susundan please" sabi ko at tumakbo paalis dahil pag hindi pa ako aalis dun feeling ko maririnig nya ang lakas ng tibok ng puso ko
"Ya Yel! " sigaw nya
kahit narinig ko ang sigaw nya di ko sya pinansin
Takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam kung saan ako papunta basta kailangan kong makalayo kay Hakku.
Etong araw na ito hindi ko sure pero sa tingin ko napakamemorable sa akin.
Napahawak ako sa labi ko.
Lumakas na naman ang tibok ng puso ko at parang sasabog na ito. Tumigil ako sa pagtakbo kasi hindi ko alam pero parang hindi na ako makahinga...
Then everything went black
Hakku's POV
Sinubukan ko syang habulin pero bigla nalang syang nawala.
Psh! Pagkatapos naming magkaaminan tatakbuhan nya lang ako??? Pero di ko sya masisisi nabigla sya at kahit ako nabigla sa ginawa ko pero hindi ko yun pinagsisisihan dahil hindi ko na kayang itago itong nararamdaman ko sa kanya. At gusto kong malaman nya ito.
Hinding hindi na kita papakawalan Meryelle...
Hinanap ko sya at nakita kong tumigil sya sa pagtakbo at biglang tumumba.
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...