Game 33

28 12 0
                                    

Hakku's POV

Ang tagal naman ni Yel. Aigoo!

Nakaupo ako dito ng biglang bumukas yung pinto.

"Ayshh ang tagal mo---Kilik? Anong ginagawa mo dito?" nagulat kong tanong

"Masama bang pumunta dito?" Nakakaloko nyang tanong

"Hindi naman. Pero buti andito kana para malinis ang pangalan mo kay Airro kasi pinaghihinalaan ka nya" sabi ko

"Wala akong pakielam sa kanya. Ang kailangan ko ay kayong dalawa ni Yel" sabi nya

Bakit ganito si Kilik? Ano bang sinasabi nya?

"Tapos na ang balak ko kay Yel kaya ikaw na ang kasunod" sabi nya

"Anong sinasabi mo dyan? Anong balak?"

"Nasabi ko na kay Yel ang mga sikreto mo sa kanya at ang masaktan sya ang balak ko" sabi nya

"Ano?! Paano mo n-nalaman?!" Gulat kong sambit

Lumapit ako sa kanya at kwinelyuhan sya

"Asan si Yel?! Anong ginawa mo sa kanya?"

"Chill! Wala akong ginawa sa kanya ang tanging ginawa ko lang ay sinabi ko ang mga hindi mo kayang sabihin sa kanya tsk. At sigurado akong nasasaktan sya ngayon" sabi ni Kilik

Paano nalaman ni Kilik ang sikreto ko? Sh*t!

Binitawan ko sya at paalis na sana ng magsalita sya.

"Not so fast! Hindi mo pa alam ang balak ko sayo" sabi nya

Napatigil ako...at napatingin sa kanya.

Ngumiti sya ng ala-demonyo
"Ang balak ko lang naman sayo ay ang patayin ka!" Sabi nya sabay hugot ng espada nya at buti nalang naiwasan ko agad.

"Nag-iimprove ka sa mundong ito ah" sabi nya

"Sino kaba?! Hindi ikaw si Kilik!" Sabi ko.

*door opens*

"Hoy Hakku asan yung babaitang—Kilik?!!" Sigaw ni Flash

"Flash umalis kana!" Sigaw ko at biglang nanlaki ang mata nya ng makita nyang may hawak na espada si Kilik at nakatutok sakin.

Humarap si Kilik kay Flash

"Ayaw ko sa lahat yung sagabal eh. Dapat yung mga katulad mo ay tinatapos na" sabi ni Kilik

Hindi!

Sinugod ni Kilik si Flash pero nakaiwas si Flash kaso ——

"Flash sa likod mo!" Sigaw ko

Nasaksak ni Kilik si Flash sa likod sa bandang tagiliran.

Hindiiii!!! Lumapit ako kay Flash.

"Tulonggggg!!"

"Dahil sayo marami ang napapahamak" sabi ni Kilik sabay alis

Tumingin ako sakanya bago sya umalis. Hindi sya si Kilik.

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon