Hakku's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil marami akong kailangan tapusin sa ANS.
Nakaharap ako ngayon sa computer ko at may inaayos.
"Hakku, tara maglalaro ng ANS. Tagal na nating di nalalaro yun e" sabi ng katabi ko na si Logan
Andito kami ngayon sa mini office ko sa unit ko.
"Logan, alam mo namang busy tayo ngayon "
"Parang di mo na namimiss si Miro ah" sabi nya
Natigilan ako. Oo nga noh, parang ni minsan di sumagi sa isip ko si Miro.
"Maalala ko pala, ano real name ni Miro?" tanong nya
"Real name? Anong sinasabi mo?"
"Ngayon ko nga lang rin napansin. Si Airro kasi real name nya ay Aiden tapos warrior name nya lang ang Airro. Raming alam ng Kuya mo eh" giit nya na iiling iling pa
Real name? Warrior name?
"San makikita yun?" tanong ko
Ewan ko pero sobrang curious at kinakabahan ako.
"Punta ka sa settings tapos pindutin mo yung Bio ni Miro" sabi nya
Ginawa ko ang sinabi nya. Hinanap ko yung real name ni Miro.
O_O
Nailayo ko yung sarili ko sa computer.
N-Nagkataon lang naman siguro diba?
Warrior Name : Miro
Real Name : Meryelle
"Huy Hakku namamawis ka dyan?"
"H-Ha eh ano iinom muna akong tubig" sabi ko at bumaba ako papuntang kusina.
Meryelle
Meryelle
Meryelle
Nagkataon lang naman siguro? Baka nagustuhan lang ni Kuya yung pangalan na Meryelle.
Dahil napaka impossible ng naiisip ko! Aigoo! Hindi si Miro yung babaeng naka---
"Oy"
"Ahh! What the he---Yel?! Bakit kaba nang gugulat?" tanong ko
"Nanggugulat? Tinawag lang kita. Anong nakakagulat dun? Pati tingnan mo yung baso umaawas na yung tubig" sabi nya
Tiningnan ko yung water dispenser at umaawas na nga. Pinatay ko ito.
Ininom ko yung tubig at napatingin ako sa kanya habang nakuha rin sya ng tubig sa ref.
May hawig sila.
Para syang si Miro na naging tao.
Yung expression nila magkatulad.
At yung---yung-----tumingin sya sakin kaya naibuga ko yung tubig na kanina ko pa pala iniinom.
Kitang kita ko kung gano sya kabilis kumilos.
At yung bilis ng kilos nya na katulad ng kay Miro.
Natatandaan ko nun na pinanalo ko lahat ng laban nya para lang mag upgrade ang bilis ng kilos nya.
"Hoy Hakku kanina kapa nakatulala. At talagang binugahan mo pa ako, buti at nakaiwas ako."
"P-Paano ka nakakakilos ng ganun kabilis?" tanong ko
"Madali namang iwasan yung ginawa mo kanina tsk" sabi nya
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...