Hakku's POV
Nandito kaming tatlo sa kusina. At ako ang nagluluto ng pagkain.
"Hakku hindi kaba hinahanap ni Logan?" tanong ni Yel
Natigilan ako.
Hindi ko naaalala na baka hinahanap na nila ako. Pati nawawala sa isip ko ang pagtuklas ng bagay dito. Alam ko na kaya ako andito dahil may kailangan akong malaman o ipaalam. At gusto ko ring malaman kung paano ako napapapunta dito.
"Huy"
"H-Ha? Ah si Logan haha malamang miss na ako nun " sabi ko at tumingin sa niluluto ko
Sa mundong ito parang normal lang ang lahat. May bahay, pagkain, basta lahat ng meron sa real world maliban sa teknolohiya kumbaga sa mundong ito mukhang makaluma.
Napapaisip ako pag nalaman nilang lahat na sila ay kontrolado at isa lang itong laro, alam kong magagalit sila. At ayaw ko yu na mangyari.
Ang pinagtataka ko sino ang nagkokontrol sa ANS at Real World? Paanong kami lang ni Yel ang nakakaranas ng ganito?
"Aishh!" singhal ko
"Oh anyare sayo?" tanong ni Flash
"Wala" sabi ko at kumuha ng isang basong tubig
"Hakku diba nag a-alien words ka?" tanong ni Yel
"Ay bongga! Alien ka?" tanong naman ni Flash
"Gago hindi hahaha" sabi ko
"Koreksyon Gaga kaya, kasi babae ako noh!" sabi ni Flash
"Psh " sambit ko na iiling iling
"Pero pansin ko nga parang may iba kang salitang sinasabi kagaya nung Aigoo? Narinig ko yung sinabi ni Y--mmmmm" biglang tinakpan ni Yel ang bibig ni Flash
"Haha. Hindi kasi yun ALIEN words. Korean Language yun" sabi ko
Inalis na ni Yel yung kamay nya. Tss anong meron?
"Ahh korean. Ano yun?" tanong ni Flash
"Basta"
"Turuan mo nga ako" sabi ni Yel
Napaisip ako kung anong pedeng ituro....AHA!
Ngumiti ako sa kanya.
"Eto repeat after me. " sabi ko at tumango sya
"Oppa"
"O-Oppa"
"Neo "
"No " sabi nya
"Gwiyeoupda" nginitian ko sya
"Gwiyopda? Ano? Hirap namang bigkasin" pag uulit nya.
"Tama sige, eto next." sabi ko at tumango sya.
"Jowa Haeyo"
"Jowa Haeyo" sabi nya
"Ulitin mo lahat" utos ko
"Oppa, no g-gwiyopda jowa haeyo"
Sabi nya na ikinangiti ko ng malapad.^__________^
Uminom ako ng tubig ng may nagsalita.
"Oppa, no gwiyopda jowa haeyo"
O_________O
Sabi ng isang malagong ang boses na napakalapit sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...