Game 24

23 14 3
                                    

Yel's POV

Nakaupo ako dito sa tabing kalsada psh! Magdidilim na wala parin akong alam na pwedeng puntahan.

Nag inarte pa kasi eh!

Sabi ng second thought ko pero umiling iling ako.

Pumunta ako sa Hospital para dalawin si Aya at baka pwedeng dun muna ako magstay.

~HOSPITAL~

Nagtungo ako sa room ni Aya.

"Ate Meryelleeeee" masaya nyang sambit

"Hi Aya, kamusta?"

"Ahm okay lang po hihi. Buti po napadalaw kayo. Asan si Kuya Gabbin?" tanong nya

"Hindi ko sya kasama ngayon eh" sabi ko

"Ahh ganun po ba..."

"Pwedeng magstay muna ako dito. Babantayan muna kita" sabi ko

"Talaga po Ate? Yehey! Oo naman po pwedeng pwede" masayang sambit nya

Napangiti naman ako. Sana talaga gumaling na sya. Kaso bakit parang may masama akong pakiramdam na may mangyayari kay Aya....wag naman sana. Baka masyado lang akong naguguluhan sa mga nangyayari.

"Bukas na po pala ang birthday ni Kuya Gabbin" sambit nya

"B-Birthday? Ano yun?" tanong ko

"Hindi nyo po alam ang birthday?" takang tanong nya

"Hindi"

"Paanong hindi nyo po alam ang birthday ate?"

"Abnoy kasi sya"

Napalingon ako sa may pinto.

"What the---"

"Don't say badwords may bata tsk tsk" sabi nya ng iiling iling

"Kuya Gabbin!" masayang sambit ng bata

"Hi Aya"

"Kanina ka pa ba dyan kuya?" tanong ni Aya

Lumapit si Hakku sa amin

"Medyo haha busy kayo sa kwentuhan kaya di nyo ako napansin"

"Diba sinabi ko sayo na wag mo akong susundan" sabi ko

"Aigoo! Sinong mag sabi na sinusundan kita? Dinadalaw ko kaya si Aya"

Tiningnan ko sya ng masama

"Fine sinundan kita. Alam mo namang di ako marunong makinig sa iba" sabi nya habang nakangisi

"Tss. Dito muna ako" sabi ko

"Hindi pwede Yel. Kailangan magpahinga ni Aya" sabi nya

"Di naman ako manggugulo ah. Babantayan ko lang sya" sabi ko

"Hindi nga pwede"

"Okay lang naman sakin Kuya Gabbin" sabi ni Aya

"Pero Aya bawal kang mapuyat pati san mo papatulugin si Ate Yel mo dito?" tanong ni Hakku

"Oo nga noh. Ate Yel dapat nga po sigurong umuwi na kayo kasi wala po kayong tutulugan dito. Pati next time nyo nalang ulit ako dalawin hihi" sabi nya

"Okay lang naman sakin Aya kahit san ako matulog" sabi ko

"Yung bata na ang may sabi na umuwi kana kaya tara na" sabi ni Hakku

"Pero--!"

"Bye Aya. Dalawin ulit kita hmm?" sambit ni Hakku

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon