Game 38

24 16 0
                                    

Kaye's POV

"Aish! Ang tagal naman magsimula ng battle!" Reklamo nitong katabi ko.

"Just wait Logan!" Inis kong sagot.

Andito kami ngayon sa lab ng kuya ko at parehas kaming nakaantabay sa computer at naghahanda sa battle nina Dremon at Miro.

"Teka saan naglalaro si Hakku?" Tanong nya

"Ahm sa— sa ibang lugar haha sabi nya kasi ayaw nya ng istorbo" sabi ko

"Psh! Gusto nya talagang masolo si Miro...." sambit nito

"Alam mo para kang bata!"

"Teka sino sino ba ang nagjoin sa big battle na ito?" Tanong nya

"Ahm si Miro, Airro, Kilik, Flash, at yung iba pa" sabi ko

"Eh sino yung medyo brownish ang buhok? P-Parang familiar eh" sabi nya

Shocks! Baka mamukhaan nya si Ha—-!

"Kamukha nya si Hakku" sambit nito at nanlaki mata ko

"Hahaha pero malabo namang si Hakku yan e! Pati baka may nag-idol lang sakanya diba?" Tanong nito

"O-oo naman hahaha maraming fans yang si Gabbin eh." Sambit ko

Whew!

"Logan?"

"Hmm?"

"Gawin natin ang best natin manalo lang sa battle na ito ha?"

"Psh! Oo naman ako pa!" Mayabang nyang sambit

Tsk! Kung alam mo lang na maraming buhay ang nakasalalay dito sa larong ito baka hindi ka na makapagmayabang.

Don't t worry Hakku, we got your back.

Hakku's POV

Nagreready na kaming lahat para sa pag-atake sa lugar ni Dremon.

"Kaya ba natin ito?" Tanong ni Flash

"Wag kayong mag-alala. Marami ang tutulong sa atin." Sabi ko

"Oo nga. Kaya natin ito" sambit ni Yel at hinawakan ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya at nginitian sya.

"Hoy warrior couple mamaya na yan" sambit ni Airro

"Eww warrior couple talaga Airro? Ang corny mo talaga mag-isip" sabi ni Flash at nagtawanan kami

Dahil sinamaan ng tingin ni Airro si Flash.

Sana balang araw makilala ko ang player ni Flash.

Medyo maraming gwardya at warriors ang makikisama sa laban na ito. Alam kong tumulong si Kaye para marami ang makisali sa big game.

Lumabas muna ako para makalanghap ng hangin.

"Hakku?" Tawag ni Yel at sumunod pala ito sa akin.

"Wae?"

"Tss. Ayan ka na naman sa alien language mo eh"

"Hahaha. Sabi ko bakit?"

"Ano bang laman nitong flash drive necklace?" Tanong nya

"Secret haha."

"Sabihin mo na. Baka hindi ko na makita——"

"Tch. Makikita mo ang laman nyan. Gusto ko ikaw mismo ang makakita ng laman ng flash drive na yan" sambit ko ng seryoso at tumahimik sya

"Let's end this game together" sabi ko at niyakap sya.

****

Na-igrupo na naming lahat para sa gagawin naming pagsalakay.

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon