Kiro's POV
"Good Job Kiro Ichiro!" Sabi ng prof ko sa english. Nasa english class kasi ako ngayon.
"Omedetō Kiro san" pag congrats sakin ng mga Japanese kong kaklase.
"You're such a Genius Mr. Ichiro. You have a potential in the future, and I think you will be a great scientist" sabi ni Prof.
"Thank you. But sir I don't want to be a scientist" I said
"Why not? All of people in this school knows how great you are in Science and Technology. In fact you are greater than us." He said and smiled to me.
I smiled back.
15 years old lang ako pero sobrang taas ng IQ ko. Marami siguro ang gusto maging katulad ko katalino pero sa totoo lang mahirap at ayaw ko ng ganito. Hindi ko lang talagang kayang sawayin si Dad kaya kahit gusto kong ibagsak ang exams ko hindi ko magawa.
Pagkauwi ko ng bahay sumalubong sakin ang little brother ko.
"Hyung!"
Pfftt-such a cutie.
"Hi! Namiss mo ba si Kuya?"
"Hindi Hahahaahha! Lagi naman tayong nagkikita e" sabi nya
"Hmmp! Haha"
"Gawa moko lobot jeballl" sabi nya
Hahaha bulol kasi sya sa R
"Hindi kita igagawang robot pag hindi mo naimik yung R" sabi ko
"Ihhhh!"
"Sige ikaw baha--"
"Sige na nga. Ahm l-l-lobot !rlobot! R-rrrrobot!" Pagpipilit nya
"Hahahaha galing! Sige igagawa kita mamaya" sabi ko.
"Yehey!" Sabi nya
"Alam mo Hakku 10 years old kana pero parang ang kausap ko ay 5 years old parin hahahah" sabi ko
"Kuya palaging galit na naman sakin si Dad" sabi nya habang nakanguso.
"Bakit naman?"
"Bagsak kasi ako sa quiz ko e" sabi nya.
"Hays. Galingan mo nalang sa susunod ha?" Pagcheecheer up ko sa kanya.
"Arraseoyo" sabi nya.
Umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Naiinggit ako kay Hakku dahil kahit bumagsak sya okay lang na magalit sa kanya si Dad. Hays...
Kinabukasan...
Pagkatapos ng klase ko kanina dumiretso ako sa office ni Dad dahil may sasabihin sya.
"Kiro malapit ka ng grumaduate pero di ka parin sigurado sa kukunin mong kurso?" Tanong ni Dad
Accelerated ako kaya gragraduate na ako agad ng high school at hindi naman sa nagmamayabang pero kayang kaya kong tapusin ang kolehiyo ng tatlong taon lang.
"Sigurado na po ako" sabi ko.
Gusto kong subukan na yung pangarap ko naman ang sundin ko.
"Talaga? So iho anong gusto mo? Scientist or Engineer?" Tanong ni Dad
Napatungo ako.
"Wala po sa dalawa"
"Oh e ano gusto mo?"
"Ang maging painter po" sabi ko
"Ha!Ha!Ha! Nagpapatawa kaba Kiro?!"
"Hindi po. Gusto ko po talaga--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pag palo nya sa lamesa ng malakas.
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...