Hakku's POV
Nakikita ko ngayon sa screen kung ano ang ginawa ni Kael kay Haring Armando.
Kitang kita ko ang pagluha ni Yel.
Ngayon ko lang sya nakitang umiyak.
Wala manlang akong nagawa para protektahan sila.
Pasensya kung wala ako ngayon sa tabi mo para punasan ang mga luha mo.
"Kita mo na ang nangyari Hakku? Simple lang naman ang hiling ko eh. Ang dalhin mo ako sa lugar na yun at mamumuhay na kayo ng tahimik." sambit ni Kael
"Sa tingin mo maniniwala na ako sa mga pinagsasabi mo! P-Pagkatapos mong patayin si Haring Armando! " galit na galit kong sigaw sa kanya
"Character lang sya Hakku. Wag kang OA" sabi nya
"Character? Gago kaba?! Tao sila. Tao sila sa ibang mundo at makakaapekto dito sa real world" sabi ko at kita ko ang pagtataka nya.
Please I need to go back to that 'other world'
At sa pag-kisap ng mata ko nandito na ako sa Ai Palace.
Yel's POV
Nakatulala akong nakatingin sa katawan ng aking Ama.
"Meryelle------Ama!" naramdaman kong may lumapit sa akin at sina Flash, Airro, at Kilik yun.
"Hindi!!" sigaw ni Airro
Napatingin ako kay Airro na hindi umiiyak at galit na mukha at nanginginig na kamay lang ang nakikita ko sa kanya at ganun din kina Flash at Kilik.
"Magbabayad si Dremon!" galit na sambit ni Airro.
Tumayo na ako.
"Y-Yel" banggit ni Kilik pero hindi ko sya pinansin at naglakad palayo
Ang mga kawal na ang nagbuhat sa katawan ni Ama.
Dumiretso ako sa Ai Palace at pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako ng makita ko sya.
"H-Hakku.."
Lumapit sya at bigla akong niyakap. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napahagulgul sa pag-iyak.
Umiyak ako ng umiyak sa kanyang bisig at ng napagod ako tumigil na ako at umupo sa kama ko.
Umupo sya sa harap ko.
"Hakku b-bakit? Anong nangyari kanina?" tanong ko na naguguluhan
"Shh. Magpahinga kana muna at wag mong kaisipin ito" sabi nya at nginitian ako
Tinapat nya yung index finger nya sa noo ko na dati nyang ginawa sakin.
Tumungo ako.
"Hindi yan gagana sakin ngayon" cold kong sabi
Nagitla ako ng hawakan nya ang parehas kong pisngi.
"Sana ito gumana " sambit nya at hinalikan nya ang noo ko na ikinagulat ko.
"Magpahinga kana muna" sabi nya kaya humiga ako at pumikit.
Salamat at dumating ka.
Hakku's POV
Hindi ko alam kung kailan ko masasabi sa kanya ang lahat. She needs a break from this cruel world.
Tinititigan ko ang mukha nya habang natutulog sya.
Mukhang pagod na pagod at ang lungkot lungkot nya...
"It's supposed to be our happy and memorable day but it turns out na napakalungkot ng araw na ito." sambit ko
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...