Yel's POV
Kita ko ang gulat sa mata ni Logan.
"A-Anong sabi mo?"
"Mas una kong nagustuhan si Gabbin pero pinigilan ko yun! At pinilit na magkagusto sayo! Pero nung minahal na kita bakit? Bakit di mo ako mapatawad? It's just one damn mistake! Hindi ko ba deserve ang second chance?" sabi ni Kaye at may lumabas na tubig sa mata nya.
Hanggang ngayon hindi ko pa pala alam ang tawag dun.
Umiwas ng tingin si Logan.
"Ibig sabihin option mo lang ako?" tanong ni Logan at tiningnan ulit si Kaye
"Dati yun Logan pero ngayon mahal kita. And it hurts me na galit ka sakin pero mas masakit na sinabi mong nawawala na ang nararamdaman mo sakin" sabi nya
Haisstt! Bakit ba ako nandito? Makaalis na kaya? Ang awkward makinig sa away ng mag-ex tsk.
"Ikaw ang gumawa ng paraan para magkaganito tayo Kaye kaya wala kang karapatang isisi sakin. Oo may pagkukulang ako pero di sapat yun para lokohin ako kung talagang mahal mo ako" sabi ni Logan
"So eto na talaga ang katapusan natin?"
"Maybe" sagot ni Logan
"Sana mapatawad mo na ako. And sasabihin ko ito sayo para malaman mo na...."
Aalis na sana ako kaso---
"May gusto sakin si Gabbin matagal na" dugtong ni Kaye
Napaharap ako sa kanya. Bakit kailangan pa nyang sabihin yun?!
"W-What? Kailan pa? "
"Matagal na. Tayo masayang magkasama pero sya nasasaktan pag nakikita tayo" sabi ni Kaye
Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa braso para humarap sakin.
"Bakit kailangan mo pang sabihin kay Logan ha? Para makakonsensya sya? Wala kang karapatan sabihin ang nararamdaman ni Hakku" madiin na sabi ko
"Oo! Dahil ayaw kong ako lang ang makonsensya at masaktan!" sabi nya
"Ang selfish mo" madiin kong sambit
"Selfish na kung selfish! Pero hindi mo alam ang lahat ng pinagdadaanan ko! Hindi mo alam kung bakit ko pinigilan ang nararamdaman ko kay Gabbin. Wala kang alam Yel!" sambit nya na ikinatigil ko
Nabitiwan ko ang braso nya.
"I should go. Pakisabi nalang kay Gabbin na Happy Birthday" sabi nya at umalis.
Tama sya wala akong alam sa tunay nyang nararamdaman at pinagdadaanan
"Yel...a-alam mo rin ang tungkol dito?"
"Oo"
"Paano mo nalaman? Sinabi ba nya sayo?"
"Hindi. Manhid ka kasi tapos sya Martir tsk bagay nga kayong magbestfriend" sabi ko
"Napakasama ko. Sa oras na may masasaya akong naranasan kay Kaye sa kanya ako nagkekwento. Inaasar ko pa naman syang bakla dahil wala manlang syang nililigawan yun pala may nilalaman na ang puso nya" sambit ni Logan at umupo sa sofa.
Sumandal sya at sa kisame tumingin.
"Hindi mo naman kasalanan yun. Si Hakku ang nagdesisyon na wag sabihin sayo"
"Pero kahit na. Sana naramdaman ko na sa tuwing inaaya namin sya tumatanggi sya. Pero alam ni Kaye ang nararamdaman nya bakit di nya sinabi?"
"Logan kagaya ng sabi ni Kaye hindi natin alam ang tunay na nararamdaman nya at baka may dahilan ang lahat." sabi ko
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasía|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...