Yel's POV
"Okay ka lang ba kaninang umaga?" tanong ni Hakku sa akin
Ang kulit talaga nito!
Kaninang umaga pa sya tanong ng tanong kung bakit bigla naging ganun ang reaksyon ko. Pati ba naman ngayong gabi?! Tama gabi na, ang bilis ng oras.
Nagtry lang kami ng iba't ibang gawain dito sa resort. At sobra akong nagenjoy.
At ngayon ko lang naramdaman ang ganitong enjoyment.
*WANG*WANG*WANG* WANG*WANG*WANG*
"What the--pfft di mo parin pinapalitan yang Ringtone mo" sabi ni Kaye
Magkakasama nga pala kaming tatlo. Si Kael na weirdo nag-iihaw daw ng barbeque.
"Nalilimutan ko eh. Excuse muna mukhang urgent" sabi nya at umalis na.
Medyo nakakapanibago si Hakku.
"Ahm Yel?"
"Hmm?"
"Tutal tayong dalawa lang ang babae dito at last day na naman natin. Samahan mo naman akong uminom sa bar" sabi ni Kaye
"Bar?"
Parang nalimutan kong isearch kung ano yun ah ~_~
"Oo please." pagmamakaawa nya
I sighed. Makakatanggi pa ba ako?
"Sige"
"Omo! Yehey! "
Nabigla nalang ako ng hilahin nya ako palabas.
"Tara dito na tayo! Mini bar lang ito kaya let's go na! Gusto ko munang makalimot kahit ngayon lang" sabi ni Kaye
Pagpasok ko medyo sumakit ulo ko dahil ang ingay sobra at ang lilikot ng mga tao.
Umupo kami sa medyo malayo sa tao.
"Kaye bawal ba ipahina yung tugtog?" tanong ko
"Ano ba Yel! Bar ito kaya natural na malakas ang tugtog, mahina pa nga ito e kasi Mini Bar lang naman. Teka ngayon ka lang ba nakapasok dito?" tanong nya
"Oo"
"Mukang pinag-kait sayo ang mga ganitong experience haha. You know what? You are so mysterious to me. Para kang puzzle na nawala ang mga piraso kasi hindi kita mafigure out-----waiter!"
Tumingin sya sakin
"Saan kaba talaga galing?" tanong nya
"Hindi ko rin alam, kahit ako naguguluhan" sabi ko
Hindi ko pwedeng sabihin na magkaiba kami ng mundo bukod sa alam kong tatawanan nya ako, hindi ko pa alam kung paano at bakit ako napapunta dito.
May dumating na lalaki at may binulong dun si Kaye.
"Sige hindi na kita kukulitin sinamahan mo naman ako ngayon eh" sabi nya
At maya maya lang dumating na yung lalaki kanina na may dalang dalawang baso at mga ilang bote.
"Here's your order maam" sabi nya at umalis na.
May inabot sya saking baso na may laman na.
"Bawal tanggihan ang maganda" sabi nya.
Bigla nya pinagsalpok ang baso naman.
"Cheers!" sigaw nya at bigla syang uminom
Inamoy ko muna bago ko inumin.
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...