Hakku's POV
Ilang araw na ang nakalilipas dito ng mamatay si Haring Armando. Siguro sa real world mga ilang oras lang.
Kamusta na kaya sina Logan at Kaye dun? Gusto kong bumalik doon pero mas kailangan ako ni Yel...
Nandito ako ngayon sa labas ng Palasyo at tinatanaw ang paligid.
"Hakku?" napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Airro na tumabi sa akin.
"Oh? Teka--hindi na unknown ang tawag mo sakin haha"
"Hmm. Hindi ka narin naman iba sa amin" sabi nya at nginitian ako.
Tumango nalang ako at humarap ulit sa paligid.
"Dati ang saya saya namin dito walang labanan na nagaganap at tahimik na buhay lang ang meron kami pero di ko alam isang araw nagising nalang kami na kailangan naming makipaglaban kahit mga kaibigan namin dati. Minsan nakakaramdam nalang kami na parang wala kami sa sarili at para bang kinocontrol. At nagsimula yun nung dumating si Dremon at Yel....." sabi nya
Napalunok naman ako. Gusto kong sabihin ang totoo kaso wala akong lakas ng loob. At gusto ko pag nalaman nila dapat may solusyon na akong magawa.
"Pero naging masaya kami ng dumating si Yel na kahit mukhang wala syang pake andyan naman sya para protektahan ka. At wala kaming pinagsisihan na napalapit sya samin" sabi ni Airro
Napangiti ako.
"Tama ka. Hinding hindi ko pinagsisihan na makasama sya kahit mahilig mambara minsan" sabi ko
"Mahal mo na?" tanong nya
Hindi ako nagdalawang isip na tumango.
"Hindi ko alam bakit ang bilis pero iba ang nararamdaman ko pag sya ang kasama ko. Nakatadhana siguro ang puso ko sa tigasin nyang puso" sabi ko habang nakangiti
"Ang bakla mo pfft!" sabi ni Airro na natatawa
"Aigoo first time kong marinig na tumawa ka ah" sabi ko
"G*go! Haha talent mo na atang magpatawa ng tao tsk pati si Ama napatawa m---" napatigil sya sa pagsasalita ng mabanggit nya si Haring Armando
Hinawakan nya ako sa balikat at bigla syang sumeryoso.
"Pinagkakatiwalaan ka namin Hakku. Sinabi sakin ni Ama na magtiwala ako sayo na tutulungan mo kaming matapos ang lahat ng ito at sana wag mo kaming biguin" sabi nya at ngumiti sya
Nginitian ko sya.
Hindi ko kayo bibiguin at salamat sa tiwalang binigay nyo sa akin.
****
Kanina pa ako paikot ikot dito sa palasyo at----
"Bored na bored na akoooo!" reklamo ko
At bakit parang kanina ko pa hindi nakikita si Yel. Medyo nagiging okay na naman sya pero bakit sya umiiwas sa akin!
*pout*
Pagkatapos naming mag usap ni Airro kanina. Nakita ko sya pero umiwas lang sya sakin tsk!
Lumabas ako ng palasyo at nakita ko si Yel na may dalang basket.
Saan naman sya pupunta at anong gagawin nya?
"Ya! Yel!" nilapitan ko sya
Tumingin sya sakin sabay iwas. Kitams? Iniiwasan nya akooo
"Bakit?" tanong nya habang sa baba nakatingin
"Tumingin ka nga sakin. Nagmumukha kang engot dahil parang ang tinatanong mo ay yung halaman sa baba" sabi ko at hinawakan ang ulo nya at pinatingin ko ng diretso sakin
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...