Game 19

36 20 5
                                    

Hakku's POV

Nakarating na kami sa sinasabing okasyon.

O_O

DAEBAK!

Kahit gabi na ang liwanag parin dahil sa mga ilaw.

May tatlong long tables ang nakahilera. Ganito karami ang tao?!

Hindi ko alam na may ganito pala dito...

"Magandang gabi sa inyong lahat mga warriors" bati nung nasa unahan

"Andito tayo ngayon para magsaya at hindi makipaglaban, malinaw? At ikinagagalak ko na dumalo ang isa sa aking kaibigan at ang namumuno sa Ai Palace. Si Haring Armando at ang mga galing sa Ai Palace" nagpalakpakan ang lahat at pumunta si Haring Armando sa unahan

"Maraming salamat sa pagimbita samin pero hindi nyo na kailangang lumuhod dahil andito tayo para makisaya. Walang mababa walang mataas. Ngayong gabi pantay pantay ang turingan natin kaya magsaya tayo" masayang sabi ni Hari

Ngumiti ako, That's the King.

"Simulan natin ang kasiyahan sa isang kantahan muna!" sabi nung nasa unahan

"Sinong gustong kumanta sa unahan?" tanong nito

"Eto! Eto!" napalingon ako kay Flash na tinuturo-----AKO?!

"Huy! Bakit--?!"

"May itinuturo si Flash. Halika dito " sabi nung nasa unahan at itunuro ako

"Aigoo! Hahaha di po ako singer, dancer po ako" sigaw ko ng malakas

Tiningnan ko ng masama si Flash

"May hiya ka pa pala" sabi ni Yel kaya sinaman ko din sya ng tingin pero ngumisi lang sya

"Kung gayon sumayaw ka nalang para sa---"

Nyemas-_-

"Ay h-hahaha biro lang po. Singer talaga ako" sabi ko at pumuntang unahan.

Nagpalakpakan naman ang mga tao at naghiyawan.

"Bagong mukha ka iho ah."

Tumango lang ako

"Agree ba kayong gwapo itong lalaking itong nasa unahan?" tanong nitong kamukha ng mga minions ^_^v

Nagsigawan naman ang mga babae at rinig na rinig ko ang sigaw ni Flash.

"Aba! Aba! Ang raming sumang-ayon---"

"TAKEN NA YAN!!" sigaw na naman ni Flash

P*cha! Anong problema nito at kanina pa namumuro sakin!

"Ahh hehe hindi po totoo yun" sabi ko

"Kung gayon simulan mo na ang pagkanta"

Tumango ako. Nasa unahan sina Yel kaya kitang kita ko sila.

"Ahjussi wala po bang mic dito?" tanong ko

"Ano kamo yun iho?"

"Ah wala po"

Binulong ko dun sa mga magtatambol yung beat ng kakantahin ko.

Yel's POV

Lahat ng atensyon nasa kanya at naghihintay ng pagkanta nya

🎶Saan nagmumula itong liwanag?
Hindi nagdidilim sa buong magdamag
Sa kislap ng ilaw na iyong dala
Lahat ng araw gumaganda🎶

Kahit hindi alam ng mga tagadito ang kanta nakisabay sila sa beat nung kanta.

Happy song, happy singer huh?

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon