Game 20

38 16 5
                                    

Hakku's POV

Ayst! Ang sakit ng ulo ko!

Bumaba muna ako at nakita ko sina Airro at Flash na kumakain.

"Yieee binuhat ako ni Bebe Air ko kahapon" pang-aasar ni Flash kay Airro

"Tumigil-tigil ka nga, masasapak na kita" inis na sambit ni Airro

"Kayong magkapatid talaga ang brutal"

Oo nga parehas bayolente tsk!

Lumapit ako sa kanila.

"O Hakku, Good Morning" bati ni Flash

Tumango lang ako at umupo na.

"Asan yung iba?" tanong ko

"Tulog pa si Ama at Kilik. Si Yel naman nasa Garden" sabi ni Airro na hindi natingin sakin.

Ang sungit manang mana sa may-ari.

"Inumin mo pala ito Hakku ng mawala sakit ng ulo mo" sabi ni Flash tapos may inabot sakin.

"Salamat" sabi ko at ininom yun.

Tumayo na ako.

"Puntahan ko muna si Yel" sabi ko at umalis na.

Nagpunta ako sa may garden. Eto ang pinakafavorite place ko.

Nakita kong nakaupo dun si Yel kaya nilapitan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita kong nakaupo dun si Yel kaya nilapitan ko.

"Hey"

Lumingon sya sakin na parang gulat na gulat.

"Parang nakakita ka ng gwapong multo sa itsura mo" natatawa kong sambit pero sinamaan lang nya ako ng tingin.

Umupo ako sa tabi nya.

"Lasing na lasing ka kagabi" sambit nya

"Oo nga eh. Wala nga akong maalala" sabi ko

"T-Talaga? Wala kang maalala? " tanong nyo

"Oo. May nagawa ba akong kabaliwan?" tanong ko at napakamot sa batok.

"W-Wala naman. At araw araw ka naman gumagawa ng kabaliwan tsk " sabi nya

"Psh. Ang ganda ganda talaga dito at hindi ko aakalain na makakapunta ako dito" sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"Nakapunta kana dito?" tanong nya

"Ngayon lang" sambit ko

"Alam mo--"

"Yel ano ba talagang nangyari sa inyo ni Kilik?" tanong ko

"Bakit mo naman natanong agad yan?"

"Kahapon ko pa kasi napapansin yung tingin nya at tingin mo. Parang sya ang lungkot at ikaw ayun wala paring pake" sabi ko

At hindi ko alam kung bakit binabahala ako ng mga tinginan nilang yon aishh! Hindi pwede akong magkagusto sa babaeng katabi ko!

"Observer ka ah. Dapat ko bang ikwento sayo?" tanong nya na nakangisi.

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon