Game 17

34 29 5
                                    

Hakku's POV

Daebak!

Ang laki sobra ng Ai Palace. Pero san ba ang kwarto ni Yel? Kanina pa ako nag iikot ikot dito e.

"Unknown" lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Airro na nakatingin sakin

"Ako?" turo ko sa sarili ko

"Ikaw nga"

"May pangalan akong napakaganda at H A K K U yun " sabi ko sa kanya

"Para sakin Unknown ka parin. Malay ba namin kung ano talagang pakay mo" sabi nya

Aigoo! Manang mana kay Logan tsk tsk.

"Pwede bang matanong kung saan ang kwarto ni Yel?" tanong ko

"Katapat lang nung iyo" sabi nya

Mwo?! Nag pakalayo pa ako.

"Tulog pa yun hanggang ngayon" biglang sambit nya

"Edi gigisin---"

"Hindi mo yun magigising. May oras sya ng pag gising" sabi nya

Hanggang dito ba naman tulog mantika parin sya.

"Diba warrior sya? Dapat alert sya lagi" sabi ko

"Nakasanayan na nya yun. Ewan ko kung bakit nasanay na ganun yun" sabi nya

Sorry akin hehe. Mian ^_^v

Pag may notification na nalabas sakin na sinusugod na ang Ai Palace hindi ko pinapansin kasi wala lang tinatamad ako sa mga oras na yun na mag laro.

"At alam mo ba isang beses kaming sinugod, ayun sya nakahiga at natutulog samantalang kami pawisan sa pakikipaglaban para lang maprotektahan ang Palace at SYA tsk tsk"

Psh Unknown daw ako pero kung makakwento si Airro wagas. HA HA HA!

"Napakaabnoy ni Yel" sabi ko

Sya lang ang kilala kong warrior na tulog mantika

Sya yung taong iimik ng 'bwiset' sa kalmadong boses.

Sya lang yung kilala kong may photographic memory pero mukhang may amnesia.

Sya yung maton kung makaasta eh ang payat payat naman.

Sya yung clueless sa ibang bagay pero napakalakas ng instinct at puno ng word of wisdom.

Sya yung kahit galit ipagtatanggol ka

At sya ang taong di ko aakalain na makikita at makakasama ay isa palang character sa larong ginawa ng kuya ko.

"Alam mo ikaw ang abnoy. Nakangiti tapos biglang mawawala ang ngiti geez." sabi ni Airro at umalis na sa pwesto nya kanina.

Paano ko sasabihin kay Yel na itong mundong ginagalawan nya ay isang larong kami ang nagkocontrol.

"Huy"

"O? Gising ka na pala Yel" sabi ko

"Hindi, tulog na tulog pa ako" sarkastikong sabi nya

"Tsk! Ang corny. Sabi sayo pag magjojoke ka sasabihin mo sakin para maghanda akong tumawa." sabi ko

Inirapan lang nya ako at nilampasan

"Ya! " hinawakan ko ang wrist nya

"Ano?"

"Aigoo! Porket may boyfriend kana iirap irapan mo na ako tsk!" inis kong sambit

"Huh? Anong sinasabi mo? "

"Nye nye nye. Sige itanggi mo pa. Eh halata naman kayo kahapon!" reklamo ko

AI NO SENSHI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon