"I...Love...You" a man said."I love you too baby boy..."
Bigla nalang akong napamulat. At naramdaman kong medyo basa ang pisngi ko? Teka umiyak ba ako?
"Hay sa wakas gising kanarin. Okay ka lang ba? Kilala mo ba ako?"
Inirapan ko sya.
"What the hell Aiden? Asan ako?" Kalmado kong tanong.
"Buti naman at hindi ka nagkaamnesia. Ahm nasa Hospital ka" sabi nya
"Bakit ako nasa Hospital?"
"May nakabangga ka. At medyo masama ang pagkakatama sayo kaya 1 month ka ng tulog" sabi ni Aiden
"What the—-! Seryoso?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Tss. Sino ang nakabangga sakin?" Tanong ko
Tss. Babangasan ko talaga kung sino yung nakabangga sakin.
"Wag mo ng kilalanin nasa Pilipinas sya kaya di mo na makikita. At nasa mental hospital na sya" Sabi ni Aiden
At isang baliw pa talaga ang nakabangga sakin? What the heck!
"Huh? Eh tayo asan? Wala tayo sa Pinas?" I asked
"Wala. Nasa America tayo. I decided na dito ka na ipagamot para mas secure. At dito mo na tapusin ang pag-aaral mo sa medisina." Sabi nya at hindi na ako nakipagtalo.
As always, strict and protective brother! Psh!
Pati nakakatamad magsalita pag makikipagtalo pa ako.
"Huy sure kabang walang masakit sayo?"
"Oo okay lang ako" sabi ko
"Sige dyan ka muna. Sasabihan ko lang ang doctor na gising kana." Sabi nya at umalis.
Bakit ganun?
Bakit parang ang sakit sakit ng katawan ko?
Tanda ko lahat ng pangyayari sa buhay ko pero bakit parang nay kulang?
Bakit parang may nalilimutan ako?
Shet!
Biglang pumasok si Aiden sa kwarto.
"May nalimutan pala akong ibigay. Nakita ko ito na hawak hawak mo nung sinugod ka sa Ospital" sabi nya at may inabot sya saking necklace.
Tiningnan ko ito at——
at shit! Ang sakit ng puso ko at hindi ko alam kung bakit?!
"MJ! Bakit? Bakit ka umiiyak may masakit ba?!" Nag-aalalang tanong ni Aiden
At kinapa ko ang pisngi ko na basang basa na. Hindi ko namamalayan na umiiyak na ako ng hindi ko alam ang dahilan.
"A-Aiden ang sakit....hindi ko alam kung bakit" sabi ko habang patuloy ang luha ko.
Bakit ayaw huminto ng mga luha ko?! At bakit ayaw huminto ng sakit na nararamdaman ko?! Para akong sinusunog at tinutusok ng karayom ng ilang beses!
Ahhhhh! Ano yung nalilimutan ko? Or should I ask na .......sino?
BINABASA MO ANG
AI NO SENSHI
Fantasy|| C O M P L E T E D || #GameWorld What is the meaning of Ai No Senshi? READ to find out It's a game that you've never played before. It's a game that you will take the risk and do everything for your love ones. Will you take the GAME OVER or con...