Ji Won's POV
Tae naman oh! Kabanas talaga si Kuya. Kakarating ko palang dito sa Seoul tas pinapunta na agad niya ako sa ano.. Ano nga yun? Pulis? Dilis? Ple.. Pled... Pledis? Ah oo! Ayun nga! Nyetang Pledis yan. Ano ba yun?!
At ayun nga, dahil perstaym ko dito sa Seoul eh nag-taxi na lang ako papunta sa kung saan man yang Pledis na yan. Tska hello? Ang dami ko kayang bitbit.
"Miss, diyan na po yung Pledis Entertainment." Napatingin naman ako sa tinuturo ni Manong Taxi Driver. Wow. Ang taas naman ng building na to.
"Ay Kuya, salamat ho." Binigay ko na yung bayad at binitbit na yung gamit ko palabas ng taxi.
Mga ilang minuto din ako na-estatwa dun. Ang sarap kasing titigan nung building. May nafi-feel akong special... Ay ewan HAHAHAHA mga nalalaman ko eh.
Dinial ko yung number ni Kuya. After 3 rings sinagot na niya.
"Kuya nandito na ako sa harap nung Pledis na sinasabi mo. Babain mo ako dito! Bibilang ako ng 10 seconds pag wala ka pa dito babalik ako sa Jeju!!!" Sabi ko.
"Lintek kang bata ka. Ano ako si Flash?! Antayin mo ako diyan kundi wala kang 10k!" Aba nanakot pa ang loko! Kung hindi lang talaga ako naghahangad ng maraming pagkain, hindi ko papatulan yang 10k niya -.- Kapal ng mukha kala mo napakayaman!
Wala akong choice kundi antayin siya dito sa harap ng building. Bagal naman nun. Galing ba siya sa rooftop?! Jusq naman!
Mga after 2 minutes eh may natatanaw na akong bakulaw na papalapit sakin.
"Oy panget." Wow ha. Nice greetings. Tukmol talaga tong Kuya ko. Magkamukha kaya kami! Kung panget ako, panget din siya! Aba.
"Ano na? Dalhin mo na ako sa bahay mo, pwede? Pagod na ako." Nakabusangot na ako. Bigla akong nawalan ng gana nung nakita ko mukha niya eh.
Pero imbis na sagutin ako eh bigla niya akong niyakap. Peste to. Mukha kaming mag jowa! Kadiri!
"Namiss kita, dongsaeng~" korni niya naman.
Well... Whatever! Namiss ko din naman ang tukmol na 'to. Oh edi yakapin na lang din. Hahahaha. Baka magtampo, hindi pa ibigay sakin yung 10k xD
"Kadiri Kuya, baho mo." Sabi ko kaya natawa siya. Abnormal.
"Halika na nga.." Kinuha niya yung ibang gamit ko at pumasok na sa loob ng building. Sumunod na din ako.
"Ang gara naman dito, Kuya." Mangha kong sabi habang pinagmamasdan yung paligid.
"Anong klaseng company ba 'to? Bakit may mga pictures ng kung sino sino sa paligid?" Tanong ko. Nakakapagtaka kasi eh. May mga litrato ng mga lalaki at babae. Magaganda't gwapo sila. Artista siguro?
"Tanga mo talaga. Entertainment nga eh, diba? Hindi ka ba Kpop Fan? Napaka-inosente mo naman."
Hindi ko siya sinagot kasi may nakita akong isang malaking picture ng grupo ng mga lalaki. Hmmm... Cute nila. Interesting.
Gusto ko pa sana titigan kaso pumasok na kami sa elevator. Sino kaya yung group na yun? Ang ga-gwapo nila eh.
"Ano bang gagawin ko dito, Kuya?" Tanong ko.
"Ah, basta. Kung ano man yon, wala kang choice kundi pumayag. Arraseo?"
"Hayyy. Ne, oppa."
*ting!*
Nandito na kami sa 8th floor. Tahimik sa floor na 'to. Weird.
Si Kuya lakad lang ng lakad, as usual sunod lang din naman ako ng sunod. Hanggang sa tumigil siya sa harap ng isang pinto. Malaking pinto yun at may nakalagay na tag: CONFERENCE ROOM.
Nakaramdam ako ng malakas na pagkabog ng dibdib ko nung binuksan ni Kuya yung pinto. Ugh... Why am I feeling this shit?! Maayos naman siguro ang mangyayari sakin dito!
Bumungad ang napakaraming tao. Well, hindi naman sobrang dami. Mga nasa 20 siguro? Yeah, ganun. Mostly mga lalaki.
"ANNYEONG HASEYO~" Sabay sabay nilang bati... sakin? Oo sakin nga. Tanga mo talaga Jacie.
"Ahh.. Uhm... A-annyeong haseyo." Sabi ko at nag-bow. Err. Naiilang ako. Bakit ba kasi napakarami nila? Ano ba talaga magiging trabaho ko dito?
"Guys, she's my dongsaeng...Lee Ji Won." Pagpapakilala sakin ni Kuya kaya ngumiti na lang ako. Hindi ko tinitingnan yung mga mukha nila kasi nahihiya ako. Ewan basta. Ang weird ko bigla.
"So... Ji won, I think may idea ka naman na kung bakit ka nandito, right?" Sabi nung isang lalaki. Medyo matanda na siya. Kailangan bigyan ng galang hehe.
"May trabaho po ako dito... Pero di ko alam? Ahehe." Awkward kong sagot. Napakamot na lang ako sa batok ko.
"Well, gusto ka lang naman kunin ng company bilang tiga-bantay sa mga lalaking nasa harap mo ngayon." Huh? Kasama ba siya dun? Lalaki kasi siya e. Hahaha.
Pero teka. Tiga-bantay? Bodyguard lang ang peg? Omayghad! Maskulado ba ang katawan ko para kunin nila ako sa trabahong yun?! Ghad! I kenat! At sino ba sa mga lalaking nandito ang tinutukoy niya??
"I'm sorry but I don't understand your point.." Sabi ko. Natahimik naman ang lahat. Yung kausap ko naman parang iniisip kung paano sasabihin ng malinaw sakin yung point niya. Ang gulo kasi eh.
Babae ako. Hindi ako pwedeng mag bodyguard lalo na sa mga lalaki. Gaano ba kalalamya ang mga ugok na yun para kailangan pang bantayan?
After a while, nagsalita na ulit si Mr. Oldy Man.
"You'll be SEVENTEEN's Personal Noona."
Owkayy? Ano daw?
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)
Short Story"You'll be the SEVENTEEN's Personal Noona." Kung ikaw ba gagawing 'Ate' ng SEVENTEEN? Papayag ka ba? Tunghayan ang journey ni Lee Ji Won sa pagiging 'Ate' ng SEVENTEEN^^.