[18]

400 20 9
                                    

WONWOO's POV

"Woo, kitakits na lang sa canteen mamaya." Paalam nina Jihoon sakin. Tumango na lang ako at pumunta na sa next subject ko. Nice. Homeroom pala! First day na first day may homeroom agad. Tsk, pag sinuswerte ka nga naman.

Chill na akong nakaupo nung napansin kong may pumasok na isang babae. Oh. Yung katabi ni Hoshi 'to kanina sa first subject ha? Ano nga pangalan nito? Ji...  Jillian? Ah oo yun

"Psst. Jillian!" Sigaw ko. Napalingon yung ibang students sakin pero yung iba mga wapakels lang. Si Jillian naman binigyan ako ng 'anong-kailangan-mo-look'. Minention ko naman siya na lumapit sakin.

"Hi." Bati ko.

"Uhh.. Hi." Sagot niya.

"Dito ka na umupo sa tabi ko. Kaklase naman kita nung first subject diba?"

"Uhm.. Oo. Ikaw ba yung katabi ni Shukyin kanina?" Tanong niya sakin habang nilalapag yung gamit sa desk. Tumango naman ako sa tanong niya.

Naka-settle na siya at hindi na siya ulit nagsalita. Uh. Awkward neto. Magsalita na lang ulit kaya ako? Eh. Wala naman akong sasabihin :3

"Wala ka bang naaalala sakin?"  She suddenly asked. Napakunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Nagkita na kami dati? Weh?!

"Naaalala? Wala naman ata. Ngayong araw pa lang kita na-meet." Sabi ko. Nag shrug na lang siya at nagbukas ng phone. Napansin ko ang pink nails niya. Ang cute naman hehe.

"Bagay sayo ang pink." Sabi ko. Bukod kasi sa outside appearance niya, nafi-feel ko yung aura niya na pagka-girlish. Mahinhin kasi siya magsalita eh.

"Uh...Thanks." Sagot niya nang hindi tumitingin sakin. Busy siya sa kaka-facebook.

"Ikaw ba nag paint ng kuko mo?" Tanong ko. Tumango lang siya. "Wow. Para kang professional. Ako kasi hindi ako marunong mag ganiyan eh. Mas magaling ako sa pagtatanim at pag rarap hehe."

"Ahh.. Okay. Cool."  Sabi niya lang. Okay guys, na-offend ako dun ah TT.TT Hindi manlang ba siya magsasabi ng, 'Ah, talaga? Buti ka pa nga marunong ng ganun eh. Ako kasi hindi.'  O kaya naman, 'Really? Sample naman diyan ng rap.'

Asa ka pa Jeon Wonwoo. Makapal din talaga mukha mo minsan eh.

"Sino ka-chat mo?" Tanong ko nung napansing nag me-messenger siya.

"A friend.." TT.TT guys yung totoo? Na a-awkward lang ba siya o sadyang matipid siya sumagot?

"Talaga? Sino?" Tanong ko ulit. Hindi na siya nakasagot nung may pumasok na prof sa room. Aysh. Sana walang pagawin samin ang isang 'to.

"Good Morning class." Bati niya. Tumayo kami at bumati din.

"May ipapagawa akong take home activity sa inyo." Sabi niya na nagpagimbal ng mga buhay namin. Grabe! Activity agad?! Pa-report ko sa pulis 'tong teacher na 'to eh!

"Don't over react, class. Hindi niyo 'to gagawin individually. Each one of you will have a partner."  Sabi niya. "Since dalawahan naman bawat desk, you're seatmate would be your partner."

WOOOAAAAAHH. SI JILLIAN? WHOOOOT!

HAHAHAHAHA, yes sige sige! Game ako sa activity kahit ano pa yan mwehehehe.

"Ma'am ano po ba yung activity?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Madali lang. You will make a scrapbook about your partner." Sabi ni Prof. Luh! Scrapbook?! Paano yun?! Ano ba yung scrapbook?? Hehehe.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon