[39]

170 8 2
                                    

JIHOON'S POV

"Ji, gising na. Male-late tayo sa flight niyan sige ka." Minulat ko ang kaliwa kong mata at bumungad sakin ang mukha ni Cheol hyung.

"Mmm..." Tumango na lang ako at tumagilid. Napuyat ako at hindi nila alam yun -_- Ang akala nila ang sarap na ng tulog ko kagabi pero ang totoo nagpepretend lang ako.

Pinilit ko namang makatulog kaagad pero ayaw makisama ng utak ko. That person keeps on flashing in my mind. Gustong gusto ko na magwala kagabi dahil naiinis na talaga ako sa sarili ko pero tangina. Hindi ko magawa.

What's exactly happening to me? I don't understand myself.

Ang lakas ng epekto niya sakin.

"Jihoon, nandiyan na sina Shukyin sa baba." Mas mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon at kinuha ang towel ko. Tinawanan ako ni Cheol hyung.

"What's funny?"

"You." At humagalpak siya ng tawa. Gago to ah. Tsk. "Pangalan lang pala ni Shukyin magpapagising sayo eh."

Napataas ang kilay ko. "Wag mo nga akong lokohin. Nandiyan ba talaga siya--- I mean, sila sa baba?" Tanong ko.

"Joke lang yun. Pero parating na sila kaya kumilos ka na diyan. Ikaw na lang hindi pa naka-handa sating lahat." Sabi niya at lumabas na sa kwarto. Tsk. Bwisit. Istorbo sa pagtulog.

At dahil hawak ko na rin naman tong towel ko, fine, maliligo na. Bumaba na ako at nadatnan sila na chini-check yung mga dala nilang bagahe.

Oh edi ako na late magising -_-

"Good morning, Jihoon hyung!" Bati nila sakin. Tumango na lang ako at pumasok na sa cr para maligo.
__

"Noona, pupunta pa ba dito sa dorm sina Shukyin?" Tanong ko kay Noona habang pababa kami ng hagdan.

"Hindi na eh. Susunduin na sila ng service sa dorm nila." Sagot niya.

Akala ko ba.... tsk letse ka talaga Seungcheol.

"Itago mo yang buhok mo pagdating natin dun sa airport. Oh, isuot mo tong cap ko." Inabot niya sakin ang isang blue na cap.

"Ikaw?"

"Meron ako dito. Tsaka di ko naman kailangan magtago 'no. Haha." Sabi niya at nauna na sa pagbaba.

"Guys! Nag text sakin si Doogi PD. Parating na raw yung service natin. Lumabas na tayo para diretso sakay na." Announce ni Noona kaya naman nag unahan na yung iba sa paglabas ng dorm. Hanggang sa natira na lang kaming tatlo ni Noona at Kate dito sa loob.

"Jihoon, lighten up your mood." Sabi sakin ni Noona habang chini-check yung dorm.

"Uy alam mo bang pinag-alala mo si Shukyin kahapon?" Sabi ni Kate. Napatingin naman ako sa kaniya.

Pinag-alala?

"Oo nga. Mag-usap kayo ha. Hindi maganda sa magkaibigan ang walang tamang communication sa isa't isa." Noona

"I-check mo nga rin pala yung phone mo. Kagabi pa raw nagtetext sayo si Shukyin pero di ka nagrereply." Kate

Kukunin ko na sana sa bulsa ko ang phone ko pero pinigilan ako ni Noona. "Mamaya na lang sa van. Nandiyan na yung service lumabas na muna tayo."

Lumabas na kami sa dorm at nilapitan ang mga members na inaayos na ang mga gamit sa isang van. Yung isa namang van, doon kami sasakay.

Matapos namin maayos ang mga bagahe namin ay sumakay na kami sa isang van. Pagka-upo ko pa lang ay binuksan ko na agad ang phone ko. Hindi ko kasi 'to na-power on kagabi kaya hindi ko alam na nagtetext pala si Shukyin sakin kagabi.

From: Shukyin
Uy Ji!
Okay ka lang ba?
Is there something wrong?
Please talk to me.
Are you busy?
Ji?
Hey.
Please text back. Nagaalala ako.
Lee Jihoon, galit ka ba sakin? Wala naman akong ginawang mali diba?
Umalis ka agad kanina. You didn't even bother to leave me any text message.
I'm your friend, Jihoon.
You can talk to me if you have a problem.
...
....
........
..
.
Fine. I give up.
See you tomorrow.
Please show me a bright smile tomorrow, okay?
Goodnight.

Aysh. Nagi-guilty ako. Tangina.

I replied to her. Sana mabasa niya kaagad.

To: Shukyin
Hey. Sorry. I'm fine now. See you at the plane.
Sent

*bzzt bzzt*

From: Shukyin
Good.

To: Shukyin
Can we talk later?
Tabi tayo?
√ Sent

*bzzt bzzt*

From: Shukyin
DJAOSMWOSAOALAPWAKMZAIAKAOAKAAOA YEEESSS SUUURE!!

What the hell? Hahahaha.

From: Shukyin
Sorry! Sorry! Si Emerald yun! Sorryyy!!

To: Shukyin
Okay lang haha. Basta tabi tayo mamaya ah? ;)
See you :)
Sent

In-off ko na yung phone ko dahil malapit na kami sa airport. Hays. Itatago ko muna sarili ko.
___

Kasalukuyan kami ngayong paakyat na sa eroplano. Ang sabi nung mga staff nauna na daw makasakay yung mga babae.

Nakalagay ang dalawang kamay ko sa mag kabilang bulsa ng jacket ko. Ang lamig kasi eh. Kulang na lang ilagay ko sarili ko sa sako. Kasya naman siguro ako dun 'no?

Binati kami ng mga attendants nang makapasok na kami. Mabilis kong hinanap si Shukyin gamit ang mga mata ko.

There.

She's sitting beside her friends.

Nilapitan ko kaagad sila. "Hi. Pwede bang kunin ko muna si Shukyin?" Tanong ko.

"Oo nemen! Iyong iyo na yan! Yiiie. Go ahead~" sabi ni Emerald at bigla silang naghampasan ni Trisha. O....kay?

Hinawakan ko ang kamay ni Shukyin at hinila siya sa vacant na seat.

Pinaupo ko siya sa may window side. Nilagay ko naman yung bag ko sa upuan na pumapagitna samin. Syempre parang ang awkward naman ata kung tatabi ako sa kaniya diba?

We're just friends after all.

"Comfortable ka ba diyan? Ayaw mo dito sa may bintana?" Tanong niya sakin.

"I'm fine. Ikaw, okay ka ba diyan?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya sabay ngumiti.

Bago kami mag-depart ay may mga sinabi pa yung mga officials at attendants ng airline.

"First time mo ba?" Tanong ko kay Shukyin nang mapansing tinititigan niya ang mga ulap.

"No." Umiling siya. "Nung bata pa ako, pumunta kami sa Hongkong ng family ko. Yun yung birthday gift sakin nila Mama. Matagal-tagal na rin yun, kaya feeling ko first time ko pa lang makasakay sa eroplano ngayon. Haha."

"Wow. That's cool."

"Umm... Jihoon?"

"Hmm?"

"Anong.... anong nangyari sayo kahapon?"

I let out a deep sigh. Yun lang ang tanong niya pero para bang pinaulanan ako ng mga Math questions at kailangan ko yun sagutin ng sabay sabay.

"Wag ka na mag-alala sakin."

"I cant help it, you know. I'm your friend..." She look at me straight in the eye. "Tama ba ako, Jihoon? Magkaibigan tayo diba?"

"Shukyin........"
__________________________

A/N: Pabitin daw. Lol. Mema lang.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon