[44]

180 12 9
                                    

Trisha's POV

Tsk. Lintek na Emerald yun. Mag-iisang oras na akong nag aantay sa kaniyang makabalik dito sa hotel room namin pero hanggang ngayon wala parin siya. Hindi tuloy ako makatulog!

Lumabas na ako dito sa kwarto para i-check kung nasa labas pa ba siya o nasa kwarto nina Kate pero wala naman siya dun. Nakatulog na nga rin si Ji won eonnie dito sa kwarto namin kakaantay na bumalik yung gaga na yon. 

Lakwatsera talaga. Kahit gabi kung saan-saan pa nagsususuot. Kung nasan man siya ngayon, sana buhay pa siyang makabalik dito. Pati phone iniwan niya, hindi ko tuloy siya matawagan. 

Hindi naman siguro siya lumabas ng hotel(?). Umuulan eh. Pero ano bang malay ko. Baka naman hinila na yun nina DK kung saan. Jusme, yung gagang yun talaga kung kani-kanino nagpapadala -_-

Lumipas pa ang ilang minuto nang marinig kong may kumatok sa pintuan. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin si Emerald. Pero may napansin kaagad akong kakaiba sa kaniya.

TEKA SAGLIT O_O

"Hala bilis pasok!" Sigaw ko at hinila siya papasok sa loob ng kwarto. 

"Anong problema mo?"

"Bakit ganiyan suot mo?! Kanino yan ha?! Hindi yan ang suot mong damit nung lumabas ka dito, Emerald!" Nanggagalaiti kong sabi. Powta hina-highblood ako ng babaeng to!

"SHHH!!! Natutulog na sila wag kang sumigaw."

"Panong hindi sisigaw?! Ano bang gusto mong i-react ko ha? Umayos ka, sagutin mo tanong ko!"

"Okay, chill. Mag e-explain ako. Myghad." Maarte niyang sabi at nag hair flip pa. Tsk. Ano bang nangyari at bakit parang ang saya-saya niya ngayon? Ang creepy ng ngiti niya sa totoo lang. 

Umupo ako sa kama kaharap niya at hinanda ang sariling makinig. Kailangan ko malaman kung anong nangyari. Baka na-reyp na pala ang babaeng to jusko.

Nag-lean forward siya at inabot ang kamay ko. Anong meron bakit may paganyan-ganyan pa siya? Para namang meron siya sasabihin na malaking sikre---

"Kami na ni DK."

O_O

Weyt. Ano?!

"Huy. Ano ba? Ang sabi ko kami na ni DK. Naririnig mo ba 'ko? Hello? Wala ka manlang bang sasabihin?" Sabi niya at kumaway sa harap ng mukha ko.

"Teka." I paused for a bit. "Kayo na ni DK?"

"Oo. Ngayon lang. Halos di parin nga nag si-sink in sakin eh. At tsaka sa kaniya 'tong suot kong damit. Galing kasi kami sa labas kaya nabasa kami ng ulan." Sabi niya at malawak na ngumiti.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at napahawak sa sentido ko. "Baliw ka ba, Emerald? Bakit ka nakipag-relasyon sa kaniya?" Tanong ko.

Mabilis na naglaho ang ngiti sa kaniyang labi. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Emerald sumagot ka. Nase-stress ako sayo."

"Bakit ano bang masama kung nakipag-relasyon ako kay DK? Mahal niya ako. At matagal mo na rin namang alam na may malalim na pagtingin rin ako sa kaniya pero pinipigilan ko lang. Sabihin mo sakin, what's wrong about that?" Halata ang iritasyon sa boses at itsura niya. Matagal ko ng alam na gusto niya si DK. Pero alam din naman niyang may pangako kaming lima na hindi pa kami mag bo-boyfriend hangga't 'di pa kami nakaka-graduate ng college.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon