A/N: Okay pips, simula na natin ang mga KALANDIAN OVERLOAD sa walang kwentang istoryang ito HAHAHAHAHA YAK xD
_____________Seungcheol's POV
"DIBA SINABI KO SAINYO KAGABI NA KAININ NIYO YUNG NILUTO KO PARA WALA NG MATIRA? BAKIT HINDI KAYO KUMAIN?! ALAM NIYO NAMANG AYAW KONG NAGSASAYANG TAYO NG PAGKAIN DITO DAHIL WALA TAYONG ASO! BABOY AT KABAYO LANG MERON! AT TSAKA PAANO PAG NAGKASAKIT KAYO?! ISANG LINGGO NA NGA YUNG BREAK NIYO SA TRABAHO PARA MAKAPAG-FOCUS KAYO SA SCHOOL TAPOS MAGKAKASAKIT PA KAYO DAHIL SA HINDI PAG KAIN?! KUNG KAYO SANA KUMAIN NUNG BURGER EDI SANA OKAY LANG SAKIN DAHIL KAHIT KONTI, ATLEAST KUMAIN KAYO. EH BAKIT KAY SEUNGKWAN NIYO PA YON PINAKAIN?! MAS NAAWA PA KAYO SA BABOY NA YAN KESA SA MGA TIYAN NIYO?!"
As you can see, nangsesermon si Noona--- este si Ji Won. High blood ke-aga aga. Baka ma-late pa yang mga bata naku po.
Yung mga bata kasi ang titigas ng ulo eh tsk.
Magluluto na sana kasi siya kanina para sa breakfast nung nakita niyang hindi binawasan nila Hosh yung tinirang ulam para sa kanila kagabi. Kaya ayan, nagtatalak na si Ate.
"Noona grabe ka. Di naman ako baboy." Tampururut na sabi ni Kwan.
"Che! Kausap kita!?!" Singhal sa kaniya ni Ji Won. Mukhang nasindak naman ang baboy kaya biglang ngumawa. Alam niyo yung parang kinakatay? Ganon! XD
"ANO?! SIGE MAGSALITA KAYO! PAG DI KAYO DIYAN NAGSALITA PUPUTULIN KO-----"
"Ji Won, enough. Let them leave now. Male-late na sila." Pagputol ko sa sinasabi niya. Pinapairal na naman niya kasi ang init ng ulo kaya humahaba lang ang usapan.
"Sige na. Umalis na kayo. Ingat ha?" Sabi ko sa mga bata. Yung tingin naman nila sakin parang nagsasabi ng 'Waaaah! Thank you Hyung! Aylabyu!'
Tangina ng mga 'to eh. Pasalamat sila awang awa ako sa mga itsura nila ngayon. Mga paiyak na kasi ang mga gago.
"Opo, Hyung." Sabi nila at nagsialis na. As usual natira lang kaming apat na matatanda dito. Si Jeonghan at Jisoo tulog pa. Pagod ata xD
"Seungcheol, bakit mo ba pinagtatanggol yung mga bata?" Mahinahon pero bakas ang iritasyon sa boses ni Ji Won. Mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Pero ano bang masama doon? Iniisip ko lang naman yung kapakanan nila, baka kasi mapagalitan sila ng mga prof nila pag na-late sila.
"Hindi ko sila pinagtatanggol." Maiksi kong sagot.
"Eh anong tawag sa ginawa mo kanina?!" Tsk. Ayan na, nag aalburoto na naman ang bulkan.
"Seungcheol kaya hindi nagtitino ang mga yan dahil kinukunsinti mo! Tingnan mo, simpleng instructions na nga lang hindi pa nila masunod!" Asik niya. Napa-buntong hininga na lang ako dahil sa inaasta niya.
Alam kong may karapatan siyang magalit at umakto ng ganito. Pero sino ba ako dito? Ako lang naman SIGURO ang leader ng grupo at pinakamatanda sa kanilang lahat, pati na sa kaniya. Ayoko sa lahat yung tinatama yung mga ginagawa ko lalo na kung mas bata sakin. Pakiramdam ko napaka-iresponsable ko at walang kwenta.
"Basta. Hindi ko sila pinagtatanggol. Tapos." Sabi ko at tinalikuran na siya. As long as I don't want to be mad at her, siya naman ang gumagawa ng rason para magalit ako sa kaniya.
"Wag mo kong tinatalikuran, Seungcheol. Hindi pa tayo tapos! Gusto mo talagang ibunton ko sayo yung inis ko sa mga bata 'no?! Sige! Humarap ka dito! Mag usap tayong dalawa! Kung sana marunong kang i-disiplina yung mga ba-----"
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)
Storie brevi"You'll be the SEVENTEEN's Personal Noona." Kung ikaw ba gagawing 'Ate' ng SEVENTEEN? Papayag ka ba? Tunghayan ang journey ni Lee Ji Won sa pagiging 'Ate' ng SEVENTEEN^^.