[42]

175 8 19
                                    

DK's POV

Nandito kaming lahat ngayon sa hotel room ni Noona at Kate. Ginagambala lang naman namin ngayon ang pagpapahinga nila.

"Ugh! Lumabas nga kayo dito!" Halatang sobrang naiinis na si Noona samin. Pano ba naman tinatalunan namin ni Hoshi, Seungkwan, at Dino yung kama niya. Sina Seungcheol hyung nagpatugtog gamit yung speaker. Yung iba naman nag pa-party 😂

"YEEEEAAAH!! PARTEH PEOPLE!! LEZZ DO DIZ EBRIBODEH! TUGSTUGSTUGS!"

Nagsasayawan at kantahan kami yung tipong para talagang nasa bar xD Wala kaming pakialam kung may mga nahuhulog na gamit dahil sa kalikutan namin. At buti na lang soundproof tong kwarto kaya party na diiiiss!!

Napansin kong humiga na lang si Noona sa kama ni Kate at nagtakip ng unan sa may bandang tenga niya.

"Whoooooo!!!"

"HAHAHA papuntahin niyo rin dito sina Emerald para mas masaya!"

"Sige sige tatawagan ko! Wuhoooooo!!!"

"HOY ANO BA!" Tumayo si Noona at sinamaan kami ng tingin. "TUMIGIL NGA KAYO! KUNG GUSTO NIYONG MAGPAKA-WILD ABA ANG DAMING NAGKALAT NA BAR DIYAN DOON KAYO MANGGULO WAG DITO!! WALA PA AKONG MAAYOS NA PAHINGA JUSKO NAMAN!" Sobrang yamot na sigaw niya. Tinawanan lang namin siyang lahat kaya bigla siyang nag walk out. Natahimik naman kaming nang pabagsak niyang sinara ang pinto.

Hala O.O

"Lagot kayooo." Panunukso ni Cheol hyung with matching hand gestures pa. Aba hayop siya nga pasimuno neto eh!

"Ulul ka Hyung susumbong ka namin kay Noona." Sabi ni Seungkwan na ginatungan naming lahat. Lagot talaga siya kay Noona. Mukhang tigermode pa naman yun ngayon tapos mas pinalala pa namin ._. hindi lang pala si Cheol hyung ang lagot, kami rin pala T_T

"Wag niyo na lang muna kulitin yun si Ji Won. Kayo kasi eh, ininis niyo pa." Pailing-iling na sabi ni Kate. Nagsimula na siyang ayusin ang mga nagkalat na gamit kaya tumulong na rin kami.

"Sorry sa abala, Kate. Alis na kami." Sabi ni Jeonghan hyung at sunod-sunod na rin kaming nagsilabas.

Napatingin naman ako sa kaharap na pinto ng hotel room nila. Mag-isang lumabas mula doon si Emerald. Gabi na ha? Bakit pa siya lumabas?

"Hello, Emerald!" Bati nina Mingyu sa kaniya. "Una na kami~ Goodnight!" Nagsialisan na sila pero hindi pa ako sumunod. Ay teka. Nandito pa rin pala si Woozi.

"Oh ba't di ka pa sumabay sa kanila?" Tanong ko pero di niya ako pinansin.

"Uhh.. Tulog na ba si Shukyin?" Tanong niya kay Emerald.

"Oo. Bakit?"

"Nothing. I just asked." Nag-shrug siya. "Sige alis na rin ako. Night."

Naiwan na lang kami ngayon dito ni Emerald sa gitna ng hallway. Wala pa akong balak umalis. Sa totoo lang, gusto ko pa nga mag stay.

Gusto kong makausap si Emerald eh. Hindi ko kasi siya nakasama masyado ngayong araw. Kaninang lunch lang kami nagkasama tapos after nun, bumalik na kami dito sa hotel.

"Oh? Hindi ka pa aalis?" Tanong niya sakin.

"Ikaw? Bakit ka pa lumabas? Aalis ka?" Pagliko ko sa usapan. Ayaw ko pang paalisin niya 'ko eh T_T

"Nope. I was about to check you guys. Sabi kasi ni Eonnie silipin daw namin kung nandiyan parin kayo. Ang liligalig niyo daw kasi eh. Tsk." Sabi niya at umirap pa. Sakin na naman galit to T_T Hindi naman ako pasimuno eh! Kay Cheol Hyung sila magalit!

"Tara," umakbay ako sa kaniya. "Labas tayo?"

"Eh! Ayoko nga!" Pagtanggi niya sabay alis mula sa pagkakaakbay ko. Mabilis naman akong napasimangot.

"Bakit ayaw mo?" Kunot-noo kong sabi. Gusto ko pa kasi siyang makasama T_T

"Matutulog na ako. Hindi dapat napupuyat ang mga Dyosa." Sabi niya na ikinatawa ko. Yabang din talaga ng siopao na 'to eh. Sarap kurutin!

"Aray ko! Bakit ka ba nangungurot ng pisngi ha?!" Inis niyang sabi. Nag frown siya at sinuntok ako sa braso. Hahaha ang cute niya talaga!

"Ang cute mo kasi eh." Muli ko siyang inakbayan. "At kahit naman dumating sa punto na magkasing laki na kayo ng eyebags ni Cheol Hyung, Dyosa ka parin sa paningin ko. At wag kang mag-alala, ikaw lang naman ang nag iisang Dyosa para kay Lee Seokmin." Sabi ko at kumindat sa kaniya. Hindi naman siya kaagad nakapagsalita, nanatili siyang nakatitig sakin.

"DK..." Mahina niyang tawag sa pangalan ko. "Tangina mo gabing gabi na. Tigil-tigilan mo ko diyan sa pagpapakilig mong hayop ka."

"Ha? Bakit? Pinakilig ba kita?" Tila inosente kong sabi. Pero ang totoo gustong gusto ko na tumawa.

Takte bakit ba ang lakas ng tama ko sayo Yu Emerald? Ikaw lang nagpapangiti sakin ng ganito.

"Ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan, hindi kita bati! Psh!" Pagmamaktol niya. Akmang pipihitin niya na ang doorknob ng kwarto nila pero mabilis ko siyang napigilan.

Humarang ako sa pinto at sumandal doon. I grab her hand and pulled her closer to me. Napasinghap siya at napahawak sa may dibdib ko para mapigilan ang muntik nang magka-dikit na mukha namin.

"D... Dk?"

Linapit ko ang mukha ko sa may bandang tenga niya at bumulong.

"Sasama ka na ba saking lumabas? O gusto mong mas pilitin pa kita?"

"P-pero gabi na kasi. At tsaka---"

"Okay. Sige na matulog ka na." Lumayo na 'ko sa kaniya at nagsimulang maglakad paalis. Kung ayaw niyang sumama edi wag. Psh. Ako lang naman yata may gustong makasama siya eh.

Di ka naman niya boyfriend para umakto ka ng ganiyan.

Tsk. Letse. Tangina.

At baka nakakalimutan mo, si Jun parin ang gusto niya.

Puta kailangan pa ba ipamukha sakin?! Oo na kaibigan niya lang ako! Si Jun hyung ang gusto niya! Anong panama ko kung palagi silang pinagsasama ng tadhana?! Tapos ako eto parang tanga na kung kumilos eh parang girlfriend ko siya!

Sinasaktan ko lang sarili ko? Eh ano naman? Kasalanan ko bang mahal ko siya? Kasalanan ko bang mahal ko si Emerald? Ha? Ano?!

"DK!" Napatigil ako sa paglalakad. "Sasamahan na kitang lumabas. Hindi ko yata kayang hayaan na magpaka-emo 'tong kaibigan ko."

Kaibigan.

Haha. Tangina.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon