[8]

486 21 3
                                    

Ji Won/Jacie's POV

Kasalukuyan kaming nasa seaside ngayon at gabi na. Nasa 8:00 pm na siguro.

Nakapabilog kaming lahat. Maglalaro kami ng hindi malaos laos na spin the bottle xD

"Okay game!" Sabi ni Mingyu at pinaikot niya na yung bote. Kay Woozi yun tumapat. Whooo muntik na ako dun! Katabi ko kasi si Woozi eh.

"Truth or Dare?" Tanong ni Mingyu.

"Dare na lang. Wala naman akong dapat aminin eh."

"Hmm... Hug mo kami!" Excited na sabi ni Mingyu. Pero itong katabi ko biglang nagbago yung expression. Luh ka Mingyu HAHAHA

"Niloloko mo ba ako?" Sabi ni Woozi. Mukhang nasindak naman si Mingyu. Watdapak HAHAHAHA David and Goliath ba 'to?! XD

"Ahh ehh.. Sabi ko nga Hyung haha. Mag aegyo ka na lang. Gawin mo na yun!" Sabi ni Mingyu. Sinamaan siya ng tingin ni Woozi. Paktay ka diha xD

"Wag kang kj, Woozi."

"Yiiiiee~ Gusto diiinnn~"

"Mag e-aegyo na yan! Mag e-aegyo na yan!"

Walang choice si Woozi kundi mag aegyo. Halos masuka siya sa ginawa niya pero tawa din naman ng tawa. Jusme pabebe pa ang isang to gusto din naman
-.-

Nagpatuloy na yung game at halos lahat sila puro Dare. Sus ang sabihin nila ayaw nilang may aminin. Mga ugok talaga.

Ngayon pinaikot na ni Minghao yung bote. Parang nag so-slow motion yun sa paningin ko. Umayghad eto na naman tayo sa slow motion eh! Kingnang yan!

At ayun na nga. Sakin tumapat. Darn it.

"Noona, Truth or Dare?" Tanong ni Minghao.

"Truth." Sabi ko agad. Ayaw ko kasing tumayo para lang sa dare na yan -.- Tsaka wala namang mawawala kung may aaminin ako or what. Basta bahala na.

Nagtaka ako nung nagkumpol sila. Gherd, pinaguusapan pa talaga nila itatanong nila sakin? Kaloka 'tong mga 'to.

Hindi din nagtagal bumalik na sila sa sari-sariling pwesto.

"Noona, sabihin mo samin ang tunay mong nararamdaman ngayon."

Huh? Ang weird ng tanong nila. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganiyang tanong sa larong 'to HAHAHA. Usually kasi yung mga tanong na 'Sino crush mo?' or 'May minahal ka na ba?' ang pinakapaboritong itanong ng lahat -.-

"Well.. Um.. Masaya. Masaya ako ngayon." Sagot ko. Bumusangot naman sila.

"Ano pa Noona?" Sabi nila. Nako may inaantay marinig ang mga to.

"Hmm.. Ayun nga, masaya ako. Masaya na ako nung nasa Jeju pa lang ako pero mas naging masaya ako nung nagpunta ako dito sa Seoul at nakasama ko kayo. Sa totoo lang... naging malapit na kayo sakin kahit sa maikling panahon pa lang. Nag lo-look forward pa ako sa mga days.. weeks.. months.. or maybe years na makakasama ko kayo. Who knows diba? Pakatatag lang tayong lahat at makining kayo parati sakin. Ok ba yun?"

Ghad. Haba nun ah. Drama pati mygash -.-

Nagulat ako nung bigla nila akong grinoup hug. Jusko naman 'tong mga 'to. Ang daming drama sa buhay!

"Dahil tapos na si Ji Won at yung turn lang naman niya ang inaantay niyo, oras na para matulog." Huh? Loko talagang mga batang 'to!

"Eh Hyung may balak pa kami mag night swimming!" Sabi ni Hoshi na napapagitnaan ni DK at Seungkwan. Ay nako, wala talagang titibag sa tatlong bibe na to. *le sing Tatlong Bibe* HAHAHAHA

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon