Ji Won's POV
Tanghali na nang magising kami lahat sa dorm. Hindi na kami nakapag-almusal dahil 11:00 AM ang meeting namin sa Pledis. Halata ngang gutom na gutom na sila dahil kanina pa sila nagrereklamo pagkasakay pa lang namin sa van.
"Seungcheol dumaan muna tayo sa cafe." Bulong ko sa kaniya. Siya kasi ang nagda-drive. Nang makakita naman kami ng coffee shop ay nag park agad siya. Nag react naman ng bongga yung iba.
"Cafe?!?" Gulat na sabi ni Hoshi. Kita mo 'to parang ngayon lang nakakita ng cafe -_-
"Bibili lang ako. Samahan mo ko Jeonghan." Sabay naman kaming lumabas ni Jeonghan dahil magkatabi lang naman kami dito sa shotgun seat. Syempre naka-suot siya ng cap at mask with matching hoodie din. Para sigurado diba.
Umorder naman kami agad, bumili na din kami ng bread para mabusog sila kahit konti. Bumalik na kami sa van pero hindi muna kami umalis doon para kumain muna.
Matapos namin kumain ay pinaandar na agad ni Seungcheol yung sasakyan. 10 minutes na lang saktong eleven na. Buti na lang malapit na yung Pledis mula dun sa cafe na pinagbilihan namin.
Mabilis kaming nagsibaba sa sasakyan nang makarating kami sa Pledis. Dumiretso na kami kaagad sa Conference room at nadatnan namin na kumpleto na sila doon. Shit, nakakahiya.
"Bakit ngayon lang kayo?" Pambungad na sabi ni Doogi PD. Minsan mabait siya pero minsan para talaga siyang halimaw sa paningin ko. Oo, ang sama ko pero totoo naman eh.
"Sorry." Yan na lang ang sinagot ko. Kapag kasi sinabi kong tinanghali kami ng gising hahaba lang ang usapan. Ayoko pa namang nag se-stay ako dito sa conference room o dito sa building to be exact. Ewan ko, ayoko lang siguro talaga ng aura na bumabalot sa mga taong nandito.
"Pinatawag ko kayo dito dahil sa nabalitaan ko." Panimula ni CEO. Isa pa 'to. Ayoko talagang nakikita siya. Promise. "Aware naman siguro kayo kung anong tinutukoy ko, right?"
Tango lang ang isinagot namin sa kaniya. Patuloy lang siyang nagsasalita at patuloy lang din kami sa pag tango. Wala ni isa saming nagtatangkang magsalita.
"Can you please take off all your masks?" Kunot noong sabi ni CEO.
Shit. Lintek. Letse.
Napatingin ako sa mga bata at mukhang natatakot silang tanggalin ang mga mask sa mukha nila. Alam nilang hindi matutuwa si CEO sa makikita niya. But they have no choice, its the Boss' command.
Pagkatanggal na pagkatanggal nila ng mask ay agad silang napayuko, avoiding CEO's gaze. Kahit ako kinakabahan, inaamin ko. Kasi ako ang masisi. Haha. Punyeta.
Tumingin ako kay CEO at matalim naman siyang napatingin sakin. Fuck. Gusto ko nang umalis, dammit.
"What's with those band aids, Ms. Lee?" He asked. I cursed myself in my mind, unconsciously bit my lip and closed my fist. Hindi dahil sa nagagalit ako o ano. Yun ay dahil kinakabahan ako from head to toe, punyeta.
What the hell. TEKA NGA. Bakit ba ako ninenerbyos? Ano bang pakialam ko sa sasabihin no CEO? Hindi ko naman trabahong mag-explain sa kaniya habang nanginginig sa takot.
I'm not here for him, nandito ako para sa Seventeen. Para ipagtanggol ko sila sa masasakit na salitang sasabihin sa kanila ng mga tao. I'll be their shield. Ako sasalo lahat ng yun. Wala akong pakialam kung ako ang mahihirapan. I chose this responsibility, anyways. Why not make the most of it?
"Would you mind explaining?" Muling tanong ni CEO. Sa aura niya ngayon malamang natatakot na ang ibang staffs na nandito sa loob ng kwarto. Pero ano bang pake ko?
BINABASA MO ANG
SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)
Short Story"You'll be the SEVENTEEN's Personal Noona." Kung ikaw ba gagawing 'Ate' ng SEVENTEEN? Papayag ka ba? Tunghayan ang journey ni Lee Ji Won sa pagiging 'Ate' ng SEVENTEEN^^.