[47]

167 7 14
                                    

Dino's POV

"Okay, cut."

"Good job, Dino." Puri ng director sakin.

"Thank you po." Sabi ko at nag bow sa kaniya. Nilapitan naman ako ni Noona at binigyan ako ng tubig.

"Naks, ang galing mo." Puri niya sakin. Hays. Ang galing ko ba talaga? Nakakakilig naman hehehe.

"Noona, baka lumaki ulo ko niyan. Hahaha."

"Aba. Subukan mo lang, hindi na kita bibigyan ng special treatment hahaha."

"Hindi mo naman po yun magagawa. Mahal mo kaya ako." Sabi ko at hinug siya. Yiiiee lab na lab ko talaga 'to si Noona kahit palagi siyang high blood samin xD

"Aysus. Naglambing ang bata." Natatawa niyang sabi at kinurot ako sa tagiliran. Awts sakit nun ah T_T si Noona talaga, minsan na nga lang ako maglambing sa kaniya ng ganito eh :3

"Oy, maknae. Bakit mo yinayakap si Ji won?" Napatingin kami ni Noona sa nagsalita. Luh epal na naman si Cheol Hyung -_- Bigla biglang sumusulpot. Ano siya kabute?

"Pake mo, Hyung? Inggit ka lang kasi mahal ako ni Noona. Eh ikaw? Bleeeeh!" Pangaasar ko na ginatungan naman ni Noona ng malakas na tawa.

"Tinanong ko lang naman kung bakit mo siya yakap ang dami mo na agad sinabi. Psh."

"Noona oh, inaaway ako ni Hyung!" Sumbong ko. Sinamaan niya ng tingin si Hyung kaya naman napa-grin ako.

"Bakit ka ba nandito? Bumalik ka na nga kung saan ka man galing." Pagtataboy ni Noona kay Hyung. Huahahaha kahit ano talagang mangyari ako pa rin ang kakampihan ni Noona. Syempre, ako pinakamahal niya saming lahat eh. Wala silang laban sakin pag si Noona ang kakampi ko >:D

"Yah." Hinila ni Hyung si Noona palayo sakin. "Hindi lang naman siya dapat mong alagaan eh. Nandito rin kami! May dose ka pang alaga hindi lang si Dino. Nakakatampo ka na."

Psh. Seloso. Ang pabebe ng gurang na 'to bakit ba ganiyan siya? Tsk.

"Mahiya ka nga. Mas matanda ka sakin tapos aalagan pa kita? Ano ka special child?" Sabi ni Noona at umirap.

"Eeeeeehh! Kahit naaa!" Pagmamaktol ni Hyung sabay niyakap si Noona. Pwe. May landiang nagaganap.

Nung isang araw nakakita rin ako ng landian. Sina Hoshi hyung at Trisha Noona. Naglaho na ang kainosentehan ko dahil sa malalanding nilalang sa paligid. Ano ba naman yan -_-

Makaalis na nga lang dito. Tsk.

"YAH! SEUNG---- DINO WAG MO KONG IWAN DITO! WAAAAH!!"

"Bye, Noona!"

Pumunta ako sa loob ng tent at kinuha sa bag ang cellphone ko. Hayy. Eto na naman ako, umaasang rereplyan ako ni Carissa. Kahit na alam kong wala pa rin talagang chance na kausapin niya ako ulit.

Mahigit isang buwan na akong nagsusuyo sa kaniya pero nauuwi lang naman lahat sa wala. Hindi ko naman masisi ang sarili ko, gusto ko siya eh, kaya gusto ko ring mapatawad niya ako.

Pero sa ngayon, ewan ko... hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Alam kong masyado pang maaga para panghinaan ng loob, kaso nakakapagod na rin eh. Parang wala rin naman akong ginagawang tama.

Lahat ng efforts ko binabalewala niya, non-sense lahat ng pinaggagagawa ko. Ang mas masakit pa, wala manlang siyang na-appreciate ni isa sa mga yun.

Pero hindi pa ngayon ang oras para sumuko. Gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako.

Kaya yan, Dino! Fighting!

To: Jillian Noona
Hello po. Nasaan si Carissa?
√ Sent

*bzzt bzzt*

From: Jillian Noona
Nandito sa tabi ko.
Wag kang mag-alala nandito lang naman kami sa hotel 😂
Pero si Carissa ata may balak lumabas. May bibilihin daw siya sa mall.

To: Jillian Noona
Hindi niyo po siya sasamahan?
√ Sent

*bzzt bzzt*

From: Jillian Noona
Ayaw niya magpasama eh. Kaya niya na daw.

To: Jillian Noona
Ahh okay. Thank you, Noona :)
√ Sent

Pupunta ako sa mall. Pupuntahan ko si Carissa. Baka ito na ang pagkakataon na matagal ko nang inaantay. Makakausap ko na siya. Yung kaming dalawa lang.

At pag nangyari yun, wala na siyang choice kundi kausapin din ako diba? Tama?

Sinilip ko ang mga tao sa labas. Busy silang lahat. May makakapansin kaya kung aalis ako? Wala naman siguro.

Nowhere to be found din si Noona pati sina Hyung. Pwede na ako tumakas, tapos na rin naman ako mag-film eh.

Maingat akong naglakad palayo mula sa set. Nang makalayo-layo na ako ay lumingon pa ako saglit para siguraduhing wala ngang nakakita sakin.

Shit! Si Noona! Nakatingin siya sa direksyon ko!

Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na tumakbo palayo. Alam kong hahabulin ako ni Noona. Ayaw na ayaw pa man din niyang umaalis ako na walang kasama lalo na't nandito kami ngayon sa LA.

Pero hayaan na! Hindi naman ako mapapahamak dito. Gusto ko lang naman makita si Carissa eh, at kung suswertehin baka kausapin niya na ako.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makarating ako sa mall. Umupo muna ako sa may bench para ipahinga saglit ang sarili ko. Halos sampung minuto rin akong tumakbo. Nakakapagod kaya.

Mukhang hindi rin naman ako nasundan ni Noona. Hayy salamat! Pag nasundan niya ako baka masira lang ang plano ko.

Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko nang pumasok sa loob para hanapin si Carissa. Ang laki ng mall na 'to, paano ko siya mahahanap?! T_T

Inikot ko ang buong mall. Bawat sulok tinitingnan ko, nagbabaka-sakaling makita ko na siya. Pero wala, walang bakas ni Carissa. Tamang mall ba 'tong napuntahan ko?

Paglabas ko ay sinuri ko rin ang paligid. Baka kasi naka labas na siya at pabalik na sa hotel. Habang nag iikot ay may nakita akong pamilyar na pigura mula sa malayo.

Si Carissa yun diba?

Buhok at pananamit niya pa lang alam na alam kong si Carissa yun.

Pero b-bakit... bakit may kasama siyang lalaki?

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon