[11]

429 20 1
                                    

Third Person's POV

Hindi agad sila nakapag react pagkalabas ni Ji Won sa practice room. Nagtataka kasi sila kung bakit ganun yung kinikilos ng Noona nila.

"Mga hyung, may problema ba si Noona?" Pagbasag ni Dino sa katahimikan.

"Meron siguro." Sabi ni Seungkwan.

"Sure kayo? Bakit pag may problema ba kayo hindi kayo umiinom ng tubig?" Sabi naman ni Vernon dahil nga tinanggihan siya ni Ji Won kanina sa inalok niyang tubig.

"Baka naman may sakit siya? Ayaw niya kasi kumain eh." Sabi ni Jun.

"May sakit si Noona?! Eh bakit niyo hinayaan lumabas?!" Naghy-hysterical na sabi ni Mingyu.

"Ano bang malay namin?!" Sagot nung iba.

Natahimik na naman sila. Hindi na nga sila nag practice ulit at nag decide na hanapin na lang si Ji Won.

Hinalughog nila yung buong building pero wala siya doon kaya sa labas na sila naghanap. Pero halos isang oras na ata silang naghahanap pero wala pa din silang Lee Ji Won na nakikita.

"Alam niyo, may narealize ako..." Sabi ni DK.

"Ano na naman?" Iritadong sabi ni Seungcheol.

"Bakit nga ba hindi na lang natin siya tinatawagan?" Kamot ulong sabi ni DK.

Napanganga naman sila dahil sa katangahan nilang lahat. Si Jeonghan ang tumawag kay Ji Won pero unattended naman. Kaya mas nagalala sila.

Nag missed call pa sila pero wala talaga. Tumambay na lang muna sila sa park. Tahimik silang lahat nung biglang nag ring yung phone ni Jeonghan.

"Tumatawag na si Noona." Sabi niya at sinagot yung tawag. Ni Loudspeak niya pa para rinig nilang lahat. Inantay nilang magsalita si Ji Won pero ibang boses ang narinig nila.

"Hello? Kaibigan ka po ba ni Ms. Lee Ji Won?" Sabi nung babae sa kabilang linya.

"Oo! Kapatid niya kami!" Sabi ni Dino. Sinungaling ang batang to myghad.

"I'm sorry to say this, pero nasa Pledis (wele ekeng meesep ne pengelen xD) Hospital po siya. May nagdala po sa kaniyang lalaki dito. Nakita daw po siya na nahimatay." Sabi nung nurse. Hindi naman agad sila naka react. Hindi sila makapaniwala. Si Ji Won? Nasa hospital?

"Salamat miss. Pupunta na kami diyan." Kalmadong sabi ni Woozi at pinatay na nila yung tawag. Kumaripas sila ng takbo papunta sa ospital since malapit lang naman yun sa tinambayan nila.

"Saan yung room ni Lee Ji Won?" Sabi ni Wonwoo. Pinagtitinginan sila sa ospital kasi helloooo?? Seventeen yan mga ineng!

"Uhm.... R-room 210 po.."

Nagtakbuhan naman sila papuntang Room 210. Pero may nadatnan silang lalaki doon. Hindi familiar.

"Sino ka?" Sabi ni Dino dun sa lalaki.

"Ako yung nagdala sa kaniya dito." Sabi naman nung lalaki referring to Ji Won.

"Ah salamat." Sabi ni Woozi. Yung iba kasi ayun, dumiretso na kay Ji Won at hindi na inintindi yung lalaki.

"Sa susunod bantayan niyo siya. Kapatid niyo siya diba? Sige aalis na ako." Sabi nung lalaki. Samantalang si Ji Won naman ay nagising na. Maingay kasi.

"NOONA!"

"W-wait..." Sabi ni Ji Won. Napalingon naman yung lalaki sa kaniya.

"Ikaw ba nagdala sakin dito?" Tanong niya.

"Oo... Kamusta pakiramdam mo?" Sabi naman nung lalaki.

"Ok na ako. Salamat."

Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang doktor.

"Kayo ba ang kapatid niya?" Medyo gulat na sabi nung doktor. Parang tanga naman kasi si Dino eh -.- kapatid daw! Ogag amputs.

"Ah, hindi po. Kaibigan niya po kami." Sabi ni Mingyu. Tumango naman ang doktor.

"Nahimatay siya dahil sa stress at pagpapalipas ng gutom. Pwede na siyang umuwi ngayong gabi para mas makapag pahinga siya." Sabi nung doktor.

"Sige po. Ididischarge na namin siya." Sabi ni S.coups. Tumango naman yung doktor at lumabas.

"Noona, pinagalala mo kami alam mo ba yun?" Sabi ni Jun.

"Sorry na, okay? Madami lang talaga akong iniisip. Okay na ako. Wag kayong OA." Sabi ni Ji Won at tumayo na sa hospital bed.

"Nasaan yung sling bag ko?" Sabi niya. She's nervous. Baka may nakakita sa contract.

"Eto nasakin." Sabi nung lalaki at inabot sa kaniya yung bag. Nakahinga naman ng maluwag si Ji Won.

Nag ayos lang siya tapos umuwi na din sila.
___________________

Ji Won's POV

"Noona, nagluto ako ng noodles. Kailangan mo kumain." Sabi ni Mingyu na may dalang mangkok. Magpapahinga na sana ako eh.

"Ilagay mo na lang diyan. Salamat." Sabi ko at humiga ulit.

"Noona naman eh. Gusto mo pa bang subuan kita?" Sabi ni Mingyu. Gago di naman ako paralyzed -.-

"Kaya ko sarili ko. Lumabas ka na." Sabi ko at kinuha na lang yung niluto niya at nag simulang kumain.

"Noona, sana kung may problema ka sabihin mo samin. Hindi naman porket ikaw ang nag aalaga samin, hindi ibig sabihin na hindi ka din namin iintindihin. Pamilya tayo dito. Damayan dapat tayo." Sabi niya at binigyan ako ng lame na ngiti. Malungkot siya. Nag aalala siya sakin. I can feel it.

Hindi ako nagsalita kaya lumabas na siya sa kwarto ko. Sabihin niyo nga sakin... Am I being bad? Hindi naman diba? Umiiwas lang ako. Yun lang yun. Wala akong ibang intentions.

*knock knock*

"Bukas yan."

Nakita kong pumasok si Seuncheol, Jeonghan at Joshua.

"How are you feeling, Noona?" Sabi ni Jisoo at hinimas ang buhok ko.

"I'm fine. Really." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ng noodles.

"Boys, pwede bang sabihin niyo sa kanila na wag silang masyadong magalala sakin?" Sabi ko.

"Sa tingin mo paano nila magagawa yun ha? Buang ka ba?" Sabi ni Jeonghan.

"Look, nastress lang ako. Nagutom. Nahimatay. Wala akong cancer, leukemia or whatsoever. Masyado kayong nag aalala sakin. Ni wala nga akong lagnat eh. Jusko."

"Eh bakit ka ba stressed? Dahil ba samin?" Jisoo

"H-hindi ah.. Basta. Wag niyo na tanungin."

"Oo na. Oo na. Basta magpahinga ka na. Wag mo na sila lalong pag alalahin." Sabi ni Seungcheol.

"Bukas daw pupunta si Jiwoo Hyung dito. Bibisitahin ka daw." Sabi ni Jeonghan. Tumango na lang ako.

At dahil naiirita na ako sa mukha nilang tatlo ay pinalabas ko na sila. Mas lalo akong nase-stress pag nakikita ko ang pagmumukha nila. Gusto ko na lang bumalik ng Jeju. Ayoko munang mag isip ng mga bagay bagay.

Bukas, pipilitin ko si Kuya na payagan akong umuwi samin. I need to rest. Feeling ko na ho-homesick na din ako. Di ko ata kayang mabuhay ng wala si Mama.

Charot.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon